Ang sarap talaga. Yung ganito lang? Yung nasa park ka tapos kakain ka ng favorite mo. Dirty Ice cream, haaaaaaay. Ang sarap lang sa feeling.
May nag-aaway ditong mag syota. May mga batang naglalaro. May mga wala lang.
Ang sarap kumain. Nakakagaan sa feeling. Past time ko to kapag sobrang dami kong problema. Enjoy the scenery, eat your icecream and forget all your worries.
"Ugh. Nakatambay na naman siya dito? As usual nakain na naman"
"Oo nga sis kaya ayun. Nagiging baboy na. Hahaha"
Napa-iling na lang ako sa mga narinig ko. Well totoo naman kasi, mataba ako. Matakaw. At lagi akong nandito. Akala mo naman kung sino silang perfect. Buti nga ako kahit ganito TAO pa din. Ugaling TAO. kilos TAO. di kagaya nila MUKHANG TAO lang. Atleast ako, kahit ganto may breeding.
Hindi ko na lang pinansin ang mga unggoy na yun na may malaking suso at mala-flabby bird na nguso. Akala mong maganda, hipon naman. Di kagaya ko lechon. Atleast naman sakin di ba? Walang tinatapon.
Kanya-kanya lang tayong paraan. I don't hestitate na mataba ako. Okay lang naman. I'm confident with it. No one will ever try to bring me down. ABA, kahit naman ganito ako may pakialam naman ako sa sarili ko. Hindi ako basta-bastang nagpapa-bully. As long na kaya kong i-lift up ang sarili ko ay ginagawa ko. Hindi naman over confident na tao na halos maging warfreak sa pakikipag-away noh! I'm just a simple person. May freedom ako kaya ginagamit ko din naman yun.
Pagka-ubos ng icecream ko ay tumayo na ako para makapag-lakad na pauwi. See? Normal pa din naman ako ah? Pero bakit ganun? They call me "names" na hindi naman pinangalan sakin ng nanay ko nung pinanganak niya ako. Wala naman ang mga yun sa birth certificate ko di ba? Kahit si papa, hindi niya rin alam.
Baboy, damulag, dabyana, balyena, o sige po, lahat na. Ganyan naman araw-araw eh. Pag-gising mo pa lang, "dabyana..!", pag-pasok mo pa lang sa school, "baboy". Wala eh. That's nature. Kung anong makita ng mata ng tao, dun na sila nag-base sa buong pagkatao.
Well, not for me. Kasi araw-araw akong nabubuhay. Hindi naman ako tumitingin sa mga kapintasan ng iba. Tahimik lang ako at masaya na sa mga simpleng bagay. Mas tinitingnan ko pa yung mga possibilities na kung anong pwede maging ang tao.
Nakadating din ako sa bahay. At ang usual...
"La, mano po"
"Kaawaan ka ng Diyos" sabay baba ng kamay niya. Wala na akong mga magulang. Si lola lang ang nandito. Sa pagkakatanda ko kasi, sabi nila sa akin dati, si Papa ay seaman. Si Mama naman ay biglang umalis. Hindi ko na rin matandaan. Ang tagal na rin naman kasi.
"Ate Choy, may hapunan na?" tanong ko sa katulong namin. Aba, suportado kaya kami ng tita kong walang anak na nasa states. Kaya medyo magaan din ang buhay.
"Wala pa bebekoy." Alam ko. Korny. Pero simula kasi na siya na ang katulong namin, yan na ang tinawag niya sa akin. Okay lang naman sa akin dahil hindi naman ako maarte at mahal naman ako ni Ate Choy. Pumanhik na lang muna ako sa kwartong hindi kalakihan at sakto lang ang lawak. May pang doubles na kama dahil nga alam niyo na, mataba nga. Nilapag ko sa study table ang bag ko at humiga agad sa kama.
HAAAAY! Buhay nga naman, It's so unfair. Katawan ko pa lang unfair na. Pero, masamang kwestyonin ang Diyos eh. Bad yun!
- - -
Nagising ako. Ang sakit ng ulo ko. Masama nga pala 'to. Pero ano bang magagawa ko? Anemic ako eh. OO. Sa taba kong to anemic ako. Lagi kasi akong puyat. Laging kulang sa pahinga. Pero hindi ako nagkulang sa pagkain syempre.
Bumaba na ako dahil naaamoy ko na ang nilutong menudo ni Ate Choy. Paniguradong madami na naman akong makakain ne'to! Masarap kasi magluto si Ate Choy eh. She's the best cook!
"Oh Pat, kain na." sabay ngiti ni Ate Choy sa akin. Umupo naman ako sa upuan at inayos ang sarili ko. Si Lola naman ay nasa kwarto na. Hindi ko siya nakakasabay sa pagkain. Dinadalhan siya ni Ate Choy ng pagkain lagi. Tapos pinapakain. Medyo ulyanin na din kasi si Lola. Minsan nga nakakalimutan niya na ang pangalan ko. At siya nga yung laging nagsasabi nung Dabyana sa akin araw-araw.
Nagdasal. Kumain. Nasarapan ako sa ulam kaya kumuha pa ako ulit ng kanin. Kuha pa ng ulam. Subo pa ulit ng kanin. Inom muna ng tubig. Natapos ako sa pag-ubos ng ng gada-bundok na kanin na ganyan lang ang ginagawa.
Uupo ako sa Sofa, manunuod lang ng palabas sa T.V. Haay, ang boring talaga.
"PATE!"
Napangiti ako ng malapad nung narinig ko ang boses niya. Parang nagkaroon ng excitement ang buong sistema ko. Nanjan na kasi siya. Paniguradong isasama niya ulit ako sa gala mode niya. Yes!
"Gelo, napadalaw ka?" Nagpipigil pa ako ng saya dahil baka makahalatang wala akong ginagawa.
"Pate, sama ka naman sa akin oh! Hanapin natin si future wife ko!"
Nawala ang ngiti sa labi ko. Sabi na nga ba eh! Yun na naman ang dahilan niya dito. Sarap mong paslangin ngayon Gelo. Pasalamat ka at bestfriend kita. Napa-ismid ako at pumasok na ulit ng bahay. Kayamot naman kasi eh! Yun na naman ang hanap niya.
"Pate naman oh! Bestprends tayo di ba?" Sigaw niya pa sa labas. Alam kong mukha na siyang timang 'don sa kakatawag sa napaka-ganda kong pangalan.
"Bilis na Pate! Ililibre kita!"
Agad akong napatayo sa sofa at nanakbo papalabas.
"Eh bakit ka pa nkatayo jan? Tara na!" Sabay higit ko pa sa kaniya.
Yan naman ang pang-suhol niya sa akin. Galante kasi yan eh. Palibhasa rich kid.
"Pate, nasa park daw siya eh." Sabay labas niya ng mamahalin niyang iPhone.
Naglakad na ulit kami papunta sa park kung saan nandun din ako kanina. Hinahanap ng maganda kong mata ang isang sexy na binibini na may mahaba at itim na buhok. Nasan na kaya yun?
"Pate, ayun siya..."
Napa-tingin din ako sa direksyon ng mata ni Gelo. At ayun. Jackpot! Nnandito nga siya.
"Gelo, lapitan mo na!" Sabay tulak ko sa kaniya.