Takie POV
Ginising ako ni ate Rhian ng mag seven o'clock na. Mag didinner muna daw kami bago kami pumuntang bar.
Tinext ko na din si Xavier na pupunta kaming bar, kaya susunod daw siya kasama si Ace. Pero mga eight pa ito makakarating dahil na rin siguro na pagod ito kaya hinayaan ko nalang. Nag text din si Miko nasa bar din daw sila.
Nakakagulat lang na makikita ko na ang kapatid niya, merong exited at si ate Rhian ito. Makikilala na niya daw ang kapatid ni Miko.
May tampo akong nararamdaman dahil mula ngayon ay hindi na raw siya titira sa bahay nila ate Rhian, naki usap naman si ate Rhian na kahit ngayon gabi daw ay matutulog daw siya sa bahay nila. Pumayag naman ito.
Nakita ko si kuya na naka upo at malayo ito kay Sam, sasama din kasi ito sinabi ko kasi sakaniya. Lumapit ako kay Sam at tumabi, nakita ako ni Hera at tumabi din ito sakin.
"May problema ba Bess?" Hulata kasi na may problema ito, at ang hindi niya katabi si Vion.
Tinignan ko si Vion na wala mang pakielam, patuloy lang ito sa pag kain nito. Huminga ng malalim si Sam kaya agad ko itong binalingan ng tingin.
"W-wala" anito, hindi man ito maka tingin saakin kaya mas lalo ko itong kukulitin dahil may problema nga siya.
"Bess nandito ako, kaibigan mo ako" paalala ko sakaniya na kaibigan niya ako. Alam kong ayaw niya itong sabihin saakin, pero hindi ako mapakali kung hindi ko ito malalaman lalo na walang pakielam si Vion sakaniya.
Hihilain sana ako pa tayo ni Sam ng mag salita ang kakambal ko, kaya walang ganang binitawan ni Sam ang braso ko.
"You can eat more Vien, hindi ako sasama sa bar" malamig nitong sabi.
"Any problem Rackie?" Malamig ko ding tugon, tinignan ako sa mata ni Vion.
Dahil alam niyang seryoso ako kapag tinatawag ko ito sa unang pangalan niya, hindi kalaunan ay siya ang nag iwas ng tingin saka tumayo.
"Wala Vien, don't drink to much remember your heart" anito saka agad na din itong umalis sa hapag.
Tatawagin ko pa sana siya upang mag usap sila ni Sam, pero pinigilan na niya ako.
"Sa bar ko na I kukwento" sabi niya saka binitawan na niya muli ang braso ko.
Pinag patuloy nanamin ang pag kain, minsan ay sinusulyapan ako ni Rhian ngumingiti na lamang ako. Minsan din ay tinatanong nila si Sam kung okay lang ba ito.
"Dim ang mga Montemayor pala ay nasa bar?" Tanong ni Sky kay Diam.
"Oo nga e, kay Winnie ako!" Sabi niya, saka pa siya nag wiggle, kaya tawanan ang ginawa namin.
Ng sinabi na ni Brian na aalis na ay agad na ding nag sitayuan ang lahat.
Pag dating namin sa bar ay dinig na dinig namin ang musika nito ng napaka lakas, nag text na rin ako kay Xav na nasa bar na kami ngunit hindi niya ako nireplyan baka busy siya.
Hinila ako ni ate Rhian sa gawi ng VIP, na nakita ko naman si Miko roon, napangiti ako ng mag isa ito. Hila hila ko din si Sam dahil may pag uusapan pa kami.
"Takeley nag text naba si Zack?" Anong saakin ni Diam, na agad akong umiling.
Umupo ako sa tabi ni Miko at si ate Rhian naman ay kasama niya sila Brian. Ano kayang ginagawa ni Xav? Bakit hanggang ngayon ay hindi niya pa ako nirereplayan?
Kinuha ko muli ang cellphone ko at natipa ng mensahe rito.
Me: Xav? Diba susunod ka?
Nilapag ko na ang cellphone ko na sinundan naman ni Miko ng tingin. Humarap ako rito at ngumiti.
"Mam Takie order po?" Tumango ako sa waiter.
"Ha yes, brandy and tequila" sabi ko, hindi ko na kailangan mag lapag ng pera dahil libre naman kami rito.
Pag aari ni tito Kent ang bar na ito na daddy ni Khen at Hera.
"Umiinom ka nanaman Tak" puna ni Miko sa tabi ko.
"Minsan lang naman mag papasukan na rin naman e" tugon ko.
May lumapit saamin na lalake at nag tanong kung nakita daw namin si Zoey, at sino naman kaya iyon?
"Hindi Bro, nga pala si Takie Hernandez, Tak si kuya Eljay Fronteza" pakilala ni Miko.
Tinanguan ko lang ito. So siya ang kapatid niya? Kamuka niya gwapo din ito at matangos ang ilong. Seryoso din ang mga mata nito na tulad din kay Miko.
Nilapag ang order kong brandy na agad ko din itong nilagok.
"Malakas ka palang uminom" ani ni Ej. Tumango lang ako saka ngumiti.
May lumapit na babae, lalagukin ko sana ang pangalawang shots ng agawin ni Miko ang baso. Agad ko siyang tinignan ng masama.
"Miko naman! Hindi pa ako nakakalimang shot kukunin muna!" Reklamo ko rito.
"Hence hayaan muna!" Singit ni ate Rhian, kumunot lang ang noo ni Miko sa sinabi ng ate niya.
Kanina pa kasi ito nangaagaw ng shots e, bakit kaya hindi nalang siya mag order?
"Let's go!" Dinig kong sabi ni Ej, tinignan ko ito at ngumiti saamin, at hinila iyong babae papalabas ng bar.
