Takie POV
Napatingin ako sa phone ko ng tumunog iyon, bago ko buksan ang message galing kay Luke ay tinignan ko muna kung anong oras na.
What the hell! 10:35 na tinanghalian na ako ng gising, binuksan ko ang text ni Luke.
Luke: Good morning stubborn, hangover right?
Paano naman niya nalaman na nag inom ako? Siguro ay yung nasa bar ako.
Me: Yeah, headache.
Hinintay ko ang reply niya, wala pang ilang minuto ay nag reply siya ka agad.
Luke: You're awake, paanong hindi sasakit yang ulo mo sa sobrang kalasingan mo kagabe.
Kagabe? Nandoon siya? Paano nangyare yun? Baka nasa kapit bahay siya at pinapanood niya ako? Pero imposible yun, wala ng gising sa mga oras na yun e.
Baka naman, huwag naman sana. Mag rereply ang multo? Hindi ba imposible yun?
Me: Kagabe? Hanggang sa pag inom ko sa roof top namin nandoon ka? At nasaan ka naman non?
Luke: Haha oo syempre hindi ko sasabihin kung nasaan ako, saka huwag ka ng mag isip diyan hindi mo naman ako nakita kagabe. :)
Talagang hindi ko siya makikita kung multo siya diba? Hays.
Me: Paano kita makikita kung multo ka? Saka tumigil kana natatakot na ako sayo tsk.
Luke: Hindi ako masamang tao Vien, lalong hindi ako multo haha. :)
Me: Kung hindi ka masamang tao, bakit hindi ka mag pa kita saken?
Inilapag ko muna ang phone ko saka nag shower.
Narinig ko ang phone kong tumunog, kaya binilisan ko ang pag sa shower.
Habang pinupunasan ko ang buhok ko gamit ang towel ko, inabot ko ang phone ko.
Luke: Soon Vien, hindi pa ako handa. Saka pag nakilala at nakita mo ako, eh layuan mo na ako.
Me: Look hindi naman kita lalayuan e, gusto ko lang naman kita makilala.
Lumabas na ako ng kwarto ko, nakita ko sila Diam na nag lalaro ng Xbox.
"Diam! Ang daya mo!" Sigaw ni Skyler.
"Gago! Ang sabihin mo hindi mo kayang talunan ako tch" Saka binitawan ni Diam ang controller sa sofa.
"Hoy Rich tara laro tayo!" Sigaw ni Skyler kay Rich.
Lumapit naman si Richard kay Skyler, napa tingin ako sa phone ko.
Luke: Soon Vien, excited? Haha ":D
"Vion!" Tawag ko kay kuya na, nakikipag kwentuhan kila Zack.
"Vien, lika kakain na niyan tayo pina hahanda ko lang ang mga pag kain kay manang" Tumango lang ako.
Lumapit naman ako kila Samantha na ngumingiwi sa sakit ng ulo nila.
Si Janet naman, nakahiga siya sa lap ni James, na nag rereklamo din na masakit ang ulo.
"Ang sakit talaga ng ulo ko, kuya imasahe mo naman ang ulo ko" Sabi ni Aya kay Sky.
Tumayo si Sky at lumapit kay Aya.
"Sira ka kasi e, alam mo namang mahina ka sa pag inom, iinom kapa" Sermon ni Sky kay Aya, habang minamasahe niya ang ulo ng kapatid niya.
"Vion? Si Sam masakit ang ulo niya, hindi mo ba siya mamasahiin?" Natawa ako ng lumapit si kuya kay Sam.
Lumapit din ang mga ka banda at tropa ni kuya, at umupo sa carpet.
"Nasaan si Hera?" Tanong ko.
"Naliligo" Sagot ni Janet.
Umupo ako sa carpet at tumabi kay Khen, itinihaya ko ang ulo ko sa legs ni Khen saka humiga.
"Imamasahe kita Takie ha?" Tumango lang ako.
Ng dumapo ang kamay niya sa ulo ko, minasahe niya ako at napa upo ako ng wala sa oras.
"Masakit Khen!!!" Sigaw ko, pero siya tawang tawa lang.
"Bwisit ka!" Tumayo ako, saka lumapit kay Diam.
"Diam!" Sabi ko, naka upo na din sila ni Richard sa carpet, at tapos na yata sila mag laro ng Xbox.
Tumabi ako kay Diam, humiga siya saka naman ako lumapit sakaniya. Humiga ako sa tiyan niya.
"Anong oras ang party?" Tanong iyon ni Zaine.
"Roof top niyo ulit dude?" Tanong din ni Tyrone.
"Oo sa roof top ulit, alam naman nila mommy ito" Tinignan ako ni kuya habang nakahiga si Sam sa lap ni kuya, nginitian ko lang siya.
Malapit na din ang bakasyon, dahil wala naman pasok nitong nakaraang araw ay puro party nalang ang mga pinag gagawa namen.
Alam naman ng mga Hernandez family, lalo na kami kami lang ang mag ka kasama, at kilala na din ang mga ka banda at tropa ni kuya ng mga Hernandez.
