MS 18

2.4K 68 5
                                        

Takie POV

"Vien tapos kana ba?"

"Wait saglit lang susunod na ako" Sabi ko, habang nag iimpake.

Ng maayos na ang mga gamit ko ay bumaba na ako, dala dala ang aking bag.

Nakita ko silang nag aasaran at si Sam naman ay inaayos niya iyong bikini niya, summer outing namen at tatlong araw kami sa bataan.

"Vien akin na iyang bag mo" Binigay ko kay Vion ang isang bag pack ko.

"Takeley isang bag lang ang dala mo? Kasya ba lahat ng mga gamit mo riyan?" Tanong ni Diam.

"Nasaakin ang ibang gamit niya Dim" Sinagot na ni Vion ang dapat ay ako sumagot.

"Oops kasama ko pala iyong pinsan ko Rackie" Sabi ni Sean.

Ngayon lang ito mag dadala ng pinsan ito ha, at mag salita ang cute pa man din ng boses niya.

"Oh? Nasaan siya?" Tanong ko.

Lumabas si Sea at pinapapasok niya yata iyong Pinsan niya, pumasok siya pero iyong pinsan niya hindi niya pinapasok?

"Dim isakay mo nga itong basket sa likod ng sasakyan, nandito kasi ang ibang pag kain para sa picnic, aakyat tayo ng bundok maganda kasi mag picnic sa tuktok" Sumang ayon naman si Diam at binuhat na niya ang basket for picnic na magaganap.

Bumukas ang pinto at niluwal niya si Sean at iyong pinsan niya, lalake pala akala ko babae.

"Darwin Montemayor pinsan ko" pakilala niya sa pinsan niya.

"Si Zaine, Zack, Tyrone, Rackie at si Ace nag babanda ang mga iyan Bro" pakilala ni Sean.

Nag si tanguan lang sila at nag kamayan. Pormal naman.

"Ayan Bro kilala mo naman iyang si Rack, yung mga barkada kilala mo iyang mga gunggong na iyan"

"Fuck you Montemayor!" Sigaw ni Von kay Sean.

"Eto sila Skyler, Khen, Brian, James, Kris, Richard at si Miko mag pipinsan yang mga yan" Tumango lang si Darwin sa mga pinsan ko.

Kaya nag pa tuloy siya sa pag sasalita.

"Si Hera kapatid niya si Khen" Nag kamayan at nag welcome lang si Hera kay Darwin.

"Si Janet kapatid naman niya si Diammaine"

"Huy! Hai" Sabi ni Janet kaya tumawa ako ng malakas, para nanaman siyang naka inom, kumunot ang noo ni Darwin at napa tingin saken kaya tumahimik ako ng wala sa oras.

"Hey" malamig na tugon naman ni Darwin.

"Si Aya mag kapatid naman sila ni Skyler" humagikgik lamang si Aya, gwapo naman kasi siya e.

Iyong ilong niya, hindi masyadong matangos pero sakto lang matangkad din siya tulad ni Sean.

"Si Samantha girlfriend ni Rackie at kaibigan naman niya si Takie" Nag kamayan sila at nag kunot naman ng noo si Darwin.

"Dude! Si Takie kakambal niya si Rackie at kaibigan niya si Sam" Nginitian niya ako at nag lahad siya ng kamay at tinggap ko iyon.

Pumasok si Diam at inakbayan niya ako.

"Takeley tawag ka ni mommy mo wahahaha" Sinamaan ko siya ng tingin, wala na sila mommy nag vacation na sila sa US e.

"Kuya nasa US na sila tita tsk" Pag susungit ni Janet sa kuya niya.

"Si Diammaine Bro iyong kapatid ni Janet ito" Tumango si Diam, inalis niya ang braso niya sa pag kakaakbay saakin at naki pag kamayan siya.

"Tara?! Kuya naiwan ko pala iyong phone ko babalikan ko muna sa kwarto ha?" Sabi ko, naiwan ko pala sa kama.

"Ako na Ien" Tumango lang ako, kaya kumaripas na siya sa kwarto ko.

"Gentleman naman ng manliligaw mo Bess"

"Che! Hindi ka nga nag kukwento diyan e, kayo na pala ni Vion" Pag tatampo ko.

"Tumahimik ka nga Vien"

"Isa ka din! Ipakilala mo na kasi kila mommy e" Sabi ko saka kumaripas na din ako ng takbo sa kwarto ko, nakita ko kasing hahabulan niya ako habang paakyat ako ay humahagikgik ako.

Ng naka pasok na ako sa kwarto ko ay nakita ko si Xav na tinitignan niya ang mga albums sa study table ko.

Hinayaan ko lang siya, kinuha ko ang phone sa naka lapag sa kama at umupo muna, napansin niya na yata ako kaya nilingon niya na ako.

Naka titig parin siya sa album na hawak niya, iyon yata yung picture namin ni Carl noong kami pa.

Hindi ko pa pala iyon na tapon, iyon nalang kasi ang memories ko kay Carl kaya hindi ko iyon tinapon.

"Bakit pa naka display tong album na ito sa study table mo Ien?" Seryosong tanong niya.

"Ha hmm memories na lang iyan Xav" Sabi ko, tinignan niya pa ng maigi.

Nakita kong inalis niya ang isang picture namin ni Carl, ipinakita niya iyon saakin.

"Ito?" Nakita ko sa mga mata niya ang galit.

"Kung ayaw mong itapon, itago mo ang mga ito" Giit niya.

"Opo, Uhm tara na kasi nag hihintay sila sa baba e" I said, para maka wala na ako at para hindi niya na pag initan ang mga pictures namin noon ni Carl.

"Let's go" aniya.

Tumayo na ako pero hindi niya na ako nilingon, nag pa tuloy lamang siya sa pag lalakad niya.

Napano kaya iyon? Bakit niya pinag initan ang mga pictures namin noon ni Carl?

Hay bahala siya, wala naman akong ginawang masama, memories lang naman iyon e.

Naka sunod lamang ako sa pag baba, tumingala silang lahat saamin, naka kunot ang noo ni Miko at Vion.

Ng naka baba na kami ay daretso si Xav sa labas ng bahay, ano nangyare doon?

Ngumuso ako, tinignan ako ng mabuti ni Vion.

"Ano nangyare twin?" Tanong ni Vion, lalo lang ako napa nguso.

"Ewan ko don, nakita niya lang naman iyong mga pictures namin noon ni Carl na naka display, naka limutan ko kasing itago e" Bumagsak ang mga mata ko kay Darwin na naka titig saakin.

Umiwas siya ng tingin ng napag tanto niyang sinulyapan ko siya.

"Bess itapon mo na ang mga iyon, mag move on kana te!"

"Ewan ko sa iyo Sam, matagal na akong naka move on kaya tigilan mo ako sa te teh na iyan tsk"



"Alam mo Tak nag seselos lang iyon, kaya huwag ka ng ngumuso pumapanget ka lang e" Sabi ni Khen at humagalpak sa tawa, lumapit ako sakaniya para hampasin siya pero nakailag siya.

"Ewan ko sainyo" Sabi ko, sumulyap ako kay Miko na naka titig saakin, iniwas ko ang tingin ko at lumipat iyong tingin ko kay Darwin.

Umiwas nanaman siya ng tingin, ano kaya mga problema nila? Para silang mga babae e.

My Stalker (COMPLETED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon