Chapter 6: "Doubts"

449 5 1
                                    

Kinagabihan... 7:45 pm

Nasa kwarto ako at nira-wrap ko ang mga maliliit na teddy bears sa plastic cover, baka kasi maalikabukan.

Sumasagi pa rin sa isip ko yung mga sinabi ni Rann sa akin kanina sa school. Totoo kayang mahal nya ako? But I have to move on baka niloloko nya lang kasi ako eh .. :( Dapat di ako magpadala sa mga sinabi nya. Lalo akong din makakapag move-on kung kasama ko pa sya sa iisang bubong. Haaaayy .. Ayaw ko ng masaktan. Lalo lang biglang lumalim ang feelings ko para sa siraulo na yun. Pero namimiss ko na yung mga dating ginagawa namin dati. Yung araw na hindi sya busy, di sya masyadong dumidikit kay Ma'am Shana, hindi sya late umuwi dito sa bahay, ang mga oras na parang kami, yung kulitan at asaran, ang pagbabato ko sa kanya ng teddy bear sa mukha. Lahat-lahat ng masasaya na yun gusto kong ulitin muli, yung tipong Everlasting . :D

Pero..

Nagbago ang lahat sa isang iglap.. Naging busy na sya. Di na rin nya makuhang makipag harutan. Sabagay di na kami mga bata, pero dati naman ginagawa namin yun eh. Siguro nga kelangan ko na syang kalimutan! Pero sabi nya mahal nya ako? Ano ba talaga gulong-gulo ako eh..

Sana matapos na rin tong paghihirap ko .. Matagal ko ng gustong sabihin sa kanya na mahal ko talaga sya. Pero pag sinabi ko yun, baka masaktan lang ako at sabihing easy to get masyado kasi kakasabi nya lang sa akin na mahal nya rin ako. Di ko nga alam kung totoo yun eh. Baka kasi trip lang nyang sabihin.. T.T haaayy .. *huhu

-2 hours ago-

"Well ! .. nakatulog pala ako ng di ko namamalayan, di ko pa pala tapos i-wrap yung mga teddy bears ko, kakauhaw naman natuyutan pala ako ng laway. hehe.." sabi ko.

- Bumaba ako sa taas at nagpuntang kitchen, para uminom. Nagtimpla na din ako ng gatas at nang binuksan ko ang ilaw, nakita ko si Ate Felly na nakatulog sa upuan-

Ginising ko sya..

"Ay.. Ate Felly? Gumising po kayo dyan wag po kayong matulog dito at malamok", panggigising ko sa kanya.

(Nagising si Ate Felly)

"Ma'am Cerah!?.. Pasensya na ho at dito ako nakatulog sa kusina nyo" bumangon si Ate Felly at nagpapaliwanag.

"Naku Ate Felly ayos lang ho iyon ginising ko po kayo kasi malamok dito sa kusina kung dito kayo matutulog. Pasensya na po kung nagising ko pa kayo." pagkakamot ko ng ulo.

"Sensya na ulit iha ha? Hinihintay ko lang kasi ang anak kong si Rann Jace, di pa kasi umuuwi yung loko na yun eh. Hindi ko tuloy namalayan at nakatulog pala ako rito" sabi ni Ate Felly.

"Ah-- okay lang ho.. " ngiting sabi ko.

- Sa aking isipan.. "Saan kaya yung siraulo na yun at di pa umuuwi. Kasalanan ko kaya at di sya umuwi? Dahil sinaktan ko na naman sya??" naisip ko.

-  Nagulat ako nang Biglang may kumatok sa labas ng pinto..

*tok !

*tok !

*tok !

"Baka sya na yan, Teka iha bubuksan ko lang yung pintuan" sabi ni Ate Felly sakin.

"Sige po."

-Binuksan na ang pinto-

At si Rann Jace na nga.. Pinagalitan sya ni Ate Felly dahil alas dyis na ay ngayong lamang sya naka-uwi.

"Talaga bang pinag-aalala mo kong bata ka ha! Di ka pa magaling sa sakit mo at nahimatay ka nga daw sa eskwelahan nyo kanina?! Ikaw talaga haaayy .." pagbubuntong hininga.

Binatukan ni Ate Felly si Rann..

"Aray Ma.. Sensya na po may ginawa lang ako kaya late na naman akong umuwi ee, Sensya na talaga Ma sana maintindihan mo ako" :( pakiusap ni Rann.

" O sya, sige pumasok ka na sa loob, Kumain ka na ba?"

" Opo mama."

Pumasok na sa loob si Rann at nagpunta na si Ate Felly sa kwarto nya upang matulog na.. At ako naman ay inubos ko ang tinimpla kong gatas at tumayo na sa kinauupuan.

- Paakyat na ako sa taas nang tawagin ako ni Rann..

"Cerah" mahinang sabi nya.

(Lumingon naman ako at kinakabahan. At naisip ko muli ang pagtatapat nya kanina sa akin.)

"Totoo ang sinabi ko sa'yo kanina na Mahal Kita" sabi nya sa akin.

Madilim kasi at di naka bukas ang ilaw kaya di ko na nakita ang reaksyon nya sa pagkakasabi nyang yun..

Di na lamang ako umimik at dali-dali akong nagtatakbo sa taas. At pumasok sa aking kwarto.

Umiyak ako..

"Totoo nga ba yun??" tanong ko sa aking sarili.

Maniniwala naman ako.. Kung kaya nya patunayan iyon sa akin.. Sana malaman ko na ang totoo.. Mahal talaga kita......

Author:

Weeee !!!! :D hehe.. Abangan muli sa susunod na kabanata ..

kaya mo yan Cerah .. hehe..

to be Continued.. ♥

Like A Bear HugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon