"Kaya pala. Sorry naman" paghingi ko ng paumanhin. Kaya pala. Kaya pala siya badtrip na malungkot na parang retarded na nag aaply bilang macho dancer. Ngayon pala ang death anniversarry ng Mom niya.
Sorry naman. Eh sa hindi ko naman talaga alam eh. "Di ka pa ba uuwi?" tanong niya. "Di pa. Nakakatamad sa bahay. Tinapos ko na kasi kanina yung mga assigment natin para bukas." sagot ko. Ubos na pala yung fishball na kinakain ko. Kainis. "Tara" tumayo naman siya at kinuha ang bagpack niya sa tabi niya. "Saan tayo pupunta?" tanong ko. "Basta." wala naman akong nagawa kundi sumunod sa kaniya. Pinasakay niya ako sa kotse niya.
-
"A-anong lugar 'to?" tanong ko. Hindi ko kasi alam ang lugar na ito. Ngayon ko lang 'to nakita. Seven pm na pala. Baka mag-alala si tita at ate choy. "Zen, uuwi na ako. Di alam nila tita na nandito ako." sabi ko.
"Chill, pinag-paalam na kita." napa-kamot na lang ako sa ulo ko at napa-nguso. Ang advance naman niya. Nasa utak ko pa lang nagawa na niya. "Eh ano ba kasing--" tinakpan niya ang bibig ko. Aba bastos to ah! Tinanggal ko ang kamay niya na amoy, amoy, amoy, vanilla...
Ano ba?! Gutom na naman ba ako?! Ang taba taba ko na eh. Stop. "Nagpapabili ako ng pagkain. Dun tayo sa damuhan. Maganda ang langit ngayon." ano ba kasing trip neto?! Pwede namang iba isama niya ah? Saka ano to? Date?! Hoy Patricia wag kang assuming! Walang makikipag date sayo. Mataba ka. Panget.
Konsensya bahala ka sa buhay mo. Basta may pagkain game ako diyan. Magutom ka sana. Hahaha.
Naupo na kami doon sa may damuhan. Madilim na nga ang langit. At maliwanag dahil sa moon and stars. Maganda nga. Bakit ngayon ko lang 'to na-appreciate?
Palibhasa kasi, panay pagkain nasa utak mo. Di mo manlang tingnan ang mga bagay sa paligid mo.
Alam mo konsensya, tatamaan ka na sa akin ah! Kanina ka pa eh!
"Baliw ka. Dadalhin na nga kita sa mental. Baka dito ka pa magwala." narinig kong sabi ng asungot na lampa na ito.
"Wala ka kasing konsensya. Kaya wala kang kaaway sa kaloob-looban mo." paliwanag ko. "Alam mo, nakakainis ka." sa sinabi niyang yun ay napa-tingin ako ng diretso sa kaniya. "Oh. Nakakainis pala ako. Uuwi na ako!" sabay tayo ko. "Di mo naman alam kung saang daan pauwi. Tss"
Umiinit na ulo ko sa kaniya. Bumalik na lang ako sa pagkakaupo. Kainis na lalakeng ito. Kayamot lang talaga!
Di n lang ako umimik at nag-intay na lang doon sa pagkain kuno na sinasabi niya. Iniabot sa amin ang isang bucket ng fried chicken. Kainis. Alam niya talaga yung kahinaan ko. Ang bango, ang bango, ang bang-- "Kung gusto mo na kasing kumain, uso namang gamitin ang kamay. Nauubos yung pagkain dahil diyan sa ilong mo. Tss. Baboy."
At dahil nairita na talaga ako sa kaniya, binato ko siya ng damo. Nakakainis na kaya siya. Muntanga na siya eh. Menopausal na ata eh. "Alam mo, kaya wala kang girlfriend? Ang antipatiko mo! Nang-aaway ka kasi ng babae! Bumalik ka nga sa parlor na pinanggalingan mo!" sigaw ko. Di ko na kasi talaga matiis.
"Eh ikaw. Alam mo ba kung bakit wala kang boyfriend? Una, ang taba mo. Pangalawa, punong-puno ng pimples yang mukha mo. Pangatlo... Pangatlo... Basta!"
Natamaan naman ako doon sa sinabi niya. Tumahimik na lang talaga ako. Di na ako nagsalita pa. Para kasing biglang nawala yung espiritu ng digmaan sa katawan ko. Gusto ko ng umuwi. Mahiga sa kama at mamapak ng Nutella.
"Uwi na ako."
-
Sabado ng umaga at nasa mansion ako ni Tito Greg. Kasalukuyang kasama ko si kuya Vince at si... Basta siya. Nag-kakape sila samantalang nakatulala naman ako.
Ilang araw ko ng di pinapansin si Zen. Alam ko naman kasi na mapupunta lang lagi sa world war 3 eh. Mas pinili kong manahimik na lang.
Di ko namalayan na kinakusap na pala ako ni kuya Vince.
"Kanina ka pa tulala ah? May problema ka ba?" nag-aalalang tanong niya.
"Ako wala. Pero si Zen mukhang meron." sagot ko naman.
"Naku yaan mo na nga yan. May daily period kasi. Haha!"
Grabe din tong si kuya. Serious matter tapos nagbiro. Loko. "Teka kuya baka tinatagusan na. Haha." naki-sakay naman ako.
Nakaramdam naman si Zen kaya lumingon siya sa amin. Inirapan ba naman ako?! Bakla ata to eh. Sarap pektusan sa ovaries.
Nagtatawanan kami ni kuya Vince at nag-kwentuhan. Habang si Zen naman ay tulala lang.
-
Natapos ang week-ends ko sa mansion na panay si kuya Vince lang ang kasama at kausap. Di ko manlang natanong kung may girlfriend siya. Sayang! Si Zen hanggang ngayon parang lantang gulay. Walang imik. Walang kibo. Tapos minsan umiiyak? Di din ako sure kung bakit. Ayoko n magtanong kasi alam ko namang kukulo lang ang dugo niya sa akin.
"Sige kuya, next saturday naman." sabay ngiti ko. "Sige. May ipapakilala ako sayo." ngiti niya pabalik.
I wonder kung sino yun...
Author's Note
Hi! ^_^ oh ayan. May ud na ako. Lame nga lang. Huhu. :') Salamat sa nagbabasa love love ko kayo forevs. Next update will be super duper exciting! ^_^
P.S
Give me sugar bones please. Haha. :v
-Zelleyace