Ang boring talaga dito. Hindi naman kasi akong ka-interesado sa contest na pinapanuod ko.
May event kasi sa school at no choice na nandito ako dahil special project ko to. Hindi kasi ako nakapasa sa Buisness Math namin dahil lagi akong wala sa oras na 'yun. Ayoko kasi kay terror. Dejk lang.
Wala ako nung nakaraan dahil na-delay ang uwi ko galing kila Tito Greg. Bigla kasing nagyaya si Tito Greg na mamasyal sa Tagaytay. Which is, I don't actually have a choice.
Kasalakuyan kong pinipicturan ang venue. Eto kasi pinapagawa nila sa akin. Capture the memories daw. Eh mukhang night mare 'to dahil ang pipicturan ko ay si... si...
Oo. Si Zen at si Vanessa.
Yuck. Ewe.
Sus. Nagseselos ka lang eh.
Hoy konsensya, dumadali ka na naman ah? Kapag ako napuno na naman eh. Kakalbuhin talaga kita!
"Oh tapos na po Mr. and Ms. HRM!" sigaw ko sa kanila.
Bumalik ako sa pagkakaupo para tingnan kung okay lang ba yung mga pinagkukuha ko. Sa mukha pa lang ni Vanessa hindi na okay eh. Yuck. So hipon.
Si Zen naman poker face lang. Na-mimiss ko na din yung dating 'siya' yung masiyahan na inaasar ako lagi. Pero ngayon parang wala eh. Di ko na talaga siya maintindihan.
Kainis! Ang boring talaga. Inaantok na ako sa pagkuha ng mga pictures. Kainis.
"Oh."
Nagulat ako sa boses na naggaling sa harap ko. May pinatong siya na sandwich sa lap ko.
"Para san 'to Zen?" tanong ko sa kaniya. "Just eat. Babalik ako." sabi niya.
Habang nag-aantay, kinuha ko muna yung sandwich niya. Seryoso? Bigay niya talaga sakin? Kasi para naman talagang himala na nagbigay siya--
"Oh eto juice." sabay ngiti niya.
Napakunot naman ang noo ko. Napanguso at aakmang hahawak sa temples niya ng bigla niya itong pinalo. "Subukan mo." sungit talaga neto. Pero infairness, nakikipag usap na ulit siya sa akin. Ano kayang nakain neto? Hmm.
"Zen, may sakit ka?" seryoso kong tanong. Sarkastiko. Rather. "Wala naman. Nakakamiss ka palang tabachoy ka ano?" sabay tawa niya ng malakas. Dahil tuloy sa nakaka-iritang tawa ni Zen ay napatingin ang tao sa paligid namin. Ano ba kasing nakakatawa dun sa mataba ako? Mataba ako. Mataba. Ah.
"Namimiss mo din pala kagaya ko?" sabay nguso ko.
"Oo naman. Wala na kasi akong maasar. Alam mo yun? Sige. Balik na ako 'don sa room." tumayo siya at naglakad papalayo.
-
Kasalukuyan akong namimili dito sa NBS. Inutusan pa kasi ako. Nakakainis lang. Tapos di ko pa mahanap yung eraser na parang clay? Nasan na ba kasi yun?
May nakita namang maganda ang mga mata ko. Ang gandang libro neto ah? Kukunin ko na sana pero may isa pang kamay na nagtangkang kunin ang libro.
"Oh, kukunin mo ba 'to miss?" tanong ni Girl.
"Ah di na. Nauna ka naman ata eh." sagot ko.
"Okay. I'll have this piggy."
Piggy? Piggy?!
"Anong sabi mo miss?" tanong ko. Sinabihan niya ba ako ng piggy? Pero anak ng nutella, ang ganda ng approach ko tapos piggy? Feeling close teh?!
"Sabi ko, piggy. Uso mag diet noh? Kaya walang nalapit sayo eh. Haha!"
Basta na lang siyang nagbayad at lumabas ng NBS. Baliw nun. Muntanga eh. Bahala nga siya sa buhay niya. Insecure lang yun kasi masyado siyang payatot.
Pumunta muna ako sa isang fast food at bumili ng makakain. Nakakapagod maghanap ng eraser na parang clay lalo na ang makipag sagutan sa payatot na yun!
Habang nakain naman ay may nakitang di kaayaaya ang mata ko. YUNG PAYATOT NA YUN! May kausap siyang isang lalaki. Matangkad ito at may itsura. Mga model ang dating ganun? Tapos biglang niyakap ni boy si payat at biglang sinunggaban ng halik. Pesteng mga tao. Pwede naman sa tago tago di ba? Napa-iling na lang ako sa mga nakita ng mata ko.
Nagulat naman ako nung may kumalabit sa akin.
"Daya mo naman chin-chin, di mo ako sinabihang pupunta ka dito." sabay simangot niya.
Napanga-nga na lang ako sa gulat kung bakit bigla siyang usmusulpot. Kanina pa siya, nakakahalata na talaga ako dito.
"Sinusundan mo ako Mr. Zen Enrique Ambrosio?" ani ko.
"Wag kang assumera Ms. Patricia Dimagiba. Bumili ako neto." sabay taas niya ng dalawang paper bag na sa tingin ko ay damit. Bakla, mahilig sa shopping.
"Eh ikaw? Anong ginagawa mo dito chin?" tanong niya ulit.
"Edi inutusan ni Mam Canadella, di ba bumagsak ako sa busimat natin? Ang hirap nga hanapin nung pambura na parang clay eh. Di ko alam tawag, nakakahiya kanina dun sa pinagtanungan ko. Pinagtawanan pa ako. Tapos may isang babae na nagpainit ng ulo ko. HAY! PESTENG PAYATOT YUN!"
Saka ko lang napansin na iniwan na pala niya ako at lumabas na ng fast food. Baluga talaga yun. Magtatanong tas biglang aalis. Parang kabuteng di mo maintindihan eh.
-
Saturday morning.
Narinig ko na ang pangalan ko. Tinatawag na ako ni Kuya Vince. Kaya naman dali-dali kong kinuha ang bagpack po sa may kama. Tiningnan ko muna ang paligid kung may nakakalimutan pa ba ako. Si Piglet! Kinuha ko na si Piglet sa may unan ko at nanakbo papunta sa kusina. Kumuha ako ng isang litro ng mogu-mogu sa ref at dalawang pack ng malaking Lays, tatlong box ng Pocky at alam niyo na, isang jar ng Nutella. They are my best buds ever!
"Tricia!"
Naku eto na nga eh. "ETO NA!" Sigaw ko. Nankbo ako papasok sa Van. Nakita ko si Kuya sa driver's seat, si Zen naman katabi ko.
"Okay na kayo guys? Dadaanan muna natin si Donna." sabay ngiti ni kuyya. Nakita ko gawa nung rearview mirror.
Bumulong naman ako kay Zen at tinanong kung sino si Donna.
"Girlfirend ni kuya yun. Maganda pero kung alam mo lang, napaka arte nun. Pero pag si kuya ang kasama akala mo kung sinong anghel."
Sumangayon na lang ako sa sinabi niya. Tumigil sa pagmamaneho si Kuya Vince sa tapat ng isang magandang bahay. May pumasok naman babae na maganda, sexy, mukhang sophis--
WHAT?!
AYTHOR'S NOTE:
Ayan muna ngayon. Haha :v I love you guys!
-zelleyace