Chapter 25

225 11 5
                                    

Paalam

"Flowers, check! Pictures, check! Tarpaulin, check! Check! Check! Check! Okay, ready na ang lahat!" Masayang sabi ni Leri.

Tinutulungan nila ako para sa mamaya. Nakaready na ang lahat. Kinakabahan ako! Kinakabahan dahil naeexcite ako.

This is it!

Hindi na ako makapaghintay na sagutin ako ni Elise.

"Leri, okay na ang lahat. Ang gagawin niyo lang ay sundin lahat ng mga sinabi ko sa inyo. Okay?"

"Yes sir!" Kumaway na si Leri. Aalis na siya. Pupuntahan na niya si Elise. Kailan kasi na maayusan si Elise. Syempre, para lalong gumanda!

"Ingat!"

Nakangiti akong pumunta sa kwarto ko para maghanda. Tinawagan ko na ang mga bros ko para sabihin na ilang oras na lang.

Sana maayos ang mangyayare mamaya. I want the best for her, only for her.

"Bessy, Leri... Mina? Asaan kayo?"

Kumanta na ang B101. Uhhh! Kinakabahan ako.

Nasa likod ako ni Elise pero hindi niya alam.

"Elise." Napatingin siya sa likod, sa akin. Tapos nang kumanta ang B101.

It's my turn. Hindi naman ako kakanta pero basta ako na! HAHAHA!

"For you." Inabot ko sa kaniya yung bulaklak. Naghihintay akong kunin niya yung bulakbulak. Kinabahan ako pero medyo napawi naman iyon nung tinanggap niya.

"Elise, ilang taon. Alam mo yan. Ilang taon akong naghintay sa iyo. Hindi ko aakalain na pareho pala tayo ng nararamdaman. Sobrang saya ko nung nalaman ko na gusto mo rin ako." Natawa ako. Hindi ko aakalain na dadating kami sa ganitong punto.

"Uhm, Elise, gusto ko lang na malaman mo na hinding-hindi kita sasaktan. Mamahalin kita ng sobra-sobra. Hindi ko hahayaan na umiyak ka. Mahal na mahal kita, Elise. Gagawin ko ang lahat para sa iyo."

Sincere ako. Lahat nang sinabi ko ay totoo. Kapag mahal ko, hindi dapat masaktan. Dapat minamahal ng sobra at hindi hinahayaan na umiyak. Ganuon talaga kapag mahal ko, gagawin ko ang lahat para sa lang sa kaniya.

"Elise, will you be my girlfriend?" Nakangiting sabi ko. Ang totoo niyan, kinakabhaan talaga ako.

Paano kapag nag no siya? UHHH! Wag sana.

"D-Daniel." Yumuko siya.

"Elise..." lalapitan ko sana siya para hawakan ang mga balikat niya pero lumayo siya sa akin...

Bakit?

"I'm sorry, Daniel."

I'm sorry, Daniel.

"What do you mean?" Tanong ko. Tumulo ang mga luha sa mata niya.

Bakit? Bakit ayaw niya? Bakit ganon? Anong ginawa ko? Ayaw niya ba sa akin?

Pero...

BWISIT!

"Elise, b-bakit? D-Diba.. pareho tayo ng nararamdaman pero bakit? Uhh!" Di ko na alam gagawin ko kaya napasabunot na lang ako sa buhok ko sa sobrang inis.

My Ideal Man | Kang DanielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon