Habang tumatakbo ako at hinahanap ko si Rann. At baka sakaling di pa siya umuuwi.
"Rann nasan ka na ba?" sabi ko sa aking sarili. :(
"Tama si Nick, hangga't may pagkakataon at maaga pa sasabihin ko na rin ang talagang nararamdaman ko para kay Rann Jace," sabi ko sa aking isipan.
Kinuha ko ang aking cellphone at tatawagan ko si Rann.
-The subscriber cannot be reached. Please try again later.
*Toot * *Toot * *Toot *
"Hay! Ngayon pa sya lowbat?"
Then after that I dialled Ate Felly.
*Kring* *Kring*
-Sinagot ni Ate Felly ang phone-
"Hello??" sagot ni Ate Felly.
"Hello po Ate Felly? Nariyan na po ba si Rann Jace sa bahay?" tanong ko.
"Wala siya dito, may importanteng gagawin daw sya ngayon eh. Sige Cerah papatayin ko na yung phone may gagawin pa ako," sabi ni Ate Felly.
"Ah-Sige salamat po."
*Toot------- [naputol ang linya]
Sampung minuto ang nakalipas napa-upo ako sa park. Iniisip ko kung saan tumungo si Rann, masyado akong curious kung anong ginagawa niya ngayon. Gusto ko na syang makita para maipahayag ko na ang nararamdaman ko. Sa totoo lang masyado akong naging masama sa kanya. Siguro ngayon ito na ang tamang panahon.
~~~~♥~~~~♥~~~~
Sa di inaasahang pangyayari nakita ko si Ma'am Shana. Mukang pauwi na ito at nag-iisa.
Nilapitan ko..
"Hoy Shana. Saan mo dinala si Rann Jace?!" paninigaw ko.
"Wala ka talagang galang noh? Ewan ko ba kung bakit ka nagugustuhan ng mga kalalakihan. Dahil siguro sa maganda ka pero napakasama ng ugali mo," sagot ni Ma'am Shana sa akin.
"Sadyang inggit ka lang dahil nilalandi mo lagi si Rann! Wala kasing lalaking nagkakagusto sayo! Kasi isa kang gurang!!" sigaw kong muli.
Pagkatapos kong sigawan si Ma'am Shana biglang lumagapak sa aking mukha ang masakit na sampal.
*Pak! [slap]
Gusto ko sanang manlaban kaso di ko kaya si Miss Shana.
Napahiya ako at walang nagawa kundi titigan siya ng masama.
"Wala kang modo. Masyado kang praning Cerah! Pinahihirapan mo lang ang sarili mo kaka-isip sa mga bagay na walang katotohanan," paliwanag nito.
"Totoo naman eh! Simula nun ikaw na ang kinawiwilihang kasama ni Rann Jace >:(.. Makire ka kasi Ma'am!" galit na sabi ko.
"Tama na nga! Cerah walang katotohanan ang mga lumalabas sa bibig mo! Oo! Totoo ngang magkasama kami ni Rann Jace tuwing hapon para magtrabaho siya at makaipon ng pera para sa pangako niya sa'yo!!! Sinabi niyang tulungan ko siyang makahanap ng trabaho. At naghahanap rin ng trabahador sa part time job ko sa coffee shop, di na ko nagdadalawang isip na tulungan siya. Dahil isa siyang mabuting lalaki. Nagpapakapagod siya para sayo! Para matupad niya ang pangakong bigyan ka ng LINTEK na TEDDY BEAR?! Dahil mahal ka niya. Lahat gagawin niya para mapasaya ka. Tapos may gana ka pang pag isipan siya ng kung ano-ano?! Tsk."!! pagpapaliwanag ni Ma'am Shana.
Naliwanagan ako sa mga sinabi ni Ma'am Shana sa akin. Kaya pala late na siyang umuuwi sa bahay. Napahawak ako sa aking bibig at tumulo na lamang bigla ang aking luha.
"Oh ano Cerah?! Masaya ka na sa nalaman mo? Hanga rin ako sayo. Magbago ka ng pag-uugali mo. At isa pa, maswerte ka dahil mahal ka ni Rann," huling sabi niya sa akin.
Umalis na si Ma'am Shana...
Bigla kong narealize na ang dami ko palang kasalanan. Biglang tumunog ang phone ko.
*Toot* *Toot*
"Hello Cerah! Si Gemma to! May masamang nangyari kay Rann!!?" pagmamadaling sabihin sakin ni Gemma.
"Ano?!" nagulat ako sa aking nalaman.
"Pumunta ka na dito agad sa Marcos Highway. DALI CERAH!!!"
To be continued...
BINABASA MO ANG
Like A Bear Hug
Teen FictionKaya mo bang i-give up ang pinaka importanteng bagay sa'yo? Para lamang sa taong minahal mo ng totoo? At kahit na isang simpleng bagay lang ito para sa iba, pero napaka halaga sa'yo?.. Ang istoryang ito ay umiikot sa isang babae na nag ngangalang Ce...