- hindi po siya putol eto pala yung continue non, ayaw ko kasing masyadong mahabang page ng Chapter kasi unfair sa ibang page ng Chapter and pasensiya na kung long grammar. 😂😂 Thanks and more Read. 😍😘😘
♡♡
Takie POV
Bago kami nag tungo ni Xavier sa soccer field ay inaya niya muna akong kumain muna kami sa cafeteria.
"Mauna na kami Tak" ani ni Hera, kasama namin kasi siyang lumabas ng enrolling room.
Nag paalam na sila saamin, nag lakad naman kami papunta sa cafeteria, pansin ko lang bakit hindi nila kasama si Sam? Saan na kaya siya? Kaibigan ko siya pero hindi naman niya sinabi kung bakit sila nag break ha?
Ng makarating kami sa cafeteria ay agad na niya ako pinag hila ng upuan at umupo roon. Humarap saakin si Xav.
"What do you want?" He ask.
Ano nga ba ang gusto ko? Kanina nag parang gusto ko ng mangga na maasim, pero naalala ko wala nga palang magga sa cafeteria.
"Uhm I want fries, burger with toppings na peanut tapos juice!" Masigla kong sambit.
"What the! Seriously babe?" Napa simangot saka sinamaan ng tingin.
"What do you think? I am not serious?" Sabay irap ko, napasapo naman siya sa noo niya at nag poker face sa harapan ko.
Ano naman masama sa mga gusto ko? Wala naman ha!
"What?! Oorder kapa ba o hindi na?" Pag tataray ko, kumukulo ang dugo ko kapag hindi siya makapaniwala sa mga gusto kong kainin e!
Tulad nalang nong gumawa ako ng juice float, ginawa ko naman iyon para saakin e hindi naman sakaniya. Hays! Napa iling siya at tumingin saaking mata.
"Eto na" aniya, susunod din naman pala pinapatagal pa e. Tumalikod na siya at pumunta sa counter.
Nong isang araw ay nakuha ang band nila sa Qually Bar, ang kaso tinaggihan ni Vion ang offer ng may ari ng Bar. Buti hindi gaano nag tampo ang kabanda ni Vion, dahil mayayaman naman daw sila bakit pa sila sasali sa offer ng owner na bar na iyon. Kung gusto daw nila ay tumutogtog sila hindi daw nila kailangan ng offer.
Ng makalapit na si Xav at bitbit ang order niya ay agad na niyang nilapag yon sa table, kumunot ang noo ko ng tumingala ako sakaniya at may kasamang babae, lalong kumulo ang dugo ko ng nakitang kimawit pa ang babae sa braso ni Xavier, baka nakakalimutan ng babaeng to na boyfriend ko ang nilalandi niya? Kung kaya sisubsob ko diyan sa trash can sa malapit sa counter? Ng makita niya kung sino ang nilalandi niya.
"Excuse me miss, diyan raw kami ni Zack" ngising aso ang pinakita saakin.
She's serious? Tumaas ang isa kong kilay at tumayo, hindi ko yata palalampasin ito sa lahat ng landiin niya ay boyfriend ko pa. Si Xavier naman ay nakatingin lamang saakin at iritang irita siya sa babaeng kumapit nalang bigla. Bakit kaya hindi niya sigawan ang babae ng umalis siya sa kakapit sakaniya.
"Oh?" Pangiinsultong tono ko at tinuro ang upuan kung saan ako umuupo. "Marami namang iba diyan pero gustong gusto mong isiksik ang sarili mo lalo na hindi ka naman kasya! Girl lumandi ka sa walang sabit ha? Pasensiya kung sabit ako, pero huwag kang kumabit! Ayos lang na sabit ka pero huwag mong ipamukang kabit ka! Letche!" Hindi ko na hinintay pang sumagot ang linta, mabilis ako tumalikod at nag lakad.
Kainis! Ayos na ang buhay namin e! Pero kung kumabit ang bruhang iyon edi mag sama sila! Dinig ko ang mura ni Xavier bago ako tuluyang makalabas ng cafeteria, nawalan tuloy ako ng gana.
Tumuloy ako sa soccer field kung saan nag hihintay ang mga kaibigan at pinsan ko. Bahala siya sa buhay niya, mag sama sila ng babaeng iyon!
Padabog akong umupo sa bench, nilapag ko ang sling bag ko at sumimangot. Kita ko ang titig ng mga pinsan ko at mga kaibigan na laglag panga sila.
"Oh anong nangyare Takie?" Tanong ni Aya, at kasama pala si Sam at kausap niya si Janet at Hera, kita ko ang pag alalang tingin saakin ni Sam.
Hindi ko pinansin si Aya. "Mabuti pang umuwi nalang tayo, wala ako sa mood" malamig na sabi ko at tumayo.
Dumaretso na ako sa parking lot at naka sunod lamang ang mga pinsan at kaibigan ko. Narinig ko ang yabag na takbo at hinihingal pa siya bago nag salita. Naka talikod lamang ako pero ramdam ko ang init na palad ni Xavier ng lumapat ang kamay niya saakin, hinila ko ang braso ko na napabitaw naman si Xavier.
"Vien, bakit ka umalis doon? May problema?" Mahinahon niyang sinabi at may kasamang hingal pa.
"Oh, iniwan mo ang kabit mo?" Mataray na sabi ko at umirap rito.
"Fuck! Dumikit lang saken ang babaeng iyon, hindi ko nga alam kung sino iyon e" paliwanag niya, dahil naiinis ako hindi ko nalang siya pinansin at daretsong nag lalakad papunta sa parking lot.
Naka sunod lamang sila saamin, walang nag sasalita kahit tikhim lang ay wala akong narinig sa mga kasama ko. Mga yabag lang ng paa ang naririnig ko sakanila.
Patuloy lang ako sa pag lalakad.
"Takie kausapin mo naman ako" anang ni Xavier, pero hindi ko ito pinansin.
Pumasok ako sa wagon ni Diam, sakaniya ako sasabay dahil hindi ko feel kasama buong biyahe si Xavier, hihilain na sana ako ni Xavier ngunit mabilis kong iniwas ang kamay ko.
"Hindi ko feel sumabay sayo" prank kong sinabi, hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at sinarado ang pinto ng wagon ni Diam.
Pumasok na si Diam at Janet, kasama na rin si Sam. Nasa passenger ako samantalang ang dalawa ay nasa back seat. Hindi ko kasi feel sa back seat e.
"Ayos ka lang beshie?" Sam ask me.
"Yeah, don't worry about me"
Sinandal ko ang ulo ko sa salamin ng sasakyan ni Diam, naka ramdam ako ng hilo at panlalabo ng aking mata. Nahihilo, siguro ay hindi ako nakakain, pero nag breakfast naman ako ha?
Inangat ko ang ulo ko at hinilig sa sandalan ng passenger seat. Kumunot ang noo ni Diam at nag preno saka tumingin saakin.
"Ayos ka lang Takie? Namumutla ka ha?" Pag alalang tanong ni Diam.
"Ayos lan--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla nanaman akong na hilo.
Ang huli kong narinig ang boses ni Janet at Sam na nag alalang tono, at unti unti na ako pumikit.
♡♡
- thanks! Vote and comment!
