Chapter 9

292 13 20
                                    

Truth and Dare

"AAAAHHHHH!" Tili nila Sasa, Leri, Daehwi at ng iba pa.

Imbis na matakot ako ay natatawa pa ako. Hindi sa pinapanuod kundi sa mga kanina pa takot na takot. Siksikan na kaming lahat dito. Si Dongho ay lumipat ng upuan sa dulo ng sofa dahil daw nasisiksik siya nila Daehwi.

"Hindi ka ba natatakot?" Tanong ni Daniel sa akin habang ang mga kasama namin ay nagtititili.

"Hindi naman. Bakit? Natatakot ka ba?" Umiling siya.

"Sayang hindi kita mayayakap." Hindi ko masyadong marinig yung sinabi niya dahil pabulong niya lang itong sinabi at tumili pa si Leri.

Si Hyungseob nahahagis ang unan na nahahawakan niya sa sobrang gulat kaya naman kinuha ito ni Samuel para pantakip sa mata kapag may ayaw siyang makita. Si Seonho naman ay sipa ng sipa sa ere kapag may scene na nakakatakot.

"Nasa tv yung pinapanuod mo wala sa mismong harap mo." Sabi ni Guanlin.

Si Sasa naman ay napapayakap kay Jihoon. Hindi ko nga alam kung bakit napunta si Sasa sa tabi ni Jihoon.

"AYOKO NAAAAA!" Sigaw niya.

Madaming manlilibre.. hihihi.

"OHMYGHAD OHMYGHAD WHAT THE—" Sigaw ni Samuel.

Natapos na yung pinapanuod namin. Nakadalawang horror kami ngayon. HAHAHA! Sa pangalawang nuod namin ay mga nakatakip na ang mata at tenga.

Binuksan na ni Dongho ang ilaw. Pagbukas niya ay natawa siya.

"Ano ba kayo! HAHAHA tapos na yung pinapanuod natin siksikan parin kayo jan!" Sabi ni Dongho.

"Nakakagulat kasi pinanuod natin eh!" Sabi ni Daehwi.

"May multo ba dito, Elise?" Tanong ni Sasa. Nagtawanan naman kaming lahat.

"Meron."

"Elise naman eh!!" Lalo siyang sumiksik kay Jihoon. Hayss.. para-paraan. HAHAHA!

"Para hindi matakot si Sasa–" Naputol yung sinasabi ni Jihoon ni Haknyeon.

"Mag truth and dare tayo!" Tumalon-talon pa siya.

"Tanga! Truth or dare 'yon!" Nahagisan pa ni Kenta si Haknyeon ng unan. Natawa naman kami ng marealized namin na mali yung sinabi ni Haknyeon.

"Alam ko!" Sabi ni Haknyeon.

"Wuuu! Truth and dare sabi mo eh." Si Hyungseob na tawa ng tawa. Parang kanina lang hagis ng hagis ng unan eh.

"Truth and dare naman talaga!" Sabi ni Haknyeon.

"Pauso mo!" Si Euiwoong na umayos pa ng upo.

"Paano ba 'yon?" Tanong ni Jisung.

"Easy! Hindi ka mamimili kung truth or dare kapag natapatan ka dahil pareho mo iyon gagawin." Sabi ni Haknyeon. Tumango naman kaming lahat.

Gets ko!! Kaso...

Truth or dare nalang. Bakit kailangan pareho pa? Haysss! Baka ano pa ipagawa nila sa akin kapag tumapat sa akin.

My Ideal Man | Kang DanielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon