Chapter 4

413 15 8
                                    

Friend

Time Check: 11:23 PM

Gabing-gabi na at kailangan na namin umuwi ni Anneesa. Nagkwekwentuhan sila ng nagsalita ako.

"Uhm.. uuwi na kami kasi gabing-gabi na." Sabi ko sa kanilang nakatingin lahat sa akin.

"Sure.. sure!" Sabi nila. Tumayo na kami ni Sasa.

"Uuwi na rin ako." Sabi ni Jinyoung.

"Ako rin. Inaantok na ako eh." Sabi naman ni Jihoon na nag hikab pa.

"Eh kung ganon, umuwi na tayong lahat." Sabi ni Jonghyun.

Tumayo na sila. Sabay-sabay kaming nineteen lumabas ng pintuan. Hindi naman as in sabay-sabay. Hindi kami kasya nun! Sa katawan ba naman ni Dongho at Daniel– huy!

"Thank you! Uwi na kami!" Nagwave pa ako sa kanila. Si Sasa naman ay tumango nalang.

"Next time ulit! Pumunta kayo." Sabi ni Euwioong.

"Yeah! Next time wag na kayong mahihiya sa amin." Sabi naman ni Daniel.

"S-Sige.. salamat ulit!"

Sumakay na kami sa mga sasakyang dala namin.

"Kaya mo bang magdrive?" Tanong ko kay Sasa.

"Luka! Oo naman! Isang margarita lang naman ininom ko eh!" Tumawa pa siya.

Inaantok na ako!!

Nagising ako dahil sa liwanag ng araw. Aishhh! Inaantok pa ako eh.

*tok-tok-tok*

Nagkusot muna ako ng mata bago ako tumayo at lumakad papuntang pinto.

"Ms. Elise, kakain na daw po kayo." Sabi ng isa sa mga maids namin.

"Nandito sila mommy?" Tumango siya tsaka umalis.

Sinarado ko ulit pintuan ko. Nagtoothbrush ako at nagpalit ng damit– nakapantulog ako kanina eh. Hindi na ako nagsuklay ng buhok, tinali ko nalang.

Bumaba na ako at dumiresto sa dining room. Naabutan ko sila Mommy at Daddy na nakaupo na at bihis na bihis at si Ate na kagigising lang din.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ko kila Mommy.

"Sa Germany kami ngayon." Tumango nalang ako sa sinabi ni Daddy.

Hindi man lang naiistay sa bahay ang parents ko. Alis ng alis eh.

"Kain na tayo!"

Hapon na at bored na bored parin ako dito. Umalis na parents ko papuntang Germany. Pati si Ate ay umalis din at hindi man lang ako sinama. Mga maids nalang ang kasama ko dito.

Nagswimming na nga ako kanina at nagbake pero bored parin ako!!! Grrr.

What to doooo?? Huhu I'm bored.

Napansin ko na kanina pa umiilaw yung phone ko kaya kinuha ko at chineck. Kanina pa pala may nagtetext sa akin.

Una kong chineck ay yung kay Sasa sunod ay kay Daehwi at hinuli ko yung unknown number.

My Ideal Man | Kang DanielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon