Chapter 6

340 12 1
                                    

#HappyJihoonDay

--

Kasi Gusto Ko

"Go go go!! Fighting!!" Sigaw ko sa B101 na nasa backstage.

"Kaya niyo yannn!" Sabi naman ni Sasa.

"Tara na! Baka mawalan tayo ng upuan." Sabi ni Leri. Pagkalabas namin ng backstage ay wala na nga kaming mauupuan at sa dulo na kami mauupo. Gawdd! Ang layo sa stage.

Umupo kami sa dulo. Nagintroduction na ang MC.

"Myghad. May mga nakikipagkaibigan sa akin kanina. Hahaha." Natatawang kwento ni Leri.

"Hala, hindi ka nag-iisa. Maski kami ni bessy." Sabi ni Sasa. Ang daming nakikipagkaibigan sa amin ngayon jusko!

"Chinachat nila ako para lang makipagkaibigan." Sabi ko.

Nagtawanan kaming tatlo.

"I know naman na they're using us para sa B101." Tumango kami ni Leri sa sinabi ni Sasa. Totoo 'yon. Yung mga nakaaway dati ni Sasa, simula nang nalaman nilang kaibigan na namin yung B101.. aba! Nagsorry na at nakikipagkaibigan.

"Lalo ka na Leri. Pinsan ka kasi ni Daniel."

"Hayaan na lang natin sila." Sabi ko.

Biglang sigawan ang mga tao. Nasa stage na pala ang B101.

"WAAAAAAAAHHHH!" Grabe ang ingay ng mga tao dito sa gym. Mga sigawan nila! Ang wild ng mga tao dito ngayon.

"B101!!"

"WAAAAAHHHHH!" Napasigaw na rin kami nung nagsimula na silang sumayaw.

"JIHOOOOOOOOOONNNNNN!!!" Nagwave pa si Sasa kay Jihoon. Napansin siya ni Jihoon kahit na dulo kami. Wow haha! Nag finger heart pa si Jihoon kay Sasa tapos kumaway habang sumasayaw. Nagkatinginan pa kami ni Leri.

Iba na 'to bessy.

"May something talaga sa dalawa na 'to eh." Sabi ni Leri. Natawa naman ako.

"May tinatago–" Nahinto ako ng narinig kong nagrap si Daniel. Tapos nag b-boying siya.

Hindi man ito ang unang beses kong narinig na magrap at nakitang sumayaw si Daniel pero hangang-hanga parin ako sa kaniya.

Nasa kaniya na ang lahat.

Natapos na ang performance nila at sobrang galing nila! Lalo na si.. oo na! Si Daniel.

"Nice one brossss!" Sabi ni Leri sa B101. Nakipag apir ang B101 sa amin.

"Masyado naman kayong hanga sa amin." Pinalo ko braso ni Justin habang natatawa.

"Ngayon ba yung swimming?" Tanong ko kay Justin.

"Nope. Tomorrow pa." Lalaban kasi siya ng swimming dito. Syempre, as a friend– wow! HAHAH so yun nga, bilang kaibigan niya susuportahan namin siya sa laban niya.

Magstay lang kami sa school ngayon dahil kapag third day na ng intrams ay bakasyon muna daw kami. Malay ko ba kung saan. Basta malayo dito at overnight syempre.

My Ideal Man | Kang DanielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon