13

340 8 7
                                    

Binuksan ko ang laman ng kahon. Tumambad naman sa akin ang isang kwintas. Napa-ngiti naman ako. Ewan ko. Di ko alam. Pero ang saya saya ko. Nong nakita ko yung pendant, napakunot naman ang noo ko. Ano 'to? Plato na pendant?

Tiningnan ko namang maigi. May naka sulat na Pate don sa pendant ko. Tinaktak kong maigi yung box. Nagbabakasakaling may sulat pero wala.

Tinitigan ko lang yun pendant at bigla ko itong sinuot. Nakita ko na ito. Alam ko nakita ko na talaga 'to.

. . .

"Tricia? Bangon na. Pupunta tayo ng beach ngayon."

Dahan dahan ko namang minulat ang mata ko at tumambad si Kuya Vince sa harapan ko.

"Bakit ang aga naman po ata?" Tanong ko.

"Sa north pa kasi yung Pagudpod. Medyo matagal ang byahe Tricia." Naka-ngiti niyang sabi.

Napatingin naman si kuya sa pendant ko.

"Natanggap mo na pala."

"Nakita niyo na po ba talaga si mama?" Tanong ko.

"Basta Tricia kahit anong mangyari, nandito lang kami nila Dad for you. Okay?" Sabi niya ng mahinahon at naka ngiti. Okay. Ano ba talagang nangyayari? Patay na ba si mama?

Pumunta na ako sa banyo at nag mumog muna. Naghugas na din ako ng kamay at mukha. At bumaba muna ako sa kusina. Nadatnan ko na kumakain na silang lahat. Ako na lang pala ang natutulog. Nakakahiya naman!

"As usual, kapag baboy tulog MANTIKA matulog." Sabi nong cashew nuts.

Umagang-umaga. Umagang-umaga. Di ko siya papatulan! Pigilan niyo ko! Pigilan niyo ako! Magagawa ko siyang giniling na mani!

"Wow ah? Ikaw, espasol. Panay ka polbo." Sabay banat ko. Dali niya. Haha!

Halata namang nainis siya. Inis na inis siya sa sinabi ko. Aba syempre, nandito krass niya eh. Ayaw niya ng napapahiya chuchu. Sus. Dami niyang kaartehan sa buhay.

Kumuha naman ako ng mug at naglagay ng choco sa mug ko. Ininom ko na ito saka kumain ng kanin. Ang sarap talaga ng tapa. No wonder why kung bakit naging favorite ko 'tong agahan.

Matapos ko kumain ay nag ayos na ako. Matagal daw ang byahe kaya naman pinuno ko ng pagkain ang bag ko. Di ako mag swiswimming sa beach. Balak ko lang mag sight seeing.

Takot ako sa dagat. Sobra. Kaya naalala ko pa nga, di ako naisama ni papa sa huling paglayag niya sa dagat kasi takot ako. Yun na din pala ang huling araw na makikita ko si papa...

Teka, saan ko nahugot yun? Napa-kamot na lang ako sa ulo dahil sa biglang paglitaw ng memoryang iyon. Ang weird. Di ko akalain na may maalala pa akong ganon.

. . .

Nakita kong nagtanggal na ng sando at shorts sina vienna sausage at cashew nuts. Pinagtitinginan sila ng mga lalake sa beach samantalang ako ay naka t-shirt lang at di gaanong kaiksing shorts. Naglalakad lang ako baybay dagat. Nagmamasid masid sa paligid. Ang ganda naman dito.

Merin ding banana boat at zip line. Pero, takot nga ako sa dagat.

Naramdaman ko naman ang pagkiliti ng tubig mula sa dagat na lumapat sa mga paa ko. Napa ngiti naman ako.

May kung anong tumama sa likod ko at napa dapa sa may buhangin. Pakiramdam ko ay malulunod ako. Dinadala ako ng dagat. Bonga. Sa taba kong 'to nadala pa ako ng dagat. Pero, natakot na ako. Sinimulan ko ng sumigaw at humingi ng tulong.

Nakita ko ang isang maamong mukha ng taong pinaka iinisan ko at nawalan na ako ng malay.

. . .

Naamoy ko kaagad ang amoy na iyon. Amoy bacon. Kakagat na sana ako ngunit inilayo ito sa akin.

"Sabi naman sayo kuya, pagkain magpapagising diyan."

Kilala ko ang boses na iyon ah?

Napamulat naman ako at nadatnan sila kuya vince na nag aalala, si vienna sausage na naka kapit kay kuya vince. Si cashew nuts na inirapan ako. At si zen. Si asungot na hanggang ngayon ay tumatawa.

"Anong tinatawa tawa mo?" Bulyaw ko dito.

Napatigil naman siya. Nagising na kasi ako. Napa seryoso ang mukha niya.

"Chin, sorry na." Lumungkot ang mukha niya.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Ano bang nangyari? Wala akong matandaan.

"Masyado kasing malakas yung impact ng bola kaya natamaan ka ni zen. Pero niligtas ka niya. Akala niya kasi nong una ay maalambka lumangoy sa dagat. Nong nagsisigaw ka na, naalarma na kami. Tapos nawalan ka ng malay." Sabi ni kuya vince.

Siguro nga ay ganon ang nangyari. Basta. Wala ako maalala. Ang naalala ko lang gutom na ako.

"What do you want to eat?" Tanong ni kuya.

Napangiti naman ako at binanggit na lahat ng gusto ko kainin.

. . .

One week din kami sa Ilocos. Balik reality na naman. Anong petsa na pero di ko pa din nakakausap ulit si Gelo. Bwisit kasi siya.

Bigla kong naalala na ang nililigawan niya ay girlfriend ni kuya. Yari ka ngayon vienna sausage. Yari ka.


So hi! Magpapalaro ako ngayon. Hahahahahahaha! This is called the: FAT GIRL'S QUIZ! So simple lang naman ang mga tanong eh. Kaya patulan niyo na. XD di ako nagpapaka peymus pero ang manalo may fan sign sakin. Charot. XD puma fan sign. XD pagbigyan niyo na ako. :3 ngayon lang ito oh. T.T so nakita niyo sketch ko ng ice cream? XD para sa inyo yun chubbers.

First question:

Anong mga mura ang ginawang pagkain ni Pate sa mga una niyang chapters?

Unang maka sagot, unang may fan sign. :)

-zelleyace

Confessions Of A Fat GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon