Chapter 28

260 11 8
                                    

WANNABLE💗

--

Welcome Back

Kalahating taon na ako nandito sa Canada. Namimiss ko na ang mga girls pati ang B101. Nakakachat ko lang sila pero hindi video call or kahit call lang. I really wanna see them. Wala akong masyadong ginagawa dito pero dito ay sobra akong malaya. Lahat ng gusto kong gawin ay nagagawa ko dito. Yun nga lang, kaming dalawa lang ni Ate. Nakakasawa na rin minsan. Bakit ba kasi sinama kami ni Mommy and Daddy dito?

"Elise, pumunta tayo sa mall."

"Kakapunta lang natin duon Ate ha?"

Nakahiga ako sa kama ko. Naglalaro ng EverWing sa messenger. Nakakaadik ang larong ito.

"Bilis na!!"

"Saglit— AYAN TULOY!! NATALO AKO!"

"Buti nga. Tara na!! Bilisan mo!"

"Bakit ba nagmamadali ka, Ate?"

"Basta!! Tara naaa!!"

Dahil sa kakamadali sa akin ni Ate ay hindi na ako nakapag ayos. Ang suot ko kanina ay iyon din ang suot ko ngayon. Nakashorts lang ako at pambahay na t-shirt na pinatungan ko ng sweatshirt. Nakatsinelas lang ako. Wala nang ayos ayos. Yung magulo kong bun ay ganuon pa rin. Nagdala lang ako ng pocket money and cellphone.

Parang nahatak lang yung itsura ko.

"Nanananana~ I'm the biggest hit! I'm the biggest hit on the stage. If you're happy and you know it clap your hands yo!" Kanta ni Ate habang nag dadrive.

Nilamon na nang Kpop ang isang 'to.

"We're here!! Ohmyghad! Ohmyghad!!"

Ang OA naman ng Ate ko. Ano ba ang nakain nito? Muntanga lang.

"Elise, bagal mo! Bilisan mo namannn!"

Problema ba nito?

Nakarating kami sa loob ng mall at kakaunti lang ang tao. Hindi naman sobra medyo lang.

Sumunod lang ako kay Ate. Papunta siya sa isang ice cream parlor.

"Diyan ka lang. May pupuntahan lang ako."

Ay! Ano ako bata?

"Bakit iiwan mo pa ako? Pwede mo naman ako isama. Hays." Sabi ko habang nakaupo.

"Basta. Diyan ka lang. Huwag kang aalis!"

"Oo na!"

May imimeet lang ata si Ate eh! Grr. Gigil niya si acoe. Pwede naman siyang mag-isa umalis ng bahay. Tutal mag-isa lang din naman siya pumunta sa pupuntahan niya.

Hay nako!!

"Pwedeng makishare ng table?" Tanong nung lalaking naka shades at mask tapos nakahoodie pa. Sa tingin ko ay isa siyang filipino dahil sanay siyang mag tagalog.

Holdaper ba 'to?

Tumingin ako sa paligid. Marami pa naman bakante ah? Tanga nito.

"There are still vacant seats oh." Mataray na sabi ko.

"HAHAHAHAHAHA!!"

Hala? Baliw ba ito?

Umupo na siya sa harapan ko. Nakakatakot ah. Nakatingin lang siya sa akin, diretso. Nakashades siya pero alam kong sa akin ang tingin niya.

My Ideal Man | Kang DanielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon