Chapter 1: "A Promise"

1.9K 20 18
                                    

Ako nga pala si Cerah Sanchez. Labing pitong taong gulang na . Since nung pagka bata ko, I really really love stuffed toys especially yung teddy bears. Kasi sobrang cute nila kaysa sa ibang stuffed toys . I really really enjoy collecting these stuffs even if pinagsasabihan ako nila Mama na ang tanda-tanda ko na, naglalaruan pa ako. But-- "IDC!" I said.

"I don't even care kung matanda na ako para mangolekta ng mga teddy bears 'coz this is one of my favorite hobbies! And for me, this is not only a toy or anything! These are my treasures!" pagmamalaking sabi ko.

Hindi lahat ng teddy bears ko eh ako ang bumili.. Yung iba, regalo lang at bigay, especially ng mga ex- buddies ko or ex- boyfriends. Kaysa naman sunugin ko o itapon ko, itinago ko na lang at naka display, sobrang dami na nga eh. At dumating yung point na gustong ipamigay ni Mama yung ibang teddy bears ko sa aking mga small cousins. But I refused to give all of it! Akin lang lahat yun dahil pinagpaguran kong i-collect ang mga yun. Ang iba dun pinag-ipunan ko. Kaya naman pag-aalis na ako papuntang school, sinisigurado kong nai-lock kong mabuti ang aking kwarto. Oo inaamin ko na madamot ako pag dating sa ganoong bagay, kahit naman tayong lahat ipagkakait natin ang maga bagay na napaka-importante sa atin, di ba?

                                                               

                                                                ~~♥~~♥~~♥~~♥~~

Well.. Parang mahahati ata ang pagmamahal ko para sa aking pinakamamahal ng Teddy Bears dahil sa tingin ko may nagugustuhan akong lalaki. At sya si Rann Jace. Actually, hindi naman sya ganun ka-gwapo at ma-appeal parang may something lang na nagustuhan ko sa kanya. But I don't know what it is. Since dumating sya sa buhay ko, at nang patirahin sya ni Mama bilang anak ng aming kasambahay na si Ate Felly. Bilang kapalit ng libreng pagtira ni Rann Jace sa aming bahay tumutulong na lamang sya sa mga gawain ni Ate Felly ( Mama ni Rann Jace ).Pero may isang bagay na ayaw nya sa buong buhay niya, na tumira na may kasamang mababalahibong hayop tulad ng mga puppies or mga pusa. Sa di-inaasahan ay may allergy din sya sa mga Teddy Bears. Kaya naman pag nakikipag kaladyaan ako sa kanya binabalibag ko sya ng mga stuffed toys ko para sumpungin sya ng kanyang hika. Mahina lang ang kanyang pangangatawan. Pero kapag ginagawa ko naman ang mga pang aasar ko sa kanya na yun ay kinukuha ko rin agad ang binato kong Teddy Bear baka kasi matuluyang atakihin sya ng hika. Naaawa naman ako sa kanya. At di masyadong maganda ang pakikitungo ko kay Rann Jace dahil sa di nya alam na nahulog na pala ang loob ko sa kanya nuon pa man, kaya pinapakita kong di ko sya gusto at lagi akong nang-aasar sa kanya sa walang kwentang dahilan.

Siguro kaya ako nainlove sa kanya ay sa mabuti nyang pinapakitang ugali at katangian sa akin. Pero tutol ang mga friends ko nang sinabi ko sa kanila na may lihim akong pag tingin para kay Rann Jace. Sa kadahilanang wala daw akong mapapala sa lalaking yun dahil mahirap lamang sila. At ang pinapakain sa kanya ay ang pera rin ng aking mga magulang sa sweldo ni Ate Felly sa amin bilang kasambahay, ito'y ipinababaon sa kanya papuntang school.

Parehas kami ng pinapasukan ni Rann Jace na paaralan sa College, sa De Lasalle State University School. Sabay kaming pumapasok sa araw-araw. At minsan kapag wala akong kasama o kapag di ko kasama ang mga kaibigan kong sina Alliyah at Gemma ay sya ang sumasama sa akin. Parehas kami ng kurso ni Rann na Bachelor Of Science In Information Technology.

                                                                     ~~♥~~♥~~♥~~♥~~

Chapter 1: "Promise "

Minsan isang araw. Dahil pauwi na rin naman kami ni Rann Jace, dumaan muna kaming dalawa sa Mall at kami'y nag window shopping na lang dahil naubos ang aming baon. Habang naglalakad kami at nag-aasaran ay nakita ko ang isang malaking Purple Teddy Bear. At parang naakit ako sa sobrang ganda! At high class pa ang dating. Napatulala ako sa Teddy Bear at nang kami'y nahinto sa paglalakad.

Ang sabi ko sa aking sarili. "Gusto kong bilin ito, ngunit wala naman akong pera at allowance galing kay Mama para mabili ko yung malaking Purple Teddy Bear na'to", nalungkot ang aking mga mata. Nakita ni Rann na parang gusto ko ngang bilin iyong Teddy Bear.

" Um.. Cerah? ", tinawag ni Rann Jace ang aking pangalan.

" Oh?! Ba-- Bakit Rann?", nagulat na lamang ako nang banggitin na lamang ni Rann ang aking                     pangalan. Dahil ako'y lubos na napatutulala sa Purple Teddy Bear na naka-display.

" Mukang tumutulo na ang laway mo Cerah sa pag-titig sa Teddy Bear na yun ha?", sabi muli ni    Rann Jace na pangisi.

Nainis ako sa biro nya nung sinabi nyang tumutulo na daw ang laway ko!! ( Pero totoo naman dahil gustong-gusto ko yung Purple Teddy Bear na yun ). Kaya naman binatukan ko sya ng malakas at sinabi kong..

" Gagawa ako na paraan para mabili ko yang malaking, mamahalin, na high class na at napaka cute na Purple Teddy Bear na yan!", pagyayabang ko sa kanya.

Pinatong ni Rann Jace ang kanang kamay nya sa kanan balikat ko at sinabing..

" Kahit wag na Cerah.. Ako na ang bahala sa bagay na yan, gusto ko ako ang magbibigay sa'yo ng Purple Tedddy Bear na yan. Hindi bilang regalo. Bilang ako, kaya kahit malayo ako sa'yo maaalala mo pa din ako. Kaya ako ang gagawa ng paraan para mabili ko yan para sa'yo Cerah. PANGAKO YAN :) At kahit gaano pa ka mahal. Hehe..", sabi niya.

Nakita ko ang  malaking ngiti sa kanyang labi at kahit medyo pabiro ang dating ng kanyang sinabi ay ramdam kong gusto nya talagang gawin iyon para sa akin. Kaya naman namula ang aking muka.

" Naku Rann Jace!!.. Maniwala ako sa'yo na bibili ka ng ganyang ka-mahal na Teddy Bear at ipapamigay mo lang??", dinaan ko na lang sa tawa ang lahat kahit sobrang kilig na kilig ako sa sinabi nya.

" O sya pa-gabi na pala, umuwi na tayo Cerah", tugon ng binata.

" Ah-- Okay!", ngiting sabi ko.

Sana palaging ganito kami ka-sweet ni Rann Jace kahit hindi naman kami. Sobrang natutuwa ako dahil napapasaya nya ako sa mga maliit na bagay. At sana rin totoo yung sinabi nya na bibilin nya yung Purple Teddy Bear para sa akin. Alam niya kasing yun ang sobrang nagpapasaya sa akin. :)

To Be Continued..

On Chapter 2: " 14 Days "

                                                     

Like A Bear HugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon