4

848 25 6
                                    

"Sabi ko nga kasi, brownies"

Ipinatong ko ang tray. Kainis kasi. Pinagtatalunan lang naman ng partner ko sa kitchen kung anong lulutuin naming pastry. Hirap naman. Sabi ko brownies, siya naman cupcakes. Kainis!

"Ano ba kasi talaga?! Cupcake o Brownies?!" Sa inis ko, napa-sigaw na ako sa kitchen. Nagtinginan naman sila sa akin. Napa-takip tuloy ako ng bibig. Nakakahiya. Aba, di ko na mapigilan eh. Bobita kasi netong kasama ko.

"Eh pano kaya kung pagsamahin na lang natin?" tanong niya. Oo nga no? Cupcake Brownie? Pwede pwede. "Tara na nga, subukan natin" sabi ko.

Kumuha kami ng panibagong ingredients. Panigurado sisingilin kami ng extra ni Lukring (teacher namin sa kitchen). Di ko nga pala nasabi ano? HRM po ang course ko. Halata naman sa katawan. Pang-kitchen lang ako. Mandedekwat ng stocks. Lol. Pero back to business. Binati na namin yung itlog, tinunaw na ang butter saka sinama ang harina, cocoa at hinalo namin lahat. Ayy ang galing ano? Parang cooking tutorial lang.

-

Kasalukuyang Business Math ang subject. Nakaka-antok lang talaga. Tapos si Zen, absent. Ano ba naman yan! Second day pa lang absent na siya. Di ko pa din kinakausap si Gelo. Malaki talaga ang tampo ko sa kaniya. Isunusumpa ko, gagawin kitang gulaman! Sarap sarap niyang batuhin ngayon ng bloke ng yelo. Ang landi lang! Harot! Ge, push niya yan. Pumatol ka sa hipon. Kainis lang!

"Ms.Dimagiba"

"Po?!" napatayo ako. Nakaka-gulat naman si Pagong este si sir! "Sabi ko, partner kayo ni Ambrosio sa project." Ano daw?! Paki-ulit please?

"Ah, s-sige po." ngumiti na lang ako ng peke. Kung sinong partner siya pa wala. Mahal daw special appearance niya eh. Joke. Tawa ka na please.

Lagi na lang akong mag-isa. Kainis lang! Naiinis talaga ako. Kanina pa ako nag-iisip ng paraan kung paano ko ba makikilala ang magulang ko. 'Ni pangalan nga nila hindi ko alam. Pero, anong katotohanan yun? Nakaka-bother talaga!

"Taba."

Nakaka-inis lang talaga. Ang daming paliguy-ligoy ni Ate Choy eh. Tapos si Tita Dina biglang umuwi. Malapit ko na bang malaman ang totoo?

"Huy taba!"

Ano kayang katotohanan yun? Sana malaman ko na talaga kung nasaan ang mga magulang ko. Para pati di na lang si Lola nakikita ko.

"HOY TABA!"

Aba. Sino ba ito?! Lumingon ako. Ahh. Si Zen lang pala.

SI ZEN?!

"MAKA-SIGAW KA NAMAN!" Sigaw ko pabalik sa kaniya. Aba, sinisira niya moment ko eh. Nagpapaka-emo pa ako dito. "Aba kanina pa ako dito ah? Nakakangawit. Nasasayang ka-gwapuhan ko." kumindat pa. Tss. "Kapal talaga ng mukha mo Zen. Ang layo naman ng mukha mo kay Zayn Malik" kinuha ko na ang bag ko at tumayo. Vacant kasi kami. At ayokong mabulok ng isang oras sa loob ng classroom. Basura lang ang nabubulok. At hindi ako basura.

Speaking of Mr.Asungot, sunud-sunuran sa akin. Di pa daw niya saulado ang buong school eh. Kaya naman ako na daw muna bahala sa first week niya. Well, dito din kasi ako nag high school kaya saulo ko na ang University.

Nakaka-gutom mag-isip! "Zen, samahan mo ko." sabay hawak ko sa tiyan ko. "Sa canteen ano?" sabay tapon niya ng malamig na tingin. "Gusto ko ng cookies at gatas" napa-nguso ako. Eh sa nagugutom naman talaga ako eh. Di dapat ako mamayat. Baka madaming ma-inlove. Joke lang.

"Tara na nga chin-chin."

Is it just me or what? Tuwing binabanggit niya talaga yung chin-chin nickname eklabu, nakaka-kilabot (di uso ang word na kilig sa dictionary ni rocky). Aba ewan ko. FC niya kasi eh. Bigla na lang kaming naging close.

Confessions Of A Fat GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon