Chapter 18

298 13 7
                                    

Tamang Panahon

"WAAAAAHHH! CONGRATULATIONS SA ATIN!!" Sigaw namin ng B101.

Ilang taon na ang nakalipas at natapos na namin ang college life! Finally!

Marami ang nangyare sa ilang taong nakalipas. May nagkaayos, ang B101 at si Mina. May nagkatuluyan, si Jihoon at Sasa. Ay nako! Ang tagal na nila. Strong nang relationship nila. May nadagdag, may ilang nadagdag sa B101. Lalo kaming sumaya dito. Siguro after nung finals namin nung 2nd year, nadagdagan sila. Pito ang nadagdag sa B101, si Minki, Minhyun, Jaehwan, Sewoon, Youngmin, Sungwoon at Woojin. Nag recruit ang B101 eh. Hindi namin alam kung bakit.

Sa akin, ayon, wala naman nabago. Hindi pa rin ako umaamin sa kaniya. Nung nagsimula naman siyang umamin sa akin ay lalo siyang naging sweet at maalaga. Lagi ko ngang kasama eh.

Si Mina ay kasama na rin sa squad. Si Leri ay lumipat na rin dito sa school nuong 3rd year kaya kasama namin siyang grumaduate.

"PICTUREEEE!!" Nagpapicture kaming squad. Kaming apat na girls ay nasa gitna. Si Ate Ellie nag picture sa amin.

"JUMP SHOT!!" Tumalon kami. Tawang-tawa kami habang nagpipicture.

Isa sa pinakamasayang nangyayare sa buhay ay yung makagradute ka. Finally! Tapos na ang paghihirap pero mamimiss ko lahat ng ginagawa ng isang estudyante.

I am no longer a student. Aww.

"Duon nalang tayo magkita-kita." Sabi ni Minhyun. Nagrent kami ng restaurant para lang sa amin. Kasama rin kasi namin ang parents namin.

"Bye!!" Sigaw namin.

"Elise, congratulations sa atin." Niyakap ako ni Daniel.

"Yeah, congrats. We made it."

"Hoy! Tara na! Mamaya na kayo diyan." Sabi ni Ate Ellie.

"Ate Ellie naman, wala pang 10 seconds yon." Reklamo ni Daniel. Natawa naman ako.

"Mamaya! Hanggang sa mag umaga."

"Ellie!! Elise! Let's go." Sigaw ni Daddy. Sumakay na kami sa sasakyan namin.

Nakarating na kami sa nirentahang restaurant. Ang ilan sa squad ay nanduon na. Pagpasok namin ay may pagkaing nakahanda na.

"Ate, may lechon." Bulong ko.

"Diet ako!" Sabi ni Ate.

"Walang diet!" Sabi ko.

".... Amen."

"KAINAN NA!" Sigaw namin nung natapos na ang dasal.

Dalawang long table ang nandito. Isa para sa amin at isa para sa family namin.

Nung natapos na kaming kumain ay kanya-kanyang usapan na. Si Daniel naman at ako ay lumabas.

Eto na siguro yung right time para sabihin ko sa kaniya. Ilang taon ko itong tinago. Sinabi ko na rin kay Sasa na aamin na ako.

"Elise, wala pa rin ba? Ilang taon na." Ibig sabihin niya ay wala pa ba akong nararamdaman sa kaniya.

Gusto kong tumawa kapag tinatanong niya iyan sa akin. Gusto ko rin isagot sa kaniya dati na matagal na simula nung makilala kita.

My Ideal Man | Kang DanielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon