Chapter 27

248 10 7
                                    

A/N: HAPPY 1K READSSS! Thank you sa mga nagbabasa and nag vovote sa langkwents kong storyy😅 love you alll💕😂

--

Awake

"Isang linggo na.. kailan kaya magigising si Elise?" Tanong ni Leri.

"Malapit nang magawa yung coffee shop ko. Gusto ko nanduon si Elise bago ko buksan iyon." Malungkot na sabi ni Sasa.

Isang linggo na ang nakalipas simula nung maaksidente si Elise. Palagi lang kami nasa tabi niya. Araw-araw ay dumadalaw ang B101. Ngayon ay nandito sila.

Pagkatapos namin ni Ong mag-usap nuon ay hindi ko na ulit siya kinakausap.

"Daniel, samahan mo naman ako." Sabi ni Ate Ellie.

Ayoko man pero sasamahan ko na. Maggrogrocery daw kami. Ako ang nagdrive papunta sa supermarket.

"Daniel, gusto sana kitang kausapin." Seryosong sabi ni Ate Ellie.

"Bakit? Tungkol saan?" Tanong ko. Malapit na kami sa supermarket.

"Napag-isipan nila Mommy na... uhm... pupunta muna kami sa Canada." Napatingin ako sa kaniya pero saglit lang dahil nag dadrive ako.

"Really? That's great!" Nakangiting sabi ko.

"Kasama si Elise." Nung narinig ko iyon ay mabilis kong hininto sa gilid yung sasakyan.

"What?!"

"Daniel, one year lang." Napakamot ng ulo si Ate Ellie.

"Ate Ellie, seryoso ba yon? One year. A-Ang tagal non." Napatingin ako sa kaliwa ko.

"Babalik kami kaagad."

"Bakit? Ate Ellie naman."

"Ayoko rin dahil may maiiwan din ako dito pero gusto kasi nila Mommy."

Nakarating kami sa supermaket. Iniisip ko ang pag-alis ni Elise. Hindi pa nga kami okay pero aalis na siya.

"May bibilin ka ba? Ilagay mo lang diyan at ako na ang magbabayad." Sabi ni Ate Ellie habang namimili ng mga pagkain.

"Ate Ellie."

"Hmm?"

"Kailan ang alis?"

"Mamaya."

"AGAD-AGAD?!"

"Yeah. Sorry kung ngayon ko lang nasabi." Napakamot na lang ako ng ulo.

Arrgh! Bakit ang bilis naman? Hindi ba pwede pagkagising niya? Yung pag nagkaayos na kami?

"Huwag kang mag-alala. Ipapakausap ko naman siya sayo."

"Ano ba gagawin niyo duon? Baka ipaglalayo niyo kami."

"Of course not! Hindi ko rin alam. Siguro ay magbabakasyon?"

"Bakasyon, one year? Seryoso ka ba Ate Ellie?" Napaisip ako.. May pera naman ako. Alam ko na!

"Susunod ako."

"Seryoso?!"

"Bakit ayaw mo?" Napanguso ako.

"Ayos lang pero seryoso isang taon ka titira duon?"

"Siguro ayaw mo ako para kay Elise?"

"Gusto kita para sa kapatid ko."

"Edi susunod ako."

My Ideal Man | Kang DanielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon