Nang magising si Anne ay agad niyang kinapa ang tabi niya. Agad siyang napadilat ng wala siyang Vhong na nakapa. Tumayo siya at kinuha ang phone para matawagan ang asawa. Tinext kasi siya nito kagabi na huwag na siya anyayin. Dahil inaantok na ay pagkaalis nila Jasmine natulog na siya agad.*Rinnggggg ringgggg ringgggg*
Ngunit nakita niya naman ang phone nito sa night sand sa gilid. Kaya napakunot-noo si Anne at nagpasya ng bumaba na. Nasa hagdanan pa lang siya ay nakadinig na siya ng ingay mula sa tapat ng bahay nila.
Kaya binuksan niya ang front door nila at bumungad sa kanya si Vhong na nakabilad sa araw. Tanging sando at shorts lang ang suot nito. Kasama ang dalawang bata habang naglilinis ng mga kotse.
Nandun din ang mga alaga nilang aso maging si Mogwai na parang bagong ligo. Maging ang tatlo ay basang-basa na din.
"Vhong.." napunta naman sa kanya ang attensiyon ng mga ito.
"Oh kiss to your Tita Anne.." utos naman ni Vhong sa mga pamangkin. Agad namang tumakbo ang dalawa pupunta kay Anne. Maging sina Sylar ay nagsitakbuhan din pupunta kay Anne.
"Awww hello cuties!" agad namang lumuhod si Anne para mapantayan ang dalawa. Kiniss siya sa pisngi ng dalawang bata. "Anong kalokohan ang ginagawa sa inyo ng Tito Vhong niyo?" biro ni Anne at pinunasan ang bubles sa mukha ni Trigger.
"Paplay kami Tita Anne!" sagot ni Reload at tinaas pa ang water gun niya.
Lumapit naman si Vhong sa misis niya. "Good Morning Love.." bati niya dito habang hawak pa ang hose. Humalik din siya sa pisngi ni Anne dahil hindi niya maakap ito at basang-basa siya.
"Honey baka naman masipon kayo niyan.. Kanina paba kayo diyan? Hindi na naman kailangan pangsabunin yung mga car kahit hose lang yan." sermon ni Anne sa asawa dahil nakita niya na may mga bula pa maging ang gulong. May timba pa at brush.
"Baka magkasakit yung mga bata ohh.." nag-aalalang dagdag ni Anne.
"Hindi yan Annie kase magsiswimming kami after! Diba kiddos?" baling ni Vhong. Agad namang nagtatalon ang dalawa. Binuhat naman ni Vhong si Reload at nagyaya na bumalik sila sa ginagawa.
"Tita Anne.." malambing na tawag ni Trigger and spread his arms. Naintindihan naman ni Anne na gusto nito magpabuhat ngunit nang bubuhatin na niya si Trigger ay agad sumingit si Vhong.
"Hindi ka pwede magbuhat ng mabigat." paalala ni Vhong at binuhat na din si Trigger gamit ang kabilang braso niya.
"Tita sali ka samin? Masaya po maglinis ng car.." pangyaya naman ni Reload.
"No, hindi pwede si Tita diyan baka magkasakit siya. Tapos ang init pa ohh," pagbabawal muli ni Vhong.
"Vhong naman ehh!!" reklamo ni Anne dahil naiinggit din siya at gusto niyang makisali sa ginagawa ng mga ito.
"Go inside, may niluto nako dun. Kumain ka ng madami at baka magutom si baby ko." utos ni Vhong. Inirapan lang siya ni Anne at padabog na pumasok sa loob. Napailing na lang si Vhong.
BINABASA MO ANG
Perfect Combination | VhongAnne
FanfictionIf Vhong Navarro and Anne Curtis is married.. what would it be?