Chapter 3: "Jealousy"

437 9 2
                                    

Nakarating na ako sa aming bahay at nagkulong ako agad sa aking kwarto, habang niyakap ko ng mahigpit ang pinaka favorite kong Teddy Bear ..

Napa-isip ako bigla...

"Ito na siguro ang tamang panahon para kalimutan ko na sya. At kakalimutan ko na rin ang mga masasayang araw na nakikipagtawanan, nakikipagharutan sa kanya, makasabay syang pumasok sa school at higit sa lahat! Kakalimutan ko na rin ang pangakong sinabi nya!!" nanggilid muli ang aking luha sa galit.

Wala naman talaga akong karapatan para magalit kay Rann Jace. Pero galit ako sa aking sarili, kasi masyado akong naging masaya sa piling nya. At bigla kong malalaman na hindi pala ako yung babaeng nagugustuhan nya. Masyado pala akong nagpaniwala sa mga bawat salitang sinasabi nya sa akin. Kaya naman sobrang nasaktan ako ngayon lalo nang makita ko pa syang may kasamang babae! Kailangan ko na ba talaga syang kalimutan? Paano?!

Bigla akong tinawag ni Ate Felly na kakain na daw kami para sa dinner kaya lumabas na daw ako sa kwarto pagkatapos nyang katukin ang pinto.

*Tok

*Tok

*Tok

"Miss Cerah kakain na daw po kayo na Mama mo, lumabas ka na daw dyan sa kwarto mo" tawag ni Ate Felly.

"Ah ayan na po ako! Sige lalabas na" agad-agad kong pinunasan ng tissue ang aking mata.

Lumabas na kwarto..

Nang papunta na ako sa hapagkainan nakita kong naka-upo rin si Rann Jace sa kaliwang silya. Gulat na gulat ako ng makita ko syang sasabay sa amin kumain na Dinner. Sobrang nagtaka ako, dahik kila Ate Felly at sa mga kasambahay lamang sya sumasabay kapag kakain na..

Bigla akong nag taas na boses..

"Mama! Bakit naman kasabay natin kumain yung hampaslupa na lalaki na yan!?" tanong kong pasigaw.

"Hey Cerah My dear, calm down.. Hayaan mo munana sumabay si Rann Jace sa atin ngayong kumain na dinner kasi maaga naman syang naka-uwi ngayon. Just for tonight dear? Wala namang masama di ba at ito naman ang gusto  mo noon?" naka  kunot noo na sabi ni Mama.

- Inirapan ko sila, at biglang nagsalita si Rann Jace at tumayo -

"Ma'am Cindy Okay lang po, kila nanay na lang po ako sasabay kapag sabay-sabay na kumakain yung mga katulong. Mukang ayaw po akong kasabay ng anak ninyo, Iintindihin ko na lang po" sagot ni Rann.

"Buti pa nga! Dahil ayaw kong makita yung pagmumuka mo habang kumakain at maisuka ko lang lahat!" galit na sabi ko.

Biglang nalungkot ang muka ni Rann sa sinabi ko. Ayaw ko din naman sabihin iyong masasakit na salita na binitawan ko. Pero di ko matiis na magalit, dala siguro ng matinding pagseselos.

Sabi ni Rann sa kanyang isipan:

 "Ano ba ang nangyayari kay Cerah at nagkakaganyan sya?" malungkot na naitanong sa isip nito.

Bigla akong nagulat nang nag salita si Mama..

"Cerah!? What are you talking about! Stop saying that non-sense words, nasa harap tayo ng hapagkainan ha!" sigaw ni Mama sa akin. "Wag na kayong mag-away, Rann Jace umupo ka't sumabay ka sa amin kumain at ikaw naman Cerah umupo ka na! Kumain na tayo. Tama na ang kaartehan na yan" paliwanag muli ni Mama.

- Umupo na lamang ako at kumain ng di nag sasalita. Pero kapag nahuhuli kong tumintingin sa akin si Rann Jace ay bigla ko na lang syang iniirapan. At sa mga mata nya nakikita ko na nasasaktan sya sa mga sinabi ko at hiyang-hiya. Parang sumagi sa isip ko na wala naman talaga syang kasalanan. Sana din makumpirma ko kung may relasyon ba sila ni Ma'am Shana, (Pero sana wala). Nagagawa ko lang naman 'to dahil....

" Mahal ko na sya "..

To be continued..

Chapter 3: "Again!?"

Like A Bear HugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon