Lumabas na kami sa Van. Ang ganda ng view dito sa tulay. Ang ganda ng sunset. Ang ganda nung ilog. Ang sarap ng sariwang hangin. Marerelax talaga ako dito sa Ilocos.
"Ugh. Nakakainis Vien, you know what?! Kung sinabi mo sakin na sa mga ganitong place lang tayo pupunta dapat di na ako sumama!" sabay arte arte ni Cashew este ni Casey. Kaloka! naka heels ang cashew nuts. Naka dress pa. Ano sa tingin niya ang pupuntahan namin? Party?
"Tricia, picture?" sabay pakita ni kuya ng camera at ngumiti sa akin. Mariin naman akong umiling. Di talaga ako mahilig sa ng pictures eh.
"Ako na lang!" agad namang volunteer ni ate Vien.
Ang galing no? May kasama kaming Vienna sausage at Cashew nuts!
"Babe, ang dami dami mo ng mga pictures sa camera ko." sabay hug niya sa vienna sausage na ito.
Kadiri!
Pumasok na lang ako sa Van. Nadatnan ko namang natutulog ng mahimbing si Zen habang nakikinig ng music.
"Tulog ng tulog." bulong ko.
"Wala kang pake"
Halos lumuwa naman ang mata ko sa gulat. Malay ko bang gising pala siya. Nakapikit eh. Akala mo namang gwapo. Nag fi-feeling model na naman!
. . .
Kasalukuyan kaming naglalakad sa paseo ng Vigan. Napaka-ganda pala talaga dito. Ang ganda.
Nakaramadam naman ako ng something.
Nagugutom na ako. Napatahimik na ako.
"Oy, bat ang tahimik mo?" sabay kalabit niya sa akin.
Tiningnan ko lang siya sa mga mata niya. Di ako kumibo at nagsalita.
"Gutom ka na ano?" sabi niya habang natatawa ng konti.
Napasimangot na lang ako. Kilala na ako ng isang to ah?
May parang kinuha naman siya sa dala dala niyang bag pack.
Lumitaw naman ang ngiti sa labi ko nong nakita ko kung anong nilabas niya mula sa bag. Isang box ng pepero at mogu-mogu.
Kukunin ko na sana ito ng pigilan niya ako.
"Ops ops, bago mo to makuha, may kondisyones ako!" napa ngiti naman siya.
Ano na naman kayang binabalak ng loko lokong ito?
"Sasama ka sa akin. Tayong dalawa lang. Deal? Di lang ito ang ibibigay ko sayo. Ibibili din kita ng mga pagkain dito."
Kilala na niya talaga ako. Alam niya ang kahinaan ko. Kainis na lalaking ito!
"Oo na. Oo na. Eh paano yang si Cash-- este si Casey?" tanong ko dito.
"Akong bahala. Basta ganto chin-chin, kapag sinabi kong takbo. Tatakbo tayo papalayo. Okay?" bulong niya.
Tumango nalang ako sa mga plano ng baliw na ito.
Mga ilang segundo pa ay narinig ko na ang takbo mula sa kaniya. Agad naman akong nanakbo papunta sa isang puno at gayon din si Zen. 'Nong makalayo-layo na sila ay lumabas na kami pareho. Naka-ngiti siya sa akin na siya namang ipinagtaka ko ng lubos.
Parang kahapon lang ang sungit sungit tapos ngayon parang hulog ng langit.
"Bakit ba tayong dalawa lang?" natanong ko.
Nagulat ako sa ginawa niya. Niyakap na lang niya ako bigla. At naka rinig ako ng konting hikbi.
Umalis siya sa pagkakayakap sakin at nakita ko. Kahit naka ngiti siya. May namumuong luha sa mga mata niya. Nagtataka na ako at somehow, nag aalala. Baka na eengkanto na to eh.
"Z-zen, okay ka lang ba?" tanong ko.
"Okay lang ako. Kailangan ko lang mapag-isa ngayon."
"Mapag-isa?! Eh bakit kasama ako? Mukha nga akong dalawang tao eh!" reklamo ko.
"Wag ka ng maraming satsat. Tara na!" sabay higit niya sa akin.
"As if kaya mo ako!" nag belat naman ako sa kaniya. Kala mo kung sinong hari!
Napadpad naman kami sa isang resturant slash cafè dito. Pag pasok ko amoy na amoy ko na agad yung kape. Naglaway naman ako agad sa mga nakita kong pastries. Kalangitan ito ano ba!
"Ops. Yang laway mo. Wala akong panyo."
Umupo na kami sa upuan. Ang cute ng itsura nitong lugar. Vintage na vintage ang dating. Kaya habang inaantay yung order ay kinuha ko muna ang cellphone ko. Nag picture ng konti sa lugar. Memories din ito eh. Memories na mabait pa si Zen. Feels ko talaga may problema 'tong isang to.
"Ang ingay na naman ng ego mo chin-chin." sabay tawa niya ng mahina.
Ngumiti na lang ako ng peke sa kaniya. Yung parang pang asar ganun.
Ilang minuto pa ay nilabas na ang order namin. Spaghetti, cake saka coffee. Mochaccino ang akin samantalang black naman sa kaniya.
Kalangitan talaga to!
"Ops, bago mo dutdutin yan, mag usap nga muna tayo..." sa seryoso niyang tono.
Napa poker face na lang ako. Nagugutom na talaga ako eh.
"Di ka ba nagtataka kung bakit hanggang ngayon di mo pa nakikita ang mama mo?"
Napa ayos naman ako ng upo at napa seryoso ng mukha.
"Nagtataka pa din. Pero di ko naman talaga alam kung nasaan siya o kung buhay pa ba siya."
"Paano kung nahanap ko na siya?"
Lumaki naman ang chinita slash bilugan kong mata sa sinabi niya. Nakita na niya? Nahanap na niya?
"Ayun oh." tumuro siya sa labas.
Kamuntikan ko na siyang masapak.
"Gago ka! Inahing baboy yan!" sabay hampas ko sa kaniya.
Pinagtinginan tuloy ako ng tao. Bwisit na lalaking ito!
Tawa lang siya ng tawa. Naka tingin lang ako sa kaniya n.parang pinapatay sa isip ko. Akala ko totoo na. Leche flan!
"Eto na seryoso na. Nahanap na namin ang mama mo." masaya niyang bati sa akin.
"At yun naman ang kinalulungkot ko." sabay tungo niya.
Nawiweirdohan ako sa kinikilos ni Zen. Promise.
"Bakit naman?" tanong ko.
"Nevermind. Basta nahanap na namin siya."
. . .
Mga alas otso na ng gabi ng maalala namin na nahiwalay nga pala kami kila kuya. May kalahating pagka-tanga din pala to.
Nandito pa din kami sa magandang bayan ng Vigan. Ng makita naming may pinagkakaguluhan sa plaza. Agad naman kaming nagtungo duon at naabutan namin ay ang dancing fountain.
Agad kong hinigit si Zen papunta sa mga pwedeng maupuan duon. Grabe. Napaka-ganda. Natulala ako sa makukulay na ilaw na sinasabayan ng magagandang tugtugin ang tubig mula sa fountain.
Mga kalahating oras din kami nanuod ng dancing fountain ng biglang may kumalabit sa amin.
"Huli kayo!" napalingon naman kami. Si Kuya Vince. Salamat naman sa Diyos.
"Oh kuya..." mahinang sabi ni Zen.
"Bat ba kayo humiwalay? Kanina pa kami hanap ng hanap sa inyo. Tinatawagan ko kayo di niyo sinasagot. San kayo galing? Tong mga batang to oo!"
"Si Zen kasi eh!" agad kong sabi.
. . .
Nakauwi din kami sa bahay baksyunan nila kuya. Napakasaya naman ng araw na ito.Habang sem break ay sinusulit namin ang pahinga. Dahil panigurado ay papatayin kami this second sem.
Mahihiga na sana ako sa kama ko ng biglang may kumatok sa pintuan ko. Agad naman akong tumayo at binuksan ang pinto.
"Oh Zen, bakit?" tanong ko dito.
"Wala naman. Eto oh." sabay abot niya ng isang maliit na kahon.
"Galing yan sa Mama mo."