Mula ng nakauwi ang pamilyang Navarro ay madalas ng dumadalaw ang Showtime Family sa kanila. Madalas pagkatapos ng show ay didiretso sila kila Vhong para tumambay. Hindi muna kase pumapasok si Vhong para matutukan ang mag-ina niya. Si Anne naman ay wala pang balak bumalik ng showbiz.
Nagkataon naman na nandun din si Mommmy Carmen at ang dalawang anak ni Vhong. Madalas din silang dumalaw dahil sa pagkaaliw kay Vhenice Cassandra.
"May dala kaming mga pizza magmeriyenda muna tayo," yaya ni Direk Bobet ng nakadating sila sa pool area. Dun kase sila madalas tumambay dahil na din sariwa ang hangin.
"Salamat Direk, nag-abala pa kayo.." wika ni Vhong at binukasan na nila ni Billy ang mga boxes.
"Anne look oh.. I brought some hilaw na mangga and bagoong. This is fresh from Laguna! Nanggaling kase ako dun 'kahapon." pagkekwento ni Karylle habang isa-isang nilalabas ang mga mangga mula sa basket na pinadala niya kay Jhong.
"Anong bagoong? Karylle naman! Baka mangati ang pekpek ni Anne kapapanganak pa lang tapos papakainin mo na niyan," dire-diretsong sabat naman ni Vice. Nagtawanan naman ang lahat dahil dito.
"Viceral kung ano-anong pinagsasabi mo! Your so gross!" mataray na sita naman ni Anne dito.
Agad namang pinasukan ni Billy ng isang buong slize ng pizza ang bunganga ni Vice. "Ayan dapat sa'yo bestie! Ang dumi talaga ng bunganga mo!" natatawang sabi niya dito.
"Pushangina ka Biyyi apakahayopsh mo!" singhal ni Vice na punong-puno pa ang bunganga. Inabutan naman siya ni Jugs ng isang basong juice. "Pakyu ka Billy! Pakyu ka! At ikaw naman Ann Cortez Nabarro! Itutulak kita dito sa pool para mainom mo lahat ng tubig diyan.. Tse!"
"Vhongskie inaaway ako ni Vice oh," pagsusumbong naman ni Anne sa asawa at kumapit sa braso nito.
"Hoy brad! Baka gusto mo na tawagan ko si—"
"Eto namang si sisterette oh! Di ka naman mabiro! Tara magmeriyenda na lang tayong lahat.. Anne gusto mo subuan pa kita? Itong sandok ang kutsara mo." pang-aasar muli ni Vice dito.
"Walangya ka talaga Viceral!" natatawang sabi naman ni Anne.
"Tita Carmen can I carry my beautiful inaanak?" tanong naman ni Karylle dahil ang ina ni Anne ang may kalong sa bata.
"Of course hija.." sagot naman ni Mama Carmen at maingat na inabot si Vhenice Cassandra kay Karylle.
Nagsimula na sila kumain ng meriyenda. Napansin naman ni Vhong na hindi kumakain si Anne at pana'y chika lang kila Teddy. "Love, bakit hindi ka kumakain? Ayaw mo ba ng mga flavor?" nagtatakang tanong ni Vhong.
Umiling naman si Anne. "No honey, I'm full pa naman.. Tiyaka nagbabawas na din ako ng pagkain. Next week kasi magstastart nako ng workout kasama sila Solenn." nag-aalangang sagot ni Anne.
"Kase I gained many pounds dahil sa mga masasarap mong luto nang buntis ako." dagdag pa ni Anne na may halo pang haplos sa dibdib ni Vhong at sandal ng ulo sa balikat nito.
BINABASA MO ANG
Perfect Combination | VhongAnne
FanfictionIf Vhong Navarro and Anne Curtis is married.. what would it be?