Prologo

805 33 0
                                    

Magbubukang liwayway nang dumating si Apolaki sa kinaroroonan ni Mayari, isang madilim na silid ngunit ang pader ay mistulang ulap na may mga disenyong bituin.

At sa harap niya, isang bolang kristal kung san napanonood niya ang labanang nagaganap sa pagitan nina Chloe at ng mga elders.

Ngunit hindi nito naputol ang konsentrasyon niya sa pinanonood. Natatakpan man ng buhok ang isang butas na kinalalagyan dati ng kaniyang mata.

"Tama na, Kapatid. Tapos na ang 'yong tungkulin," ani Apolaki na malaki ang pinagbago mula sa aroganteng Diyos noon. May awra na siya ngayong kagalang-galang, isang responsable at maringal na Diyos.

Kunot noong lumingon sa kaniya si Mayari. "Ilang siglo na ang nakararaan ng ginawa ko ang mga taong lobo para gumanti sa mga bampira. Ilang siglo na simula nang mamatay ang ating kapatid."

"Nagkamali ka noon. Hindi na dapat tayo nangingialam sa kanila," puno ng karunungang tugon niya sa nakababatang kapatid. "Si Tala ang tumahak sa landas na 'yon kahit pa ipinagbawal natin. Mabuti't nabawi natin ang kapangyarihan ng mga bituin bago mahuli ang lahat."

Nais siyang kontrahin ng kapatid. Hindi ba't naligaw ka rin noon? Ngunit minabuting hindi ito ituloy. Ibinalik ni Mayari ang tingin sa tubig. "Tingnan mo, wala na ang mga taong lobo. Napalitan sila ng... mga sekondaryang klase ng lobo. Gawa ng mortal. At ang pinakamalakas sa kanila, ang lalaking may ngalang Tristan, nasa ilalim ng gayuma ng isang bampira. Lubos na nakalulungkot."

"Anong nais mong mangyari, Mayari?"

"Maghihintay ako, Apolaki. Sa ayaw at sa gusto mo, sasali tayo sa gulo. Dahil may mga gumagawa ng hakbang para pababain tayo."

Bad Blood: RenaissanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon