Takie POV
Pag ka tapos kong naligo ay bumaba na ang sa hagdan, Saturday kaya walang pasok. Excited lang ako sa pag gising, hindi pa ala ni Vion na buntis ako, ang nakaka alam lang ay sila Hera. Saka pupunta dito si Xavier may date raw kami e.
Pag baba ko ang buong akala ko ay si Xavier ang naka upo sa salas at kasama si Vion ngunit nag ka mali ako, who's this guy? Naka cup, matangkad maputi. Natigilan ako ng tinignan ako ni Vion at si! What the hell bakit yan nandito?!
Nanlalaki ang mga mata ako, natauhan lamang ako ng ngumisi siya at nag pa tuloy naman ako sa pag baba ng hagdan.
"Good morning Takie!" Bati nito sakin, nginitian ko lang siya at umupo sa one seater.
Tinignan ko si Vion na may hawak na libro, he loves books! Binitawan niya iyon ng bumaling ang tingin ni William Ty saakin! Shit, the Chinese guy he's here!
Hindi ko na kasi siya nakita pa, nong hinarangan ako ni Xavier sa bar siya iyon! Iyong si Ate Rhian ay nag aya for party sa Disney Bar, iyong broken heart talaga si Sam! Siya iyon! Bumalik na pala ang instik na to!
"Vien hinihintay ka lang niya, I have to go may kailangan pa akong tapusin" aniya, tumango lang ako sakaniya.
Nag tatrain na kasi siya sa company namin, dahil paniguradong sa Paris siya mag wowork habang nag aaral kami. Ngunit hindi na ako sasama sa Paris dahil sasabihin ko na kay Xavier na may baby na kami buntis ako.
"Dito kana ba mamalagi?" I ask him.
"Hindi ako sigurado, kasi you know my dad right?" Tumango ako, nag titrain na rin siya ka tulad ni Vion.
"Boyfriend mo ba iyong nasa bar last time? Iyong nakita kita sa bar" tataas pa ang kaniyang kila habang tinatanong niya iyon.
"Yup! He's my boyfriend, so sino ngayon ang girlfriend mo?" Nag kibit balikat siya at tinignan niya ang phone nito.
Ang akala ko ay hindi na siya sasagot, ngunit tinignan niya ako sa mga mata ko. Inalis niya ang cup nito sa ulo at nilapag sa table sa harap namin, saka niya tumayo at umupo sa tabi ng inuupuan ko. Hinawakan niya ang mga kamay ko, hinayaan ko nalang dahil naging kaibigan ko din siya five-years ago?
"Are you asking me again?" Napalunok ako sa sinabi niya at napatingin sa sahig, hindi ko alam pero kinabahan ako doon.
"Takie your asking me again about that" patuloy niya. My ghad! He's my first love and best friend.
"Yeah I know, I am asking again any problem?" Hindi ko mapigilang hindi mamaos sa pag sasalita ko.
Naramdaman ko nalang na pinunasan niya ang luha ko, umiiyak na pala ako naiinis ako dahil bakit hanggang ngayon ay nasasaktan ako sa gayong alam ko namang hindi ko na siya mahal. Iniwan niya ako rito para ipag patuloy ang pag aaral siya sa Japan.
Kung sanang nanatili siya dito, edi sana hindi naging kami ni Carl! Wala akong pinag sisihan sa mga naging boyfriend ko. Dahil minahal ko naman sila, saka wala na akong pakielam dahil mahal na mahal ko si Xavier! Nasasaktan ako ngayon dahil iniwan niya ako noon ng walang pasabi! Bigla bigla nalang siya umaalis ng walang paalam, sino ba namang hindi masasaktan doon? Kahit nga kaibigan mo lang iniwan ka sa ere at walang paalam masasaktan ka e!
"Takie if you love me again, then tell me I'll come back here for you" Hindi ko na napigilang hindi mapahikbi, pinunasan niya ulit ang luha ko.
Hinintay kong matigil ang pag hikbi ko, tinignan ko ang kamay niyang naka hawak sa kamay ko. Ng tumigil ako sa pag iyak ay tinignan ko na siya sa mata nito, malungkot pagod na pagod, at nag susumamo saakin na sabihin kong mahal ko siya, pero hindi wala na akong natitirang pag mamahal sakaniya.
"Do you love me again?" Tanong niya ulit.
"I-i...." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng makita ko si Xavier na lumabas sa pinto.
Nakalimutan ko nga palang pupunta siya dito at mag didate kami, pinunasan ko ang panibagong luha at tumayo. Hinabol ko siya sa labas ngunit pag labas ko ay humarurot na ang kotse niya. Narinig niya kaya? Narinig niya kaya ang lahat? Narinig niya kaya ang pag tatanong ko? Ghad!
Napa upo ako sa hagdanan, at yumuko humagulgol sa pag iyak, ano kaya ang mga narinig niya? Huminga ako ng malalim. Napatingin ako sa harapan ko may nakatayo pamilyar ang sapatos niyang ito, tumingala ako at nakita ko kung sino ang nakatayo sa harapan ko.
♡♡
- vote vote! And comments. Thanks sa suporta love lots.
