Takie POV
Padabog akong umupo sa tabi ni kuya at ni Hera. Titig na titig saakin si Miko at naka kunot pa ang noo niya.
Hindi ko nalang pinansin ang ekpresiyon na iyon, hinayaan ko ding tumitig saakin si Hera.
"So Miko, pinalitan mo uli ang apilyido mo? Diba Ry ang apilyido mo?" Nag angat ako ng tingin kay Miko ng sabihin iyon ni Brian.
"It's my mom nickname, si daddy na ang nag palit ng apilyido ko at sinunod na iyon sa totoo kong apilyido it's Fronteza" aniya. Habang hindi pa din napuputol ang titig niya saakin.
"Hey! Anong muka yan aber?" Napatalon ako ng biglang nag salita si Hera sa gilid ko.
Sinamaan ko siya ng tingin, bakit ba kasi siya nanggugulat.
"So mag pinsan pala kayo ni Von?" Tanong ni Zaine.
"Wala" sagot ko kay Hera.
Tumingin na ulit ako sa mga nag uusap, lilibangin ko muna ang sarili ko ayaw kong isipin ang mga sinabi ni Xav saakin sa loob ng hotel na iyon.
Hindi na sumagot si Hera, pinag toonan niya na lamang ang dessert niya.
"Yes, Von is my cousin my mom and his dad mag kapatid sila" tumango lang si Von kay Miko.
Kahit gusto ko mang intindihin ay hindi ko maintindihan, ang liit naman pala ng mundo at mag pinsan pa sila ni Von.
"Guys kailangan ng matulog maaga pa tayo bukas, pupunta tayo sa Warwick beach" anang ni kuya.
Nag sitayuan na kaming lahat, si Sean at iyong pinsan niya ay abala sila pareho sa cellphone nila. Samantalang ang iba ay pinag papatuloy ang kwentuhan na naputol dahil sa sinabi ni kuya.
Napa upo ulit ako ng maalala ko na matutulog nga pala si Xav sa kwarto ko. Natigilan din si Hera dahil umupo ulit ako. Ano ng gagawin ko? Ayaw ko namang sabihin kay Hera na doon matutulog si Xav sa suit na naka assign na bigay saken ni kuya.
"Hindi kapa aakyat Tak?" Tanong ni Hera, habang nakatingin siya sa mga kasama namin na papalayo.
Kaming dalawa nalang ni Hera ang natira sa table. Kahit gustuhin ko mang mag pahinga ay hindi mo kayang umakyat dahil nandoon si Xav. What the hell?
"Mauna kana, mag papahangin lang ako"
"Sigurado ka?" Tumango ako, hinalikan niya ako sa pisngi, bago niya ako iniwan na naka upo.
Bumaling ulit siya saakin na nag dadalawang isip pa siya kung iiwan nga niya ba ako. Tinanguan ko ulit siya ganoon din ang ginawa niya bago ulit siya tumalikod.
Sumandal ako sa upuan, dito nalang ba ako matutulog? Pero baka bumaba ulit si Kuya. Buti nalang hindi na ako tinignan ni kuya kung umakyat na ba ako o hindi. Siguro ay nakita niyang kasama ko naman si Hera, pumikit ako at dinadama ang hangin na dumadapo sa balat ko.
"Why are you still here?" Napa balikwas ako sa nag salita.
Tinignan ko siya sa aking harapan, naka upo na din siya.
"Nag papahangin lang" sagot ko, hinilig ko ulit ang ulo ko sa sandalan ng upuan.
Nakatitig lamang siya saakin, at sinusuri ang kilos ko. Bakit ba kasi ang hilig sumuri ng kilos ko? Umupo ako ng maayos at tumaas ang isang kilay ko sakaniya.
"Eh bakit ikaw nandito kapa?" Tanong ko sakaniya.
"Nakita ka" simpleng sagot niya.
Ngumuso ako, at nag irap sakaniya. Naka titig lamang siya saakin. Umilaw ang earing niya sa kaliwang tainga niya. Kulay silver kasi ito. Kitang kita ko ang tangos niyang ilong, lalo na kung naka side ito. At ang magulo niyang buhok, lalo siyang gumwapo at idagdag mo pa ang mapanga niya. Hindi ko akalaing na hindi ko pala ito kadugo, sabagay hindi niya man ka muka si ate Rhian, maganda si ate Rhian at mabait.
"Pumasok kana Takie Vien Cuevas Hernandez" napabaling ang tingin ko sa likod ng banggitin niya ang buong pangalan ko, sa tonong pag babanta.
Nanliit ang mga mata ko kay Xavier, seryoso lamang ang tingin niya saakin at kay Miko na sa harap ko. Akala ko ba matutulog siya sa kwarto ko? At bakit naman siya nandito?
"Bakit ka nandito?" Taas kong kilay na tanong.
"Damn! Nasa loob na lahat ng mga pinsan mo, tinanong kita kay Hera" aniya, at sunod na sunod ang mura niya.
Kalmado lang si Miko, alam kong hindi siya gagawa ng gulo dito. Maliban nalang kung susugod si Xavier sakaniya. Naka dekwarto na ngayon si Miko at tinitignan niya ang sunod kong tanong. Nanatili akong tahimik, saka nalang tumayo si Miko at tumikhim.
"Pumasok kana Tak" anito, saka na siya tumalikod saamin ni Xav.
Naiwan kaming dalawa, tumayo na ako para makapag pahinga hindi gumalaw si Xav sa kinatatayuan niya. Hinayaan ko nalang lang siya, bahala siya doon.
Bakit ba kasi siya bumaba? At ano nanaman ang iniisip non? Tsk ang sakit ng ulo ko sakaniya.
