Fourteen days have passed.. At fourteen days na ding late na umuwi si Rann Jace sa bahay. Simula nung nagpunta kami sa mall last last week, iba na ang kinikilos nya at di ko na rin sya masyadong nakukulit at nahaharot. Namimiss ko na nga ang old times na nakikipagharutan pa sya sa akin and I miss the way na lagi ko syang binabatukan at inaasar. Pero... Ngayon parang mahirap na syang kausapin. Lagi na rin syang napapagalitan ni Ate Felly dahil di na sya nakakatulong sa gawaing bahay. Pati na rin sila Mama ay malapit na ring magalit at takang-taka kung bakit late na syang umuwi. Dahil sinuswelduhan din sya ni Mama bilang kasambahay na rin namin.
Isang gabi.. Binuksan ko yung bintana ko sa aking kwarto. Nadama ko ang lamig ng hangin kaya naman sinarado ko itong muli. Niyakap ko ang aking cute na teddy bears sa aking kama. Biglang nangilid ang aking luha...
"Huh?! Bakit naman ako umiiyak? Bakit ko nararamdaman ang ganito? Dahil ba sa malamig na sa akin si Rann Jace??"
Di ko na napigilang maiyak nang maisip ko na...
"May ibang babae siguro si Rann Jace! Oh-- My gosh... Ano naman sa kanya kung magalit ako? Hindi naman kasi kami."
Nalungkot ako at nagmukmok na lamang hanggang sa makatulog ako.
Kinabukasan...
Papasok na ako sa school habang naglalakad akong mag-isa sa hallway ay nakita ko sila Alliyah at Gemma.
"Good morning Alliyah and Gemma!" pagbati ko sa kanila.
"Oh good morning din sa 'yo Cerah," ngiting sabi sa akin ni Alliyah at biglang nagsalita naman si Gemma.
"Cerah hindi mo ata kasabay pumasok yung weird mong katulong sa bahay. I mean yung KASAMBAHAY pala," tanong ni Gemma.
Napayuko na lamang ako...
"Ah- Simula ngayong araw hindi ko na sya makakasabay pumasok," mahinang sabi ko sa kanila.
"Ha? Eh bakit naman??" tanong ni Alliyah sabay kunot ang kanyang noo.
"Sa tingin ko kasi ayaw na kong kausapin ni Rann Jace, mukang busy na sya sa ibang girl," malungkot ako habang sinasabi ko sa kanila.
Hinawakan ni Gemma ang aking kamay...
"Hey girl, don't be sad. Hayaan mo na yung Rann Jace na yun. Kung ako sa'yo, what I'm gonna do is to stop my feelings for him 'coz wala naman syang gusto sa'yo at isa pa wala kang magandang future sa lalaking iyon," pagpapaliwanag sa akin ni Gemma.
"Sabagay tama nga si Gemma. Pero ang hirap talagang kalimutan si Rann Jace," sabi ko sa aking isipan.
Afterwards...
Pagkatapos ng mahabang mahabang oras. Uwian na.. 4:30 pm.
Nauna ng umuwi sina Alliyah at Gemma sa akin. Sa di inaasahang pangyayari, nakita ko si Rann Jace na may hinihintay na babae. At si Ma'am Shana yun! Yung teacher namin sa Physics na napakaganda, napakaputi at napaka-sexy. Dali-dali akong tumakbo paalis ng school at di ko napigilang maiyak sa aking nakita.
"May relasyon ba si Ma'am Shana at Si Rann Jace??!" T.T
Habang ako'y tumatakbo ay iyak ako ng iyak. Pinupunasan ko ang aking luha ngunit ayaw tumigil..
-End of Chapter 2-
May relasyon nga ba si Ma'am Shana at Rann Jace?
Abangan sa Chapter 3: "Jealousy"
BINABASA MO ANG
Like A Bear Hug
Teen FictionKaya mo bang i-give up ang pinaka importanteng bagay sa'yo? Para lamang sa taong minahal mo ng totoo? At kahit na isang simpleng bagay lang ito para sa iba, pero napaka halaga sa'yo?.. Ang istoryang ito ay umiikot sa isang babae na nag ngangalang Ce...