My Ideal Man

853 25 13
                                    

Prologue

Boring.

Hindi pa ba matatapos ang klase na 'to? Gutom na ako!! Jusmiyo!

"That's all for now. Goodbye class." Seryosong sabi ng prof namin. Hindi man lang hinintay ang goodbye namin sa kaniya kasi sabay labas ng classroom. Tss.

Finally!! Lunch na! Woohooo!

"Bessy, C.R. muna tayo." Sabi ni Sasa– best friend ko, my one and only best friend.

Nagpunta kami sa restroom ng girls. Alangan namang sa boys. Kaderder yon kung sa boys kami.

Pumasok na si Sasa sa isang cubicle at ako naman ay tumingin sa salamin. Ngiti-ngiti ganon. Ayos ng buhok. Ang ganda ko talaga! Joke. Be humble, Elise, be humble. Okay?

"Myghad! Nag seating arrangement kami ngayon at nasa likuran ko yung B101! WAHH!" Kinikilig na sabi ng babaeng kapapasok lamang ng restroom.

"OMG! Ang lucky mo talaga gurl! Sana kaklase ko rin ang B101." Sabi pa nung isa.

Napapairap nalang ako. Jusko! Ano naman kung naging kaklase mo ang B101? Hindi naman nila ikagaganda yon! Nakakaasar ang mga 'to ah? Mga kinikilig pa talaga? Teka nga! Ano bang pakealam ko sa mga 'yan? Tss.

"Edi kaklase mo rin yung late enrollee? Kasi diba tropa yon ng B101?"

Lumabas na si Sasa sa cubicle. Akala ko nilamon na 'to ng bowl.

"Tara na! Gutom na ako." Sabi ko kay Sasa na inaayos yung bangs niya.

Nauna na akong lumabas ng restroom. Hays, mahihirapan na naman kaming bumili ng pagkain nito! Baka nga wala na kaming upuan.

"Bakit ka ba nag mamadali?" Tanong ni Sasa nang naabutan niya ako sa paglalakad.

"Gutom na ako, duh?"

Pagkarating namin sa canteen ay nakipagsiksikan na ako sa favorite naming bilihan ng food. Halos maubos na ang mga ulam. Sheez! Yung favorite kong Adobo! Kailangan kong mag madali para duon!! Waaahh! Adobo ko!

"Bessy!! Ang bilis mo!" Sigaw ni Sasa habang sinusundan ako.

"Adobo nga po." Sabi ko at sabay abot ng bayad nang nakarating ako. Yeyy! Buti nalang at nakaabot ako!

"Okay ka na, bessy?" Tanong ko kay Sasa. Tumango siya.

"Uh-oh, wala na tayong upuan." Sabi ni Sasa habang tumitingin sa paligid.

"Bulag ka ba o sadyang bulag ka talaga?" Sabi ko kay Sasa nang nakakita ako ng table.

"Huh? Pareho lang kaya yang tanong mo." Sabi ni Sasa. Dumiretso na ako sa table na iyon at hindi na ako nagsalita. Sakto sa amin dalawa yung upuan.

Nagsimula na kami ng pagkain ni Sasa. Tahimik kaming kumain ngayon dahil siguro sa gutom. Pero nakakapagtaka kasi kanina ko pa naririnig yung "late enrollee" na yon. Sino naman kaya iyon at bukambibig ng mga tao dito?

"Bessy." Tawag ko. Baka kasi alam ni Sasa. Updated lagi ang isang 'to.

"Hmm?"

"Alam mo ba yung–" hindi niya na ako pinatapos mag salita. Hindi pa nga sigurado kung iyon ang itatanong ko pero nagsalita agad siya eh.

"OMG! I almost forgot to tell you about sa late enrollee! Kanina lang siya nakapasok dito sa school. Guess what? Isa siya sa B101. Siya yung galing sa Korea, yung ano.. nag-aral duon dahil lang sa crush niya na sinundan niya pa sa Korea. Grabe noh?— O.M.G.! Ayun siya oh!" Napatakip pa ng bibig si Sasa dahil sa gulat niya. Tumingin naman ako sa tinitignan niya.

"Huh? Sino duon? Ano itsura?" Nagtatakang tanong ko habang hinahanap kung sino siya. Di ko makita. Wala ni isang B101 sa paligid.

"Ayun oh!" Turo niya pero di ko parin makita.

"Asan nga?!" Hanap parin ako ng hanap pero di ko talaga makita.

"Sino ngayon bulag saatin? Ayon kasi! Bumibili ng siopao!" Sabi ni Sasa. Ang layo ng tingin ko.. siya lang pala. Walang kasama at mag-isa lang.

Nabunggo siya ng isang babae kaya nalaglag yung bag nun babae. Imbis na takasan niya yung nakabunggo sa kaniya, tinulungan niya ito.

Matangkad.
Maputi.
Singkit.
Seryoso tignan pero palangiti siya– nakita ko kasi kanina na ngumingiti siya o di kaya'y tumatawa habang kausap yung nagtitinda.
Maganda ang figure ng katawan– yung broad shoulders niya.
At higit sa lahat.... Mabait.

Halos lahat ng gusto ko sa mga lalaki ay meron siya. Hindi ko pa alam ang iba sa kaniya pero... damn! Mabait siya at paniguradong meron din siya ng mga gusto ko sa isang lalaki.

"Bessy! Natulala ka na jan!" Sabi ni Sasa pero hindi ko pinansin.

Halos siyang-siya yung ideal man ko..

"Sobrang lapit niya sa gusto ko... damn. He is my ideal man."

My Ideal Man
May 21, 2017

--
A/N: HINDI LAHAT NG NANDITO AY TOTOO. ANG IBA NA NANDITO SA STORYANG ITO AY HINDI MAKATOTOHANAN. IMAHINASYON LAMANG ANG IBA DITO.

My Ideal Man | Kang DanielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon