Oh munting pipit kay ganda ng iyong tinig
Nakakaakit, nais kong marinig
Ang liriko nito at ang mga himig
Waring inaawit tungkol sa pag-ibig.
Oh munting ibon saan ka pupunta
Yaring pag-awit mo'y tapusin mo muna
Wag mo akong iwanang sawing sawi sa dusa
Tulad ng pag-awit sa pusong sinisinta.
Iyong munting pakpak na nagsilbing gabay
Sayong magiging paglalakbay
Sayong paglisan, awit mo'y kasabay
Malungkot ito at parang inaalay.
Ang paglipad mo sa malayo
Kasabay ng awit na naglaho
Dinggin mo ang aking samo
Umawit kang muli't sa sanga ay dumapo.
***
BINABASA MO ANG
Floating Words, Floating Rhymes
Poetry"Drink up the beauty and bleed out the poetry."
