4

1.3K 54 11
                                    






Araw ng linggo kaya walang Showtime ang mag-asawa. Ngunit may iba-iba silang lakad kaya maaga pa lang ay umalis na sila ng bahay.

Nagworkout si Anne kasama ang mga It girls at ilan pang kaibigan. Samantalang si Vhong ay nagbasket ball kasama ang mga Team Kuys.





"Kuys Vhong napanood ko yung surpresa mo kay Anne kahapon, ang tamis ha!" mapang-aasar na sabi ni Arwind. Natawa na lang si Vhong dito.


"Oo ngapala, happy anniversary sa inyo pare! Sana this year na yung baby ha.." nakakalokong wika naman ni Jason.


"Oo nga! Pareng Vhong ikaw na lang ang kulang. Lahat kami may baby na dito." sabat din ng isa pa nilang kamember habang nagsisintas ng sapatos. Nagpapahinga na kasi sila at kakatapos lang maglaro.


Uminom naman si Vhong sa jug niya bago sumagot. "Nakadalawa na kaya ako, naunahan ko pa nga kayo kung tutuusin." pamimilosopo nito. Natawa na lang ang mga ka-team niya.


"Haha maloko ka talaga 'tol! Pero bakit nga ba wala pa? Sayang naman ganda ng asawa mo at sexy pa ha." hindi naman alam ni Vhong kung matutuwa ba siya at pinuri ang asawa niya o maiinis dahil parang pinapalabas nito na sayang si Anne sa kanya.


Nanahimik na lang si Vhong at hindi na lang kumibo. Kapag talaga tungkol kay Anne ang usapan ay hindi siya komportable. Inaamin niyang pikon siya sa ganitong usapin. Dati nga ay nasapak pa niya si Jhong at Vice nang pabirong binastos si Anne.


Inabala na lang niya ang sarili sa phone niya. Napangiti naman siya ng makatanggap ng text message mula kay Anne.


From: My Dyosa Wife (si Anne nag-save)
Vhongskieee where are you? We just finish our workout with Arnold. I'll drop by to Viva Agency then I'll be home na. Can you cook lunch for me? Labyuuu! Drive home safely ha. I love you! Uwi kana!



"Nako, brad! Kung ako itong si Kuys Vhong, baka buntis na ngayon si Anne sa pangalawang anak namin. Before pa lang kami ikasal may laman na tiyan niya." mayabang pang wika ng isa.


Hindi naman nagustuhan ni Vhong ang nadinig. "Ang problema hindi ka naman ako kaya hanggang pantasya kana lang sa asawa ko." pabiro niyang sabi kahit naiinis na siya.


"Pero hindi ko talaga lubos maisip, Pareng Vhong! Ikaw itong pinakamatinik satin lahat pero dalawang taon na wala pa din.." pang-aasar ni Jason pero wala naman siyang ibig sabihin. Nagtawanan naman ang mga ito.


"Ayaw pa kase ni Anne na magbaby sila.. Pero kapag wala ng movie yun, makakabuo tiyak agad sila ni Kuys Vhong." depensa ni Eric Tai dahil napapansin niyang napipikon na si Vhong.


"Sus walang movie-movie.. Buntisin mo yun kaagad ade walang ng angal diba.. Baka parehong baog hahaha! Ganun talaga kapag magagandang lahi may dip—" hindi na pinatapos ni Vhong ang sasabihin nito. Agad niyang sinuntok ang kaTeam niyang ito.


Hindi naman siya pala-away o ano. Pero sadyang hindi maganda ang tabas ng dila ng lalaking kagrupo niya. Ayaw din niyang pinag-uusapan ang tungkol sa kanila ni Anne lalo na kung dinadaan ito sa biruan.


"Tarantado ka ha! Baka ikaw ang baog gago ka! Tangina mo!" gigil na sigaw dito ni Vhong. Hinawakan naman si Vhong ng iba pang Team Kuys dahil balak pa nito ulit sumugod. Nilayo na din nila ang lalaki kay Vhong.


"Bitawan niyo na nga ako!" pagwawala pa ni Vhong kaya binitawan na siya ng mga ito. Padabog naman sinipa ang pader sa inis kaya inawat muli siya ng mga kagrupo. Agad naman niyang kinuha ang bag packed niya.


Perfect Combination | VhongAnneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon