15

1.5K 47 9
                                    



Since it's long weekend.. enjoy! Update tomorrow or Sunday




Vhong's POV

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may parang mabigat na nakadagan sakin. Pagkadilat ko ay bumungad sakin ang magandang mukha ni Anne na nakayapos sa bewang ko. Kaso nagulat ako ng sa sofa lang pala kami sa sala nakahiga. Sinilip ko naman ang oras sa relo ko.




7: 10 pm




Oo ngapala, kakagaling ko lang kanina sa shooting. Kase tinanggap ko na nga yung new movie offer sakin dahil tatlong beses lang naman ang shooting. Sa sobrang pagod ay hindi ko na kinaya umakyat kaya dito nako sa sofa natulog.


Kulang din kase ako sa tulog dahil nagpabili sakin si Anne ng watermelon at ketchup kaninang madaling araw. Bakit ba kasi lahat ng naglilihi sinusumpong tuwing madaling araw? Lahat na ng weird food inistock ko pero iba lagi gusto niya hays.



Marahan kong hinatak si Anne paangat sa dibdib ko dahil sa bandang tiyan ko na kase siya nakahiga. "Kahit saan talaga ako matulog, doon ka din dapat.." natatawang bulong ko at hinalikan siya sa pisngi. Gandang babae talaga oh.




Ewan ko ba dito naging malambing na lang bigla sakin. Tapos naging emotional na lang yung tipong bigla-bigla na lang iiyak sa simpleng bagay. Kaya binawalan ko muna manuod ng kdrama eh. Dumalaw naman ako kay Doc. Dina noong isang araw at sabi niya normal lang daw yun sa buntis ang weird things.




Naalimpungatan naman si Anne at kinusot ang mata niya. "Hey.. Good Morning ay Night na ata?" sabay hikab pa niya. Awwww ang cute talaga ng bebe ko oh.




"Napasarap tulog mo ah?" sabi ko at hinawi ang ilang hibla ng buhok niya sa mukha.



"Sorry Vhongskiee ha.. Kase I get sleepy ulit and I see you here.." naging antukin din siya. Iiwanan ko siyang tulog tapos pag-uwi ko tulog pa din. Normal lang din naman daw yun.




"Dapat dun kana sa room naten natulog, para mas naging comfortable tulog mo. Bawal kana sa masikip na space kapag lumaki na tummy mo ha?" pangangaral ko dito. Maliit pa lang kase tiyan ni Anne dahil 4months pa lang naman siya.




"Mas comfortable ako kapag katabi kita.." malambing na wika niya at mas yumakap pa sakin. Napangiti na lang ako at hinalikan siya sa noo.



Bigla namang nagring ang phone ko. Kinuha ko naman ito sa bulsa ko at sinagot.



"Hello Kuya, bat ka napatawag?— Ay shit! Ngayon ba yun? Sorry nakatulog ako eh.— Hindi, hindi tuloy tayo. Oo magbibihis lang ako at pupunta nako don. — Sige tatanungin ko if gusto niya sumama. Bye!"



Tumingala naman si Anne sakin. "Si Bruno?" tumango naman ako. "Bakit daw? May lakad kayong tatlo nila Yce?"




"Oo, remember love may dinner kami. Kasama sila Daddy kase nagtatampo na at miss na nila ko. Gusto din nila makibalita sa pagbubuntis mo. Tinatanong nga if masasama daw ba kita.. gusto mo ba?" tinanong ko na kasi siya nun sabi niya wag na daw.



Dahan-dahan naman tumayo si Anne mula sa pagkakahiga sakin. Inalalayan ko naman ito. Naupo kami ng maayos sa sofa. "Kayo na lang honey.. Pupunta sila Mama dito para pagdala niya ko ng tinola. Kasama si Jazzy." pagtanggi niya na alam kong naiilang.




Perfect Combination | VhongAnneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon