Chapter 8

306 12 3
                                    

Sasamahan Kita

Nandito kami ngayon sa tabing dagat. Nakapagpalit na kami ng damit. Nakahalter top ako at high waisted short ako tapos cover-up. Nakaslippers lang ako alangan naman rubber shoes sa beach.

"Nakakarelax dito." Sabi ni Hyungseob.

"Yeah." Sang-ayon namin.

"Magrelax na tayo dahil next week baka hindi na tayo makapagrelax." Sabi ko.

Malapit na ang finals namin at kailangan namin magfocus sa study.

"Swimming na tayo!" Aya nila.

"Mauna na kayo." Sabi ko habang nakaupo sa buhangin.

"Basta sumunod ka na rin sa amin ha." Sabi ni Euiwoong. Tumango lang ako.

"Bakit hindi ka mags-swimming?" Nanlaki naman ang mata ko dahil sabay pa nilang sinabi yon.

Tumingala ako. Tumingin ako sa kaliwa at si Jinyoung na nakatayo. Tumingin ako sa kanan at si Daniel na... ehem.. topless.. ehem. Kitang-kita ang six pack– stop!! Hala!!

"Ano kasi..." Bwisit na ABS ni Daniel. Nadidistract ako.

"Why?" Tanong pa ni Daniel.

"Wala lang." Sabi ko.

"Mag swimming na kaya kayo?" Umiling si Daniel at Jinyoung.

"Samahan na kita dito." Tumango ako sa sinabi ni Daniel.

"Ikaw bahala." Sabi ko kay Daniel.

"Gusto mo dito ka rin muna?" Tanong ni Daniel kay Jinyoung pero umiling si Jinyoung at umalis na.

Kanina pa si Jinyoung simula nung umalis kami. Ano kaya nangyare duon?

"Ano kaya nangyare kay Jinyoung?" Tanong ko kay Daniel.

"Ewan. Baka wala lang sa mood." Sabi niya. Tumango nalang ako.

"Dapat nagswimming ka nalang." Sabi ko.

"Gusto ko kasama kita." Tumingin siya sa akin ng diretso.

"H-Ha?" Kunwari ay hindi ko narinig pero rinig na rinig ko yon!! 

"Baka may ibang lumapit sayo dito at may gawin ng masama kaya sasamahan kita." Sabi niya.

Punyeta naman oh!

"Kapag ba sinabi ko sa iyo 'to magagalit ka sa akin? Lalayuan mo ba ako?" Tanong ni Daniel. Kumunot naman nuo ko.

"Ano ba sasabihin mo?"

"Nevermind. Swimming na tayo?" Dahan-dahan akong tumango. Ano na naman kaya yung sasabihin niya?

"Wag mo nang isipin yung dapat na itatanong ko." Sabi niya.

Tinanggal ko na yung cover-up ko kaya nakahalter top at high waisted short nalang ako.

Ako lang ata ang hindi nakatwo piece dito dahil si Leri at Sasa ay nakatwo piece.

"Duon lang ako kila Sasa." Sabi ko. Bakit ba ako nagpaalam? Jusko.

My Ideal Man | Kang DanielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon