Ito ang konsepto ng totoong kaibiganHindi bato, hindi papel, walang kaplastikan
Mga sinasabi nila'y pawang katotohanan
Ipahihiya't lalaitin ka pa ng harap-harapan.
Tatawanan ka pa tuwing ika'y nadadapa
Uubusin ang pagkain na parang sa kanila hinanda
Ikakalat ang gamit mo sabay sigaw ng "burara!"
Kapag may problema ka naman hindi sila maglalaho na parang bula.
Sila yung mga kapatid mo sa ibang nanay
Lagi mong kasama sa kwela at paglalakbay
Ganyan sila mang-asar dapat ka nang masanay
Lagi kang matatawa sa mga punchline nilang pamatay.
Ngunit kahit ganyan ang mga kaibigan
Andyan naman sika pag ika'y nasasaktan
Pagpapasaya nila'y magaan sa kalooban
Oo nga't may mga topak pero sila'y kakulangan.
***
BINABASA MO ANG
Floating Words, Floating Rhymes
Poetry"Drink up the beauty and bleed out the poetry."