Takie POV
Lumabas na kami ng bahay, dala dala nila ang ibang basket para sa picnic.
At after ng bataan ay mag bebeach daw kami suggest naman iyon ni Janet, mahilig kasi siya sa diving samantalang ako hindi masyadong marunong lumangoy.
Mag papaturo nalang ako kay Hera kapag nasa beach na kami, hindi ko kasi hilig ang diving at swim.
Nasa gilid lang ako, maliit kasi ako nag mana daw ako kay mommy.
Ako nga lang yata ang maliit saaming mag pipinsan e, silang lahat na ay matatangkad na.
Pumasok na si Hera at Zaine sa van, sila ang mag ka tabi, hinihintay ko pang pumasok roon si Aya at Janet, paniguradong sa harap sila.
"Ien sakay na" nilahad ni Xav ang kaniyang kamay upang maka upo ako.
Nasa pang tatlong hilera kami ni Xav, siya ang katabi ko, pang dalawahan lang kasi iyon at iyong pangalawa din ay pangdalawahan, paniguradong doon sila ni Sam.
Halos mag siksikan sila sa van, ang iba naman ay ayaw nila sa kabila gusto nila daw ay dito sila upang maingay.
"Doon na kasi kayo sa kabila ng makaalis na tayo, tch" Sabi ni Yuan.
"Ano bayan, nandoon lahat ng mga tahimik nandito lahat ng mga madadaldal" Sabi iyon ni Lance.
"Doon nalang ako, tara mang gugulo ako doon!" Sigaw ko.
"Whooooa tara Takie" Sambit naman ni Von.
Nag silabasan silang lahat sumama saakin.
"Mga gago! Ano doon lahat kayo? Kakasya ba kayo doon?!" Sigaw ni Janet.
Tinignan ko ulit ang nasa loob, si Xav at ang tatlong babae at si Zaine nalang ang natira.
"Ha babalik na ako, Sige doon lahat nalang kayo" Sambit ko at hinilig ko ang ulo ko sa bintana, hindi pa naman kasi ako lumabas e sila lang naman iyong mga nag silabasan.
Bumalik si Von at Tyrone sa kanilang upuan.
"Ano bayan bakit kayo nag si balikan dito?! Kung saan si Takie doon lahat kayo?!" Sigaw pa din ni Janet.
"Bumalik na yung doon ng makaalis na tayo" Sabi ni Vion.
Kaya nag sibalikan sila Lance doon.
Ang nandito ay sila Sean at iyong pinsan niya.
"Sira ulo talaga yang si Lance na iyan!" Iritadong Sabi ni Aya.
"Ano kuya? Pa hilig ng ulo ko, puyat ako e ang aga kong nagising" Sabi iyon ni Aya, mag aalasingko palang. Sakto lang at paalis na kami.
Tumahimik na silang lahat, nakita kong humilig si Sam sa balikat ni kuya.
Itong katabi hindi naman siya nag sasalita, kaya hindi na din ako nag sasalita.
"What the fuck!" Napatuwid ako ng upo ng marinig kong nag mura si Darwin.
"Bro!"
"Nasa bar nanaman sila Zoey" aniya.
Iyon siguro yung girlfriend niya.
"Ang tigas talaga ng ulo ng babaeng iyon ano? Nag pupumilit nanaman ba? Anong sabi ni Ej?" Tanong ni Sean sakaniyang pinsan.
"Iyon lang e, dapat pala sinama mo si Zoe" Sambit ni Darwin.
"Hindi ako naka daan sa bahay nila, ikaw lang itong nadaanan ko" Sagot naman ni Sean, naramdaman kong hinawakan ni Xav ang kamay ko kaya napa baling ang tingin ko sakaniya.
"Ien?"
"Hmm?" Sinulyapan ko si Sam at binaling ko na ulit kay Xav ang atensyon ko.
Hinilig niya ang ulo niya sa balikat, habang ang kamay ko ay pinag lalaruan niya.
Naka tingin lamang ako sa labas, upang malibang at antukin.
Imbes na matutulog ako ay bigla nalang tumawa si Janet ng napaka lakas, kaya sakaniya lahat ang atensyon namin.
"Ano bayan Janet manahimik ka nga!" Reklamo ni Miko.
"Ang tahimik niyo e!" Sigaw niya.
"Nakaka bingi ka Jan!" Sigaw ni Diam.
Si Diam kasi ang katabi niya saka sila Aya at si Sky.
Binato ko kay Janet ang isang chitchirya upang manahimik na lamang siya, gusto kong matulog.
"Wag ka ng maingay Janet inaantok ako e" Sabi ko, saka hinilig ang ulo ko sa bintana.
