Takie POV
"Takeley tequila?" Tumango lang ako, saka inabot niya saken ang isang shot ng tequila.
Inakbayan ako ni Sky saka bumulong.
"Hinay hinay sa pag shot" Nginitian ko siya, medyo na hihilo na ako pero nasa matinong pag iisip pa ako.
"Takeley! Kaya mo pa?" Tanong ni Diammaine.
"Oo naman malakas to Diam" Sagot ko, kapag mga pinsan ko ang mga kasama ko. Komportable ako, kahit isa sakanila lang ang mag hahatid saken hindi na mag alala sila mommy at daddy, isama mo pa si kuya.
"Hoy Diammaine tama na! Siraulo to!" Nakita kong inalis ni Sky ang braso niya sa pag kakaakbay saken saka hinampas si Diam.
"Takie nock out na si Sam wahaha" Sabi ni Janet, na tinignan ko ang table nila.
Si Hera, Sam at Aya ay tulog na sa sobrang kalasingan. Matatag tong si Janet e.
"Nilasing mo sila sira!" Tinawanan lang niya ako.
Tumayo ako para alalayan sila para humiga ng maayos, sa guest rooms ko nalang sila ihahatid. Paniguradong hindi ko na sila kayang ihatid sa kwarto ko.
Mas malapit kasi ang guest room, pag baba mo guest room na agad.
Ng maka tayo na ako ng maayos ay nag lakad na ako, kaso zigzag ang pag kakalakad ko.
Lasing na nga ako the hell.
Napansin kong nag iinuman pa sila kuya, hindi ko na siya iistorbohin.
Binalingan ko ang mga lasing sa dulo ng table, mga sira sobrang lasing na sila.
Napatingin ulit ako kila kuya, na pansin kong nakatitig sakin si Zack, kumunot ang noo ko ng tignan siya, kaso nag iwas lang siya ng tingin.
Napapansin ko lagi siyang tumingin saken, ano kayang problema niya saken? Tsk.
Dumaan muna ako sa table nila kuya, bago table nila Sam.
"Vien matulog kana nga doon lasing kana, tignan mo pa iba iba na yang lakad mo" Sabi ng kakambal ko at tumayo siya sa pag kaka upo at inilalayan niya akong umupo sa tabi niya at tabi ni Zack.
"Vion sila Sam ihahatid ko lang sila sa guest room look, tulog na sila" I said.
"Tch Samantha ang tigas ng ulo ng babaeng yan tch, don't worry ipapabuhat ko sila sa mga pinsan naten, si Janet? Nasaan siya?" Tinuro ko si Janet sa mga pinsan ko, at nag iinom nanaman ang bruha tsk.
"Takie! Join us!" Sigaw nila Khen.
"Saglit lang!" Sagot ko.
Tinignan ko si kuya na naka tingin ngayon kay Sam. I think he's in love with my best friend.
Tatayo na sana ako ng hinawakan ni Zack ang kamay ko para pigilan ako, tinignan ko siya at nag iwas ng tingin.
Ano kayang problema niya? Lagi nalang niya ako pinipigilan? Tumingin siya ulit saken at tinaasan ko siya ng isang kilay, at binitawan niya ang kamay ko.
"Vion pupunta lang ako kila Skyler ha?" Tango lang ang sagot ni kuya kaya tumayo na ako.
Pag tayo ko na out of balance ako kaya, hindi ko napigilan ang sarili kong humawak sa shoulder ni Zack.
Mabilis ko iyong inalis, saka tumayo ng maayos.
"So-sorry" I said.
"Lasing na kasi iinom pa tch" Bakit ba ang sungit niya?
"Diam!" Tawag ko kay Diammaine, kaya mabilis na pumunta saken at inalalayan niya akong maka upo sa tabi ni Janet.
"Takie matatag ka alam ko e, kaya sabayan mo ako sa pag inom" Saka humalakhak si Janet.
"Sira! Magagalit si Diam kuya mo!" Sabi ko.
"Kuya Diammaine magagalit ka daw saken? Hahaha"
"Jan kung matatalo mo si Takeley aba hindi ako magagalit, kung ikaw ang maka tulog sa sobrang lasing ipapatapon kita sa bermunda triangle" Humalakhak kami ni Janet ng sabihin iyon ni Diam.
"Shot of tequila Diam" Sabi ko, inabot naman ni Diammaine saken ang isang shot at saka ko iyon nilagok.
Nakita kong tulog na sila Khen, Kris, Brian at Miko minsan mahina tong mga pinsan kong ito e.
Ang natitira nalang samen ay ako, Janet, Diam, Skyler, James at si Richard.
Sa kabilang table naman ay tulog na sila, Jet, Von, saka si John. Ang natitira nalang gising sila kuya, Zack, Sean, Yuan saka si Shawn. Ang mga ka banda naman ni kuya ay ang gising nalang sakanila ay sila Tyrone saka si Zack, si Zack ay kabanda din siya, siya yung guitarist.
Ang mga tulog na sa kabanda ay sila, Ace, Zaine saka si Lance.
"Another tequila Takeley?" Tumango ako saka tinignan siya.
"Rich! Idala mo na sila Aya sa guest room" Sabi ni kuya.
"Hoy Skyler! Idala mo din sa guest room si Aya!" Sabi ko, kahit naman hindi ko siya utusan ay ihahatid niya syempre kapatid niya si Aya e.
"Si Hera kuya ihatid mo na din sa guest room, may party pa bukas dito e" Sabi ni Janet kay Diammaine.
Si Khen baliw din yun e, imbes ihatid niya si Hera sa kwarto isa din siyang ihahatid.
Napatingin ako sa table nila kuya, si Zack at si Tyrone nalang ang nandoon, sa tingin ko ay bumaba na sila Shawn kasi lasing na din ang mga iyon.
"James join us" Sabi ni Janet, sa tingin ko ay hindi mag papatalo to.
"Tumigil ka nga Janet! Matutulog na ako kayo nalang ni Takie!" Sabi ni James saka umalis na.
"Mga mahihina! Ay sila Zack at Tyrone yayain ko nga" Sabi niya saka tumayo at lumapit sakanila.
Hindi ko na siya mapigilan lalo na lasing na siya.
"Tyrone join us, and Zack" Sabi ni Janet at nilingon ko siya, hinihila hila niya si Tyrone at Zack.
Umupo na sila sa table namin, umupo si Zack sa tabi ko sa kabila naman ay si Tyrone si Janet naman ay tumabi kay Tyrone, si Janet ay may gusto siya kay Tyrone.
"One shot of tequila for you Zack" Sabi ni Janet, saka inabot na kay Zack.
"Thanks"
Kinuha ko ang isang boteng brandy at nag salin ako sa shot glass.
Nilagok ko iyon ng mabilis.
"Whooooa Takie! Ang lakas mo!" Sigaw ni Janet.
"Shut up" Iyon lang ang sagot ko.
"For Tyrone" Inabot ni Janet ang isang shot ng tequila kay Tyrone.
"And this is for you" Inilahad ko ang isang shot ng brandy sakaniya.
"Whooooa Takie malakas ako hindi mo ako malalasing!" Sigaw niya.
"Can I see" Alam kong mahina si Janet sa brandy e.
Mas malakas kasi ang tama ng Brandy kesa sa tequila.
Nakita kong ngumiwi si Janet after niyang ininom ang shot ng brandy, see hindi siya sanay.
Nakita kong sinubsob na niya ang muka niya sa table, one shot of brandy she's knock out.
"One shot, sleeping Janet tsk" Sabi ko, saka nag salin ulit ako ng isang shot ng brandy.
Iinomin ko na sana iyon kaso inagaw ni Zack saken.
"Anong problema mo?" Kunot noong tanong sakaniya.
"Lasing kana kaya" Hindi ko na Kinuha ang shot. Nilagok ko ang nasa bote.
At naubos ko iyon ng isang lagok lang.
Napayuko ako sa sobrang hilo, saka ipinahinga ko ang ulo ko sa table.
