Dalawang linggo na ang lumipas mula nang matinding sagutan ng VhongAnne. Mula nang araw na yun ay hindi na talaga nagkibuan ang dalawa.Naging buong araw ang shooting ni Anne kaya pabor naman sa pag-iiwasan nila. Sa Showtime at tuwing gabi na lang sila nagkikita. Minsan nga ay hindi na naaabutan ni Anne na gising ang asawa.
Tuwing day-off naman nila ay kahit sila lang dalawa sa bahay ay nagtataguan pa sila. Kapag nasa pool area si Anne pumupunta sa rooftop si Vhong. Oh kung hindi kaya naglalaro ng Xbox sa sala. Kapag pumasok si Anne biglang gusto na ni Vhong ipasyal sa village ang mga pets nila.
Puro sermon naman ang inaabot nila kay Vice. Halos araw-araw sila kinakausap nito ng magkabukod. Pero ang mga payo ni Vice ay tila ba papasok sa kanang tenga at lalabas din sa kaliwa. Sadyang nagpapataasan ng PRIDE ang dalawa kahit pareho naman silang may mali.
Remember: wag kakainin ang SABON.
"Oh ayan na pala ang VhongAnne!" sabay turo ni Jugs sa padating. Napatingin naman sila doon at nakita nila si Vhong na may dalawang maleta habang si Anne na kasunod lang nito.
"Uy mukhang malapit ng magkabati yung dalawa," nakangiting wika ni Teddy habang habang pinipicturan ang dalawa. Ilang araw na kase hopia ang fandom niya.
"Hoy pagdating natin dun, wag niyo ng asarin yang dalawa ha! Away mag-asawa yun kaya wag tayo makielam. Dahil Wala tayong karapatan." pangangaral ni Direk Bobet.
May summer outing kasi sila sa Cebu for two days dahil na din sa pamimilit ni Karylle magbeach. Nakulitan na sila dito kaya pinagbigyan na nila. Dalawang araw lang naman at may mga guest co-host naman silang kinuha pansamantala.
Hindi naman sumagot ang mga host dahil hindi din nila ito masusunod. Bago pa kasi dumating ang VhongAnne ay may pinlano na sila. Gusto na din kasi nila bumalik ang dalawa sa dati.
"Since kumpleto na tayo.. Maghanap na kayo ng makakatabi niyo mamaya sa eroplano. Dahil pagdating natin dun ang hotel room ay by girls and boys, okay? Walang palitan ng room na magaganap ha." maghigpit na bilin ni Direk Bobet.
Kaya pumili na ang mga host ng partner. Si Billy kay Vice, si Ryan kay Jugs, Teddy kay Jugs, Karylle kay Colenn at natira naman ang VhongAnne kaya alam na. Nagulat naman ang dalawa.
"Kuys Billy tayo na lang ang tabi! May ikekwento ko sa'yo eh.." palusot ni Vhong kahit wala naman talaga siyang ikekwento.
"Sisterette.." pasimple ding tawag ni Anne kay Vice at nilakihan ito ng mata. Hindi naman siya pinansin ni Vice.
"Anong tabi kayo Vhong? Tabi kami ni Bestie ko!" pagkakait ni Vice sabay yakap sa braso ni Billy.
"Hindi! Kuys Billy tabi tayo!" pamimilit ni Vhong. Napailing na lang si Direk Bobet sa nakikita niya.
"Girl tayo na lang ang tabi.." sabi naman ni Anne.
"Eh bakit hindi na lang kayo ang tabi? Ate Anne at Kuya Vhong?" singit ni Coleen sa dalawa.
"HINDI!" sabay na sabi ng dalawa. Nagkatinginan naman sila kaya nag-isip agad ng palusot.
"Ahh.. Ano kase.. May importante akong sasabihin kay Billy. Kaya kailangan ko siya makatabi." palusot ni Vhong.
BINABASA MO ANG
Perfect Combination | VhongAnne
FanfictionIf Vhong Navarro and Anne Curtis is married.. what would it be?