Madaming mataba sa mundo. Oo, alam kong alam mo yan.
Pero alam mo din ba ang pakiramdam ng mataba?
Alam mo kaya yung feeling na araw-araw kang kinukutya ng tao sa paligid mo?
Yung kahit hindi ka naman sobrang taba, pero kung maka-panlait sila sayo, akala nila perfect sila?
Ikaw? Isa ka ba sa kagaya ko? Mataba ka din ba?
Siguro alam mo din ang pakiramdam ko?
Baka. Kasi madaming bagay sa mundo na hindi mo alam. Madaming dahilan kung bakit mataba ang isang tao.
Ako? Mataba ako. Aalamin mo ba ang dahilan ko?