Chapter 24

224 12 2
                                    

In Love

Ilang taon na ang nakalipas. Marami ang nagbago. Habang tumatagal, lalo ko siyang nagugustuhan.

Mahal ko na ata eh.

Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung sino yung gusto niya. Wala pa siyang nasasabi kahit na konting clue.

Nilapitan ko si Elise. Fck! Natapos namin!

"Elise, congratulations sa atin." Sabi ko tsaka siya niyakap. Ahh! Ang sarap talaga yakapin nito eh.

Syempre, mahal ko eh.

"Yeah, congrats. We made it."

"Hoy! Tara na! Mamaya na kayo diyan." Napasimangot ako kay Ate Ellie– Ate ni Elise.

"Ate Ellie naman, wala pang 10 seconds yon." Reklamo ko.

Kung wala si Ate Ellie baka hindi ko na tigilan yung pagkakayakap ko kay Elise.

"Mamaya! Hanggang sa mag umaga." Natawa nalang ako.

Wala naman reklamo sa family niya at family ko. Okay naman.

Kumain na kami. Katabi ko si Elise sa pagkain dahil hindi talaga ako nahihiwalay sa kaniya. Syempre kasi gusto ko parating nasa tabi ko si Elise. Marami na nga ang nagtatanong sa amin sa school eh.

Alam ng lahat na gusto ko si Elise. Walang umaangal dahil okay naman sila sa amin. Accepted naman nila iyon. Syempre may iba rin na ayaw na si Elise yung gusto ko. Pero sorry, ako ang nagmamahal kaya dapat ako ang magdedesisyon.

"Elise, wala pa rin ba? Ilang taon na." Tanong ko. Lumabas kami dahil gusto namin. Lol. Wala naman silang ginagawa sa loob eh. Tsaka okay na ito, at least solo ko si Elise.

"Danik."

"Bakit?"

"Hmm.. may sasabihin ako sa iyo." Fck! Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Naeexcite na kinakabahan ako.

"Ano iyon? Sabihin mo na kaagad. Kinakabahan ako eh." Sobra akong kinakabahan. Ano kaya sasabihin ni Elise?

"Alam mo naman siguro kung kailan tayo nagkakilala." Tumango-tango ako. Syempre, iyon pa hindi ko makakalimutan? Ayon yung araw na una kong nakita ang babaeng nagpabaliw sa akin ng sobra.

"Bakit? Ano meron duon?"

"Simula nuon, gusto na kita." Akala ko naman kung ano...

"Ahhh– WHAT?! MATAGAL MO NA AKONG GUSTO? AKO PALA YUNG SINASABI MONG IDEAL MAN MO?" Gulat na tanong ko. Pinagtawanan niya lang ako. Ako ito, gulat na gulat.

Fuck! Hindi ko masyadong napansin yung sinabi niya!

PERO ANO DAW? GUSTO NIYA AKO?

DAMN! GUSTO NIYA AKO!!!

"You're really mine now, Elise."

Ang saya ko! Letse! Akin ka na ngayon, Elise. Lalo na at pareho tayo. Gusto mo ako at gusto kita. Masaya ako dahil sa ilang taon ang nakalipas, akalain niyo yun? Matagal na pala kaming pareho ang nararamdaman.

My Ideal Man | Kang DanielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon