19

1.3K 40 33
                                    





Anne's POV

As I opened my eyes mukha kaagad ng asawa ko ang bumugad sakin. Nakayakap pa din sakin ang braso niya. "Annie tapos kana bang titigan ako?" gising na pala ang mokong at dumilat na.

Napatitig naman ako ng mabuti sa mukha niya. Hindi ko maintindihan ang maramdaman ko dahil bigla na lang ako nainis sa mukha ng asawa ko. Pero parang kagabi lang gwapong-gwapo ako sa kanya.

"Vhongskie? May sasabihin ako sa'yo.." malambing na sabi ko at sinuklay suklay ang hair niya using my hand.


"Ano yun?"


"Navarro? Naiinis ako sa mukha mo. Ang panget panget mo!" pagkasabi ko nun ay bigla ko na lang sinabunutan ang buhok niya at pinisil-pisil ko din ang pisngi niya tapos pinalo-palo ko ang katawan niya.

In all fairness ha may katigisan din ang katawan ni Vhong. Hindi naman kasi ito nagwowork-out katulad ko. Pero matigas pa din kahit may pagkapayat at walang abs ang mokong. Pero sexy naman talaga si Vhong. Nadadala ng sex appeal eh.

"Ouch Annie! A-aray! Stop it!" pagpipigil ni Vhong sa ginagawa ko.

"Vhong ngayon ko lang din napansin, ang tambok tambok pala ng face mo nho?" napahawak naman si Vhong sa cheeks niya at kinapa-kapa ito.

"Annie hindi naman ah!" depensa niya naman. Duuuuh shempre di niya yon aaminin. Love yourself nga diba?

"Ang chaka din pala talaga ng nose mo Navarro hahaha!" sabay tawa ko ng malakas. Hinawakan naman muli ni Vhong ang ilong niya. Pero hindi naman siya nagreklamo kase totoo naman talaga hahahaha!

"Love grabe ka naman.." nakasimangot niyang sabi at yumakap muli sakin.

"Vhong naligo kaba kagabi bago tumabi sakin?" tanong ko bigla.

"Oo naman, why?"

"Ewww honey! Ang baho baho mo!" reklamo ko at nagtakip ng ilong. Ang baho ng amoy ni Vhong. Dati naman nababanguhan ako sa perfume niya. Ngayon totally yucky! Kadiri para siyang nalaglag sa kanal sa amoy niya.

Umupo naman si Vhong sa kama at inamoy-amoy ang kili-kili niya. Tama yan para maamoy niya na ang baho talaga niya. Tumabi-tabi pa siya sa akin. "Annie hindi naman ah! Why are you acting like that?" nakakunot-noong tanong ni Vhong sakin.

Hindi ko naman siya sinagot dahil bigla kaming nagutom ni baby. Umupo din ako at sumandal sa balikat niya. "Vhongskiee can you cook for me?" I sweetly asked and showed him my puppy eyes.

"Sure, what do you want?"

"Pagluto mo ako ng sinigang pero ayaw ko ng maasim ha? Gusto ko yung matamis tapos lagyan mo ng sayote." nakangiti kong sabi.


Bigla namang nanlaki ang mata ni Vhong. Eh why ba? Yun ang gusto ko eh. Hindi ko na nga din maintindihan itong tiyan ko eh. "Love, saan kaba nakatikim ng sinigang na matamis at may sayote pa? Sama mo nga ako minsan dyan sa kinakainan mo." nangingiwing sabi ni Vhong.


"Vhongskiee naman ehh!!" pag-angal ko dito.

"Wag na yun, iba na lang. Baka naman tinola ang sinasabi mo?" tugon ni Vhong at bumangon na sabay punta sa cr. Mayroon kasi kaming banyo sa kwarto namin. May bathtub pa ha yaman talaga ng asawa ko.

"Okay sige uhm.. Ano na lang make me a sandwhich! Gusto ko ang fillings niya is cheese whiz tapos hilaw na manga then wag mong kakalimutan ang cookies'n cream ice cream!" utos ko dito habang hinihimas ang tiyan ko. Ang laki na talaga ng tummy ko. Baby kana talaga siguro diyan sa loob...













Perfect Combination | VhongAnneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon