Chapter 15

298 15 1
                                    

Park

Panibagong araw na naman at hanggang gabi kami dito sa school. Hindi ako uuwi sa bahay namin dahil sisimulan na namin yung project na pinapapasa sa Saturday.

Nandito kami sa school canteen, nagmemerienda. Sandwich and shake lang merienda namin ng B101. Yup! Kasama namin sila.

Natigil ang tawanan namin nung lumapit sa table namin si Mina.

"Anong ginagawa mo dito?" Seryosong tanong ni Daniel. Napatingin lang si Mina kay Daniel. Yung itsura ni Mina na mukhang inaapi.

"I-I just want to apologize for what happened yesterday." Sabi niya.

Hindi ko alam kung sincere ba siya. Basta bahala na. Sincere man o hindi! Wala akong pake.

"Huwag ka sa amin magsorry. Kay Elise ka magsorry dahil siya yung inaway mo." Sabi ni Daehwi.

Lumapit sa akin si Mina at lumuhod. Napatingin naman ako sa B101 at kay Sasa. Lahat kami nagtaka.

"Elise, sorry. Please forgive me."

"T-Tumayo ka diyan." Sabi ko.

"Patawarin mo ako." Nakaluhod parin siya.

"Tumayo ka diyan."

"Pinapatawad mo na ba ako?" Tanong niya. May tumulong luha sa mata niya. Hala siya.

"Oo na. Tumayo ka na diyan. Pinagtitinginan na tayo eh." Sabi ko. Napansin kong may nanunuod sa amin at ayoko non.

"Talaga? Salamat! Sorry talaga." Tumango nalang ako.

Kahit na nagsorry siya sa akin, hindi parin ako kumportable sa kaniya. Hindi parin ako sigurado kung totoo ba siya sa akin.

Hindi pa nga ako makapaniwala na si Mina biglang bait. Yung tono ng pananalita niya, yung nagsorry siya sa akin, basta! Nakakapanibago ang lahat.

"Wala akong kasama, pwede bang sumama ako sa inyo?" Malungkot pero nakangiting sabi niya. Tumingin ako sa B101.

"O sige–" Naputol ang sasabihin ko dahil kay Daniel.

"May pupuntahan pa kami." Seryosong sabi niya. Nagulat ako nang hatakin niya ako. Sumunod na ang B101 pati si Sasa kaya naiwan si Mina mag-isa.

"Grabe ka naman. Bakit mo siya iniwan duon?" Tanong ko. Naglalakad parin kami at hindi ko alam kung saan kami pupunta.

"May pupuntahan lang kami ni Elise. Babalik rin kami kaagad." Sabi ni Daniel at hinatak ako papunta sa sasakyan niya.

Saan kami pupunta?

Nagdrive si Daniel papunta sa park. Medyo malapit lang ito sa school.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala." Umupo kami sa bench.

"Kung ganon, bumalik nalang tayo sa school." Sabi ko.

"Gusto mo ng ice cream?" Tanong niya. Hindi niya pinansin yung sinabi ko.

"Sige."

My Ideal Man | Kang DanielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon