Chapter 11

306 12 5
                                    

Falling for You

Nakahanda na ang mga pagkain namin. Seafoods ang ulam namin. Waaaahh! I'm already hungry.

"Picture muna tayo!! Pang instagram ko!" Sabi ni Jisung.

Instagram pa more!

Nagpicture na kami at ang ganda ng picture dahil kitang-kita ang paligid dahil sa fish eye lens na ginamit.

Kumain na kami nang mga nakakamay. Katabi ko si Sasa at Daniel. Hindi talaga humihiwalay eh.

Tama ba si Sasa? The feeling is mutual na ba?

"Huy! Natulala ka?" Tanong ni Sasa. "Nakangiti ka pa." Sabi niya pa.

"Ako nakangiti? Hindi ah! Kumain ka na lang jan." Nagpatuloy ako sa pagkain.

"Elise." Napatingin naman ako kay Daniel.

"Taste this."

Kukunin ko dapat yung ipapakain niya sakin na nasa kamay niya pero iniwas niya.

"Subuan kita."

"W-Wag na." Sabi ko.

"Please?" Ayan na naman siya sa pagpapacute niya.

Tumingin naman ako sa tropa na halatang nakatingin sa amin kanina. Busy sila kumain ngayon. Kunwari hindi ko alam na nakatingin sila sa amin.

"Say ah."

Biglang natawa si Jisung.

"HAHAHA! Hindi naman baby si Elise." Sabi niya. Natawa ang iba maski ako ay natawa ng konti. Konti lang.

"Bakit ba?"

"Wala! Natawa lang ako. HAHAHA. Sige, ipagpatuloy niyo lang yan."

"Ako na!" Sabi ko kay Daniel nung hindi na nila kami pinapansin dahil busy sila sa pag-uusap.

"Subuan nalang kita. Sige naaaaaaaaaa~"

"Hayst. Sige na nga." Sinubo niya na sa akin yung pagkain.

"Masarap?" Tumango nalang ako.

Eh 'yun rin naman kasi yung kinakain ko kanina eh! Hayss.

Last island na itong pupuntahan namin. Eto daw yung pinakamaganda na island. Maliit lang daw pero maganda naman.

Nakarating kami sa pinakamagandang island daw. Tama nga si Kuya na nagsabi sa amin. Maganda nga at pang instagram yung island na 'to.

Nagpicture-picture kaming lahat. May picture na kaming dalawa lang ni Sasa. Syempre meron din kami ni Leri at syempre si Daniel din. Meron din kaming dalawa din ni Jinyoung pati si Daehwi. Lahatin na natin char! Ayon.

Ang dami naming picture dito sa island na 'to. May solo, B101 lang, kaming girls, at kaming lahat. Basta puro picture kami dito.

Pabalik na kami sa isla namin at si Jisung ay daldal ng daldal. Ang daming pinagsasabi. Hindi ko nalang pinakinggan. Daming alam eh.

"Wahhh! Kapagod." Sabi ko at humiga sa kama ko.

Nandito na kami sa resthouse para magpahinga. Nakaligo na rin kami at matutulog na muna kami para mamaya ay may energy kami.

Nagising ako nung ginising ako ni Sasa.

"Bessy.."

"Hmm..."

Inistretch ko pa katawan ko at naghikab.

"Aalis na tayo. Bangon na." Tumango nalang ako.

My Ideal Man | Kang DanielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon