Takie POV
Minulat mulat ko ang mga mata ko ng makaramdam ako ng pag ka hilo, ang unang bumungad saakin ay si Miko. Ang alam ko ay pumunta siyang ibang bansa? Why he's still here?
"Takie, anong nangyari sayo?" Tanong niya, inalalayan niya pa akong maka upo ng maayos.
Nakita ko naman ang pag lapit nilang lahat saakin, nasa kwarto na ako.
"The doctor said, hindi ka raw kumakain ng masustansiya what happened with your health Vien?" Malamig na tanong saakin ni Vion ng makalapit saakin.
Hindi ko alam bakit ang healthy ko ang pinag uusapan samantalang marami naman akong kinakain? Kumakain din naman ako ng gulay minsan nga lang.
"Ha? Pagod lang siguro ako, alam mo namang kumakain ako ng gulay diba?" Pag ka sabi kong iyon, bigla ako nakaramdam ng parang binabaligtad ang sikmura ko.
"Wait lang I need to pee" palusot ko, pinipigilan kong masuka.
Ng makarating ako sa loob ng bathroom ko sa kwarto ay agad na akong nag duwal, ng matapos ako ay nag mumog ako saka pinunasan ang bibig ko, guminhawa din ang pakiramdam ko.
Pag balik ko sa kwarto ay nakita ko ang pag kunot na noo ni Xavier, kakarating niya lamang yata. Dahil wala siya dito ng magising ako. Hindi ko siya pinansin at bumalik sa kama ko, humiga ulit ako dahil nanlalabo nanaman ang aking mga mata dahil nahihilo nanaman ako pag ka tapos kong mag duwal.
"Take a rest Takie, and i need too" malamig pa ring sabi ni ni Vion, pero nasa pag babantang tono dahil sa pag tawag saakin sa unang pangalan ko.
"Y-yes" pag ka sagot kong iyon ay agad a siyang nag tuloy sa pinto, tinawag pa ng isang beses ni Sam ngunit kahit isang tingin kay Sam ay hindi niya pinag bigyan. Kaya hulog ang mga balikat niya.
"Takeley, sa labas lang kami" anang Diam, tango lamang ang tugon ko sakaniya at isa isang nag silabasan ang mga kaibigan at pinsan ko.
Ang natira na lamang ay kaming dalawa ni Xavier, dahil sumasakit ang ulo ko ay tumalikod ako kung saan siya naka tayo. Naramdaman ko ang pag upo niya sa kama ko, hinayaan ko na lamang siya dahil wala ako sa mood para maki pag away sakaniya.
"Let's eat first, before you sleep" aniya sa malambing na tono.
Hindi ko siya pinansin, nanatili akong naka talikod sakaniya. May gusto akong kainin pero hindi ko alam kung ano ito.
"Don't ignoring me, please your health is knowing down" anito.
Hindi parin ako humarap sakaniya, hinawakan niya ang bewang ko at hinarap na sakaniya, buti at nawala na ang pag ka hilo ko. Kita ko ang mga mata niyang pag alala, at mabuti ay meron pa kaming three weeks bago mag pasukan.
Dahil siguro ayaw pang mag enroll ni Vion kasi may three weeks pa kami. Kasi kapag mag eenroll si Vion ay kapag mag papasukan na.
Kinuha ni Xavier ang table ko at nilagay doon sa gilid ng kama ko, hindi ko na namalayang may dala pala itong pag kain. Inalalayan niya akong maka upo, hindi na rin ako umangal dahil nakaramdam ako ng gutom.
Binigay niya saakin ang kubyertos. At nag simula na akong kumain, wala siyang imik tahimik lamang siyang pinapanood akong kumakain. Humarap ako sakaniya at nilapit ang kutsara na may lamang kanin.
"Eat this" sambit ko, kinain naman niya ang nasa kutsara. Meron pang isang pares ngunit hindi niya ginamit.
Sabay kaming kumain sa iisang kutsara, namula ang pisngi ko ng napag tantong indirect kiss ito. Bakit kaya hindi nalang direct kiss? My ghad! Anong mga iniisip ko, parang gusto ko siyang maka sama buong gabi na ito at katabing matulog.
"Uhm.. dito ka nalang matulog ha?" Sabi ko, ewan pero gusto ko siyang matulog dito.
Yung tampo ko ay nawala nalang bigla, basta kapag kasama ko na siya bigla nalang sumisilay ang ngiti sa labi ko.
"Sure, my girlfriend is want to sleep beside me" anito sa malambing na tono, at may ngisi pang sumilay roon. Lalong namula ang pisngi ko ng bigla niya lamang ako hinalikan sa labi, ilang minuto din ay bago siya kumalas.
"Gusto ko ng mangga, tapos ang sawsawan ay mayonnaise" sabi ko na ikinang laki ng mata ni Xavier.
Hindi makapaniwala sa gusto ko, oo nga pala ito ang gusto kong kainin, pero peanut naman ang gusto ko kanina. Dahil sa pag babago ng isip ko ay mayonnaise nalang.
"Are in drugs? Seriously?" He ask, poker face ang bigay kong sagot.
Nag alarma itong tumayo sa pag kakaupo.
"Ano?! Ayan ka nanaman e, kung ayaw mo edi wag!" Pag susungit ko, nalaglag ang panga niya.
"What the fuck? I only ask, ang sungit talaga nito, eto na kukuha na kamahalan" aniya saka lumabas ng kwarto ko, ni hindi man yata uminom yon ng matapos kami kumain e.
Bigla nalang kasi lumalabas sa bibig ko ang mga gustong kainin ko e.
