"Bumilib naman si Anning sa asawa niyang si Ferdinand kaya kagaya ng lagi nilang ginagawa backstage ay maglalandian— este lambingan pala sila. Gagawaran ni Anning ang asawa niya ng halik sa iba't-ibang parte ng mukha nito." pagbabasa ni Billy sa aklat nila sa sine mo'to."Nako naggigil nako sa dalawang yan ha! Itutumba ko na yan.." biro ni Vice dahil nabibitteran na siya sa galawan lagi ng VhongAnne.
Mula kase ng pumayag si Anne magkababy ay mas dumoble pa ang sweetness ng dalawa sa isa't-isa. Maging ang pagtatrabaho nila para magkababy ay dumoble din. Hangga't may pagkakataon ay kinukuha ng dalawa. Kumbaga nga lumevel-up ang pagiging clingy nila.
Kaya naman hindi na hopia ang mga fans nila. Pero fantasy world lang ito kaya nganga pa din kami. Charot.
"Yung mga milagro niyo din sa dressing room.. Dinig na dinig namin eh." natatawang wika ni Vice. Binato naman siya ni Vhong ng props sa gilid. "Uso din magpasound proof ng dressing room Vhong ha." dagdag pa nito sabay tawa.
"Hoy ano ba! Trabaho trabaho din kayo diyan ha. Sabi ko hahalikan mo Anne si Vhong sa iba't-ibang parte ng mukha!" ulit muli ni Billy.
"Honey ang galing-galing mo talaga! Kaya love na love kita ehh," malambing na wika ni Anne sabay tadtad ng halik sa pisngi ni Vhong. Magkatabi silang dalawa nakaupo sa upuan sa harap ng props na tindahan.
"Ano kaba wala yun.." nakangiting saad ni Vhong na enjoy na enjoy ang ginagawa ni Anne sa kanya. "Dito din sa lips," sabay turo niya sa labi niya. Hinalikan naman agad ni Anne ang asawa.
Hindi naman magkandamayaw ang mga madlang people sa tilian. Lalo na ang mga VhongAnne's sa twitter na nagpapatayan na sa kilig. Kotang-kota sila kaya labis na ang kaligayan ng lahat.
Pagkatapos ng sine mo'to ay diretso tambay na backstage ang mga host. Mahaba ang palatastas kaya makakain pa sila ng lunch. Magkasama naman ang VhongAnne sa pang-isahang sofa. Nagkasya naman sila dahil kandong kandong ni Vhong si Anne.
"Love stop it na nga! Nakikiliti ako!" pabebeng awat ni Anne kay Vhong na hinahalik-halikan ang leeg niya. "Hon instead get me some food na lang oh," request ni Anne sa asawa.
"Makapag-utos lang Anne ha! Hindi mo ba kayang kumuha? Try mo tumayo kase may paa ka naman.. Makapaglandian kase di pa pala kumakain ang mga hayof!" sermon ni Vice sa dalawa. Kanina pa kase sila nanunuod lang sa landian ng dalawa.
"Vhongskieee inaaway ako ni Vice oh,"pagsusumbong naman ni Anne sabay kalabit sa kamay ni Vhong na nakayakap sa bewang niya.
"Brad may problema kaba sa asawa ko?" tanong ni Vhong sabay tingin ng masama kay Vice.
"Wala! Sino ba may sabing meron?! Tinatanong ko nga si Anne kung anong gusto at ako ang magsisilbi para sa kanya! Anne anong gusto mo?!" eksahiradang wika ni Vice sabay kuha ng paper plate para ibigay kay Anne.
"Just get me a rice then ulam tapos kuha mo na din ako water. Pati dessert bigyan mo din ako." walang kahiya-hiyang utos ni Anne dito.
"Ang galeng! Ang galeng-galeng!" komento ni Vice na wala ng nagawa kundi ikuha nga ng pagkain si Anne. Natawa na lang sila sa inasal ng tatlo.
BINABASA MO ANG
Perfect Combination | VhongAnne
FanficIf Vhong Navarro and Anne Curtis is married.. what would it be?