After one week..
Lagi akong inaaya ni Nick na lumabas. Sabihin na nating isa yung date.. Boto nga yung dalawang kaibigan ko para maging kami.
Pero..
Sa totoo lang talaga wala akong feelings para kay Nick. Ayaw ko syang saktan, akala nya siguro minamahal ko na sya sa twing nagiging masaya ako sa mga binibigay nyang mga teddy bears. Kaya nya ko nagustuhan dahil maganda ako. Ayaw ko ng ganun. Di na din kasi kami nagpapansinan ni Rann Jace sa bahay. Pero talagang nagtataka ako na late na syang umuuwi sa gabi.
Di ako masaya.. :( Yun lang ang masasabi ko. Kaya siguro ako nagkakaganito dahil di ko gusto yung nangyayari sa lovelife ko. Kahit gaano pala kabait at kasama ang isang tao. Ang pagmamahal lang pala ang pinaka weakest point natin.
KINAGABIHAN.. 10:45pm
Nakapalibot sa akin lahat ng bears ko sa kama. Matutulog na rin ako.
ZzzZz,, [Habang natutulog na si Cerah]
- Dumating na si Rann Jace sa bahay at kina-usap ni Ate Felly(ang kanyang ina)
"Rann Jace .." mahinang sabi ng kanyang nanay.
"Po?" sagot ng binata.
"Ano 'to?.." pagtatanong ni Felly.
Hawak-hawak nito ang private diary ni Rann..
"Mama! Bakit na sa'yo yung diary ko?!" gulat na sabi ni Rann.
"Kaya ba laging late ka umuwi? Dahil lang dun? Nabasa ko dito sa diary mo"seryosong tanong ng kanyang ina.
"Ah-- o-- Opo Ma'" pasibangot na sabi nito.
"Oh anak? Bakit ka naman nag-inarte ha! :D Ayos lang yun. Ganun lang talaga siguro ang mga kabataan gumagawa ng mga ganoong bagay para magpasaya" sabi nito.
"Ginagawa ko po yun Mama. Kasi mahal ko po sya" sabi ni Rann na nakangiti.
KINABUKASAN na hapon..
- Sa Eskwelahan..
Cerah's POV
Magkasama kami ni Nick. Pauwi na rin kami. And as usual! Magkasama na naman si Ma'am Shana at ang sira na yun! Bitter ako .. Hmp. Mahal ko talaga si Rann.. Haay.. Parang may something talaga kung bakit sila magkasama eh.
Magkakasalubong pala kami.
Nagparinig ako.
"Gurang na! Nakiki jamming pa sa bata! *Ahaha! >:( !! .
Napayuko si Ma'am at hinila si Rann paalis..
Rann's POV
Sa isip:
"Bakit biglang nagbago si Cerah? Hindi naman sya ganoon dati" sabi ko.
Habang naglalakad ako at si Ma'am Shana paalis..
"Namumuro na talaga sa akin yung Cerah mo Rann Haayyy.. Inaano ko ba yun! At biglang magpaparinig buti di ako pumapatok sa mga estudyante dito" galit na sabi ni Ma'm.
"Pasensya na po Ma'am. Nadadamay po kayo sa amin. Di ko nga di po alam bakit nag bago di Cerah sa pag-uugali nya" sabi ko.
"Haayy.. Ok lang Mr. Castro. Di nya kasi alam na nagtatatrabaho ka para maka-ipon. Para dun sa pinangako mo. Alam mo Rann.. Endangered species na ang mga tulad mong mababait na lalaki at gagawa ng paraan para saminamahal at di umi-isip ng negatives" sabi muli ni Ma'am Shana sa'kin.
"Salamat po Ma'am. :) Ngayon na po pala yung huling sahod ko sun sa pinagtatrabahuhan natin COFFEE SHOP" sabi ko.
"Bakit huli?" tanong nya.
"Kasi po Ma'am.. Mag re-resign na po ako dahil naipon ko na po yung pambili sa Teddy Bear na ibibigay ko para kay Cerah at aaminin ko na po ngayon na mahal na mahal ko sya" kahit di sya naniniwala noon. Mas ipapakita ko ngayon at sisiguraduhin kong maibibigay ko yung pangako ko.. :D Hehe.."
to be continued.. On the next cHapTer.. !!!
:D ahehe... ^_^ tnx for reading..
BINABASA MO ANG
Like A Bear Hug
Teen FictionKaya mo bang i-give up ang pinaka importanteng bagay sa'yo? Para lamang sa taong minahal mo ng totoo? At kahit na isang simpleng bagay lang ito para sa iba, pero napaka halaga sa'yo?.. Ang istoryang ito ay umiikot sa isang babae na nag ngangalang Ce...