Takie POV
Pag baba ko palang sa taxi ay nakaramdam na ako ng kaba, kaba at ayaw pumasok sa loob ng mansion namin. Feeling ko Namumutla na ako sa takot.
Huminga ako ng malalim, saka pumasok sa gate namin. Hanggang makita kong may naka park sa harap ng mansion, ang kotse ni Xavier! Lalo akong kinabahan, dumaretso na ako sa double doors namin.
Bubuksan ko na sana ngunit, nakita ko si Vion, Jet, Miko at Lance na binuksan ang pinto, at galit ito saakin. Kitang kita ko sa mga mata ni Miko ang disappointed niyang mukang naka tingin saakin.
"Saan ka galing?" Malamig na tanong saakin ni Vion.
"Rackie! Kumalma ka!" Sigaw ni Hera.
Nakita ko silang lahat na naka abang saakin. Lumapit saakin si Sam at hinila ako papunta sa salas, hindi na ako naka angal dahil nanigas ako nanginginig ako dahil nakita ko si Xavier na naka prenteng naka upo sa sofa. Pinaupo ako ni Sam, nakita ko naman silang lahat ay umupo na sa carpet. Galit na galit siya Xavier na naka tingin saakin.
"Huwag kang mag kaka mali! Huwag na huwag mong sasaktan ang kambal ko, baka makalimutan kong kaibigan kita!" Pag babanta si Vion, wala akong lakas tignan siya.
Ano bang ginawa ko? Bakit galit sila saken? Bakit ang lamig lalo ang boses ng kambal ko?
"Saan ka galing?" Cold na tanong saakin ni Xav, naka tingin lamang siya saaking mata.
"Diba sabi mo kasama mo ang kakambal mo sa gym?" Yumuko ako at pinunasan ang luha ko, parang sensitive na ako kapag malamig ang boses niya.
Ang sakit namang isipin, na parang may nagawa akong masama.
"K-kasama ko si Sheila sa Starbucks" mahinang sagot ko, dinaluhan ako ni Hera.
Niyakap niya ako, samantalang si Aya at Sam ay naka tayo, si Janet naman umupo sa tabi ko. Si Vion ay parang naka handa siyang manuntok.
"Bakit mo kasama siya?" Tanong niya, hot seat? Tatawa na ba ako?
"She want to talk to me, humingi siya ng paumanhin, inaya niya ako sa Starbucks at uminom ng coffee"
"Tapos ano?! Sumama ka sa lalaki?! Sumama ka sa hotel!" Sigaw niya saakin.
Tuluyan ng lumuha ang mga mata ko.
"W-wala hindi ako sumama sa ibang lalaki" hinang hina kong sabi.
"Huwag ka ng mag sinungaling pa!" Sabay hagis ng picture sa table.
Nakita ko ang sarili ko at ang lalaki, papasok sa hotel. Tapos yung isa pang litrato ay naghahalikan kami. Tapos yung pangatlo pumasok kami sa private room ng hotel, hinawakan ko ang dibdib ko hindi! Hindi ko alam ito!
Ang pang apat naman at hinuhubad ako ng lalaki, at ang pang lima ay naka hubad na ako naka panty at bra nalang ako. Tapos naka patong pa iyong lalaki.
"H-hindi! Hindi ako iyan!" Humagulgol na ako sa iyak.
Tumayo ako at lumapit kay Xavier, pero umiling lang siya. Yayakapin ko sana siya ngunit hinawi niya ako. Iyak na ako ng iyak.
"H-hindi, hindi ko alam iyan maniwala ka" hagulgol ko na, hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Huwag ka ng magsinungaling pa, malinaw na saakin ang lahat, tapos na tayo" anito at tumayo.
Tumayo din ako at niyakap siya, pero gaya kanina at hinawi niya ang kamay ko, wala akong lakas nawala ako sa balanse, lumikas ng tunog ang pag kakaupo ko, ang sakit sakit, bakit hindi niya ako pinaniwalaan? Ang sakit, iyak na ako ng iyak.
Nakita ko sila Sam, silang lahat na nanlalaki ang mga mata habang naka tingin sa ibaba ko. Napahawak ako sa ibabang dress ko at inangat iyon.
May dugo, ang baby ko! Lalo akong na iyak, ang baby ko. Ang baby ko, hindi! Hindi siya mawawala!
"Ang baby ko, hindi! Hindi! Hindi mawawala ang baby ko!" Sigaw ko habang hawak ko ang dugo.
Inangat ako ni Diam, binuhat niya ako.
Hindi ko na marinig ang mga Sigaw nila, nakita ko nalang na sinuntok ni Vion si Xavier habang nasigaw.
"Papatayin mo ba ang anak mo!" Sigaw ni Vion.
"A-ang baby ko" iyak ko, hindi ko na kaya ang baby ko ayaw kong iwan ako.
"Shhh kakapit siya okay?" Mahinahon niyang sabi saakin. Tumakbo siya papalapit sa garage.
"A-ang baby ko Diam" hagulgol ko parin kahit na buhat niya ako. Mababaliw yata ako neto kung mawawala ang anak ko.
Hindi ko na narinig pa ang mga sigawan nila, ang gusto ko nalang ay kumapit ang baby ko. Ang baby ko, ayaw ko siyang mawala.
"Manong bilisan mo!" Rinig kong sigaw ni Hera at pumasok sa passenger seat.
"Shhh Takie, kakapit ang anak mo okay?"
"Ang baby ko Hera, ayaw kong mawala siya saken" pinupunasan naman ni Diam ang luha ko.
Naka rating kami sa hospital, hiniga nila ako at tumakbo sa ER.
"Ang baby ko, gawin niyo ang lahat ayaw ko siyang mawala saken" Pag mamakaawa ko sa nurse.
Ayaw ko siyang mawala.
♡♡
- vote and comment, enjoy reading. Love much!
