Chapter 29

267 9 4
                                    

Busy

"Kayo na bahala dito ah." Sabi ko sa mga workers ko.

"Yes ma'am! Enjoy po." Sabi nila.

"Salamat!"

"Ingat po."

Lumabas na ako ng restaurant. Nasa labas na si Daniel, hinihintay ako.

"Tara na." Aya ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto tapos sumakay na ako sa sasakyan niya.

Ilang buwan na kaming ganito ni Daniel simula nung nagtrabaho ako. Madalas niya akong sinusundo tapos ihahatid sa bahay. Minsan kapag hindi niya ako nasusundo, tawag nang tawag yan para siguraduhin kung nakauwi na ba ako, kung safe ba ako.

Papunta kaming BARney's ngayon. Reunion namin dahil busy kami nitong mga nakaraang araw. Busy sa work.

Nakakamiss yung estudyante pa kami. Share ko lang naman.

"Kamusta?" Tanong ni Daniel.

"May new recipe kami." Sabi ko.

"Wow! Dalan mo ako."

"Sure. Ikaw ba? How's your day?"

"Stress."

"Aww. Wawa ka naman. HAHAH!"

Nakarating na kami sa BARney's. Dito pa rin kami until now.

"Ayan na sila!!" Sigaw nila Minhyun.

"Brooo!" Sigaw ni Daniel sa B101.

"Bessy!" Sigaw ni Sasa. Umupo ako sa tabi niya.

"Wala na bang kulang? HAHAHA!" Tanong ni Jonghyun.

"Wala naaa!!" 

Dumating ang mga order at ginalaw na agad namin iyon.

Umupo sa tabi ko si Daniel.

"Naalala ko yung first time kong kumanta dito." Nakangiting sabi ni Daniel. Naalala ko rin yon. Kinanta niya yung isa sa fave song ko.

"Eh yung umiyak si Elise habang kumakanta nuong nag outing tayo? HAHAHAHAHAH!!" Natatawang sabi ni Sasa kaya napalo ko braso.

Kahihiyan ko yon! Ayoko nang maalala yon.

"Tapos lagi silang magkasama ni Daniel nung nag outing tayo!" Sabi naman ni Haknyeon.

Memories... yung nag picture pa kami tapos.. ay basta!!

"UYY KINIKILIG!" Tinuro pa ako ni Daehwi na ngiting-ngiti.

"Bakit kami topic?!" Reklamo ko.

"HAHAHAHA ah basta!" Sabi nila.

"Kayong dalawa, kayo na ba?" Tanong ni Minhyun. Ngumiti pa siya. Kyot.

"Hindi pa." Sabay na sagot namin ni Daniel kaya nagkatinginan kami.

"OI NARINIG NIYO YON? PA! HINDI PA! So kelan?" Tanong ni Jisung. Napatingin ulit ako kay Daniel.

"Ganto na lang, kung liligawan ka ba ni Daniel, sasagutin mo?" Tanong ni Ong.

My Ideal Man | Kang DanielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon