August 23, 2018
10:56 pmAraw kung kailan isinugod na nila si Anne sa ospital. Kasama ang pamilya ng dalaga at ang whole Showtime Family. Hindi pa naman manganganak si Anne pero ipinayo na ng OB gynecologist na iconfine na ito. Dahil malaki na talaga ang tiyan niya at kabuwanan na talaga. Tantiya din ng mga doctor na manganganak na si Anne pagsapit ng gabi.
Hindi nga sila nagkamali dahil alas-onse ng gabi ng pumutok ang panubigan nito. Hindi naman nagpanic si Anne at dinaig pa siya nila Vhong, Billy, Jhong, Vice at Jasmine na hindi malaman ang gagawin.
Nasa hospital room kase sila noon..
"Anning naman! Bakit kaba nanggigising? Sarap sarap na ng tulog namin eh!" reklamo pa ni Billy habang nagkukusot ng mata. Sa sofa sa gilid ng kama kase ni Anne sila natutulog.
Umuwi muna kase ang iba para kumuha ng damit at maghanda sa panganganak ni Anne. Kaya sila ang naiwan para abangan ang panganganak nito. Hindi naman sila kumbinsido na manganganak na si Anne dahil naglalaro at nagaasaran pa silang anim kanina.
"Sorry sa abala ha? Kaya ko lang naman kayo inistorbo dahil pumutok na siya.." sarkastikong wika ni Anne at tinuro ang bandang puwetan niya na basa ang bed sheet. Dulot nga ng pagputok ng panubigan niya.
"Sus! Ano ba yan? Bakit basa?" inaantok pang tanong ni Jasmine na nakasandal pa kay Vhong sa gilid.
"Jusko naman Anne! Ginising mo lang kami para sabihing umihi ka? Bakit kaba kase diyan umihi? Tanga lang 'girl? Nakakatayo kapa naman ah.." naiinis na sambit naman ni Vice na halatang wala pa din sa wisyo. "Naudlot tuloy pagpasok sakin ni Romeo." dagdag pa niya.
"Hoy Vice! Napakalibog mo talaga." komento naman ni Jhong sabay hikab pa.
Kunsumido namang napasapo sa ulo niya si Anne. Hindi siya makapaniwala sa inasal ng mga ito. Sana pala ay hindi na lang niya pinauwi si Mama Carmen o si Karylle para naman may nakausap siya na matino.
"Am I really with you guy's? Hindi ako umihi nho, pumutok na yung panubigan ko and after thirty minutes lalabas na si baby girl namin. C'mon manganganak nako." mahinahon na sabi ni Anne sa lima para magising ang mga ito.
"Love naman ehh, para manganganak lang- ANO?! MANGANGANAK NA SI ANNE!" sigaw ni Vhong na tila ba natauhan bigla. Agad siyang pumunta sa gilid para kuhanin ang mga gamit kahit wala pa namang gamit don.
"Oh my gosh! Maglalabor na si Ate! I should call Mama!" nagmamadaling wika ni Jasmine at pumunta sa gilid para tawagan ang ina.
"Hoy putangina! Manganganak na daw si Anne!" hiyaw ni Vice at niyugyog sa balikat si Jhong.
"Tangina mo din! Hindi ako ang tatay!" tugon naman ni Jhong na nagpapanic din sa nangyayare.
"You idiots! Magsitigil nga kayo diyan! Your not helping!" sigaw ni Billy sa dalawa na para bang siya ay may naitutulong. "Kuys! What should we do?!" baling niya kay Vhong na lakad ng lakad at hindi alam ang gagawin.
"Sandali lang 'brad! Tangina namemental block ako sa inyo!" singhal ni Vhong habang nakahawak sa noo niya tila nag-iisip. Agad namang tumigil ang tatlo maging si Jasmine at nag-intay sa sasabihin ni Vhong. "Ang sabi.. ang sabi ni Doc.Dina kapag daw pumutok na yung panubigan ni Anne ay.. ay.. ay.."
BINABASA MO ANG
Perfect Combination | VhongAnne
FanfictionIf Vhong Navarro and Anne Curtis is married.. what would it be?