Trisha's PoV
Ito na ang Araw na Espesyal para kay Alejandra.
Ang kanyang Kaarawan.
"Oh Trisha?Handa ka na ba?" Tanong ni Kuya Dennis.
"Opo Kuya pero si jehna ako na Bahala sa kanya."
"Sige Mauna na kami sumunod nalang kayong dalawa"
Inayusan ko si jehna at umalis na rin kami.
Nang Makapunta kami doon nandun na sina Charles at Endynmion Nasa Harapan naman ang isang magandang prinsesang babae at hindi pa lumalabas si alejandra
Pero teka....
Mukhang Kakaiba ang tingin ni Endynmion sa prinsesa na iyon ah? Nako! HAHAHA!
"Uy Endynmion!" At nagulat siya.
"Whooo....Nagulat ako sayo trisha!Haha!"
"Ang Lalim ng pagtitig mo sa prinsesa na iyon ah?Sino ba siya?" Tanong ko.
"Siya si Angelina, Nakilala ko siya noong nakikita ko siya sa pala isdaan sa unang kita ko sa kanya Nagagandahan na ako ka agad sa kanya."
Naalala ko pa nung nasa pala isdaan kami.
Anim na Taon Pa lamang si Endynmion noon ng nakita niya si angelina.
Sobra siyang nagandahan dito at dahil torpe siya hindi niya kayang lapitan si angelina dahil sa sobrang hiya.
Nakita niyang nadapa ito at nagkasugat.
Kaya agad niyang tinulungan....
"Ayos ka lang prinsesa?" Tanong niya kay angelina at itinayo niya pero nakita niyang may sugat ito sa tuhod at siko.
"Naku! May Sugat ka! Mama Todette Pakidala siya sa Karwahe at pumunta na tayo sa kaharian!"
Dinala nila si angelina sa grimhilde atsaka ginamot ang mga sugat niya hindi man lang sya nagsasalita at nahihiya pa ito.
"Salamat prinsipe" ng bigla niyang sinabi.
Napatingin sa kanya si Endynmion at Ngumiti
"Nagsasalita ka pala!Hehe ^_^ Teka....Ako nga pala si Endynmion at ikaw prinsesa?"
"Ako si Angelina....Masaya akong nakilala kita" at niyakap siya nito.
Sobrang namula ang mukha ni endynmion at hindi makagalaw.
"Ah eh....Pasensya na nabigla lang ako teka kailangan ko ng bumalik gusto ko ng makita ang bagong silang ko na kapatid!"
"Sige ipapahatid na kita!" At inihatid si angelina sa kanilang kaharian.
"Ang ganda naman pala ng Istorya niyo endynmion" masaya kong sabi at napangiti rin siya sa akin
"Oy Kuya! Ikuha mo nga ako ng Upuan" Si charles talaga!
"Ikaw na! Ayos ka maka utos rin eh nuh?" Pagmamasungit sakanya ni endynmion.
"Pwe! Binabae ka kasi Bahala ka dyan!Basta trisha ako ang makakasayaw mo mamaya maliwanag?" Tanong niya sakin.
"Oo na!Alis na!Hahaha!"
"Yahooo!" Sigaw niya.
"Haha!Siraulo Ghe na Alis!" Sabi ko.
"Ikaw endynmion sino ang makakasayaw mo mamaya?" Tanong ko
"Syempre si Angelina!" At kumindat siya sa akin.
"Mga Mahal na prinsesa at mga Prinsipe narito tayo ngayon upang makipag selebrasyon sa kaarawan ni prinsesa alejandra at ngayo'y handang handa na siya bigyan ng isang malakas na palakpak si PRINSESA ALEJANDRA"
