14

289 4 0
                                    

Para akong kiti kiting di mapakali dito sa park. Natutuwa ako sa mga mangyayari. Ewan ko ba. Basta!

Sa lahat ata ng kalokohan ko dito ako magutuwa ng lubos. Di naman masama ang gagawin ko. Gusto ko lang na magising silang lahat sa katotohanan. Ayoko na masaktan si kuya Zen at si Gelo dahil pareho silang mahalaga sa akin. Tanaw ko ang paglakad ni Vienna Sausage sa may fountain kung saan ako nahulog gawa ni Zen. Nag throwback pa ako. Bwisit lang.

Halata mo sa kaniya na naiinip na siya. Kinuha niya ang phone niya sa bag niya. Mag tetext na sana siya pero dumating si Gelo na ikinagulat niya. Narinig ko pa ang mga usapan nila. Pinapalayas ni Vien si Gelo. Pinagtatabuyan. Halata mong inis na inis na siya.

"Vien, limang buwan na akong pumoporma sayo. Wala pa din bang pag asa?" Naluluhang sabi ni Gelo.

Bigla na lang dumating si kuya Vince at nagtaka siya sa eksena na nangyayari. Agad niyang niyakap ang waist ni Vien na parang pag aari niya ito. Kumunot ang noo ni kuya.

"Who are you? Bakit ganiyan ka makapag salita sa girlfriend ko?"

Nakikita at naririnig ko ang pangyayari. Oh no. Wrong Move talaga 'to. Epic fail ka talaga Patricia Dimagiba!

Hindi ko na kinaya pa ang mga pangyayari at sumugod na ako don. Ano't ano pa ay biglang may humigit sakin at nahulog ako sa damuhan. Bwisit! Sino ba'to?!

"'Wag kang maingay. Shh." bulong niya.

Pagsilip ko si asungot!

"Anong ginagawa mo?! Magsasapakan na sila!" sigaw ko sa pagmumukha niya pero para kaming tanga dito sa damuhan dahil tinatakpan niya ang bibig ko at hinahampas ko naman siya.

"Hayaan mo sila. Basta tumahimik ka chin-chin."

Wala na akong nagawa kundi umupo sa damuhan kasama siya. Pinapanod na lang namin sila Kuya Vince. Kating kati na ang mga paa ko na tumayo pero todo bantay si asungot sa akin. Ewan ko ba dito pero titig na titig sa akin. Baka nga pinapatay na ako niyan sa isip niya.

"Chin"

Rinig kong tawag niya sa akin pero di ko siya pinansin. Nanunuod pa din ako sa mga nangyayari kila Kuya. Naluluha na nga ako dahil sa hitsura ni Gelo. Di sila nagsapakan. Pero alam ko, deep inside, sobrang durog na durog na si Gelo dahil sa Vienna Sausage na iyon.

"Chin-chin, di ka ba nagugutom?"

Pero dahl sa tanong niya na 'yon ay napalingon ako sa kaniya. Bigla naman siyang tumawa ng sobrang lakas. Yung nauubusan na siya ng hininga? Push mo yan. Ng mamatay ka na.

"Sabi na eh papansinin mo ako dahil sa tanong na iyon. Pero di nga, bakit di mo subukan na magpapayat?"

Kumunot pa lalo ang noo ko at pinaghahampas siya ng libro. 

"Gago ka talaga! Pake mo ba?!"

At doon na ako napuno. Umalis ako sa pagkakaupo ko ng walang paalam. Tinatawag ako ni Zen pero di ko na siya pinapansin. Naglakad ako paalis sa park. Agad akong dumeretso sa kanto papunta sa bahay namin. Pero may na-recieve akong text. Galing kay Gelo...

Gelo: Pate, magkita tayo sa ice cream parlor malapit sa park. Please. Ikaw na lang ang kaibigan ko.

Agad akong bumalik papunta sa Park at pumasok sa ice cream parlor. Kitang kita ko ang mukha ni Gelo. Namamaga ang mata niya at namumula ang bou niyang mukha. Buong buhay ko, sa pagkakaibigan namin, ngayon ko lang siya nakita na ganito. Bilang isang kaibigan ay nadudurog ang puso ko. Nakokonsesnya din ako dahil ako ang may pakana nito. Pero mas kawawa naman sila pareho kung mas lalong tumagal ang kasinungalingang ito.

Agad akong umupo sa tapat ng kaibigan ko. Ngumiti siya ng mapakla sa akin na siya namang ikinadurog ng puso ko. Nanatili kaming tahimik sa mga pagkakataong iyon. Nabasag lamang ito dahil dumating na ata ang ni-order niya. Pero bakit dalawang baso?

"Pate, tama ka nag sa sinasabi mo sa kaniya. Sorry sa lahat Pate. Npabayaan ko na ang pagkakaibigan natin." sabay tingin niya sa akin na siya namang ikinaiwas ng mata ko. Hindi ako sumasagot sa kaniya. 

"Eto oh, samahan mo ko kumain. Na-miss kita Pate. Sorry talaga." sabay lungkot ng mukha niya.

"Nakita ko." tipid kong sagot sa kaniya.

"Ang saya lang Pate. Yung babae na sinusundan natin araw-araw dati sa park, may boyfriend na pala." at tumawa siya ng sarakastiko.

Lalo akong nilalamon ng konsensya ko. Pero hindi ito ang tamang oras para sabihin sa kaniiya ang totoo. Naawa ako sa kaibigan ko. Masakit pa ang kalooban niya dahil sa nangyayari. Pinaghalong heart break at kahihiyan yon. Lalong tumindi ang pagka galit ko sa Vienna Sausage ni iyon.

"Gelo, sana patawarin mo ako."

"Bakit?"

Napalunok ako. Sasabihin ko ba sa kaniya na ako ang may pakana non? Hindi!

"Sorry. Wala kasi ako don para ipagtanggol ka." sabay tungo ko.

"Okay lang yon Pate. Nabulag lang talaga ako sa kagandahan niya. Pero ang puso niya, hindi pala maganda. Sige na Pate. Kainin mo na yang ice cream mo. Libre ko yan." sabay ngiti niya sa akin.

. . .

Pagulong gulong na ako sa kama ko pero hindi talaga ako maka-tulog. Hanggang ngayon kasi ay tumatakbo pa din sa isip ko ang mga senaryo kanina. Nakokonsensya na naman ako! Para akong tanga sa kama ko at tinatakpan ng unan ang mukha ko. Di talaga ako mapakali!

Naramdaman ko naman na may pumasok sa kwarto kaya nagtulog-tulugan ako. 

"Nakatulog na naman 'tong bata na 'to na di umiinom ng gatas." rinig kong sabi ni Ate Choy. Tanga! Yug gatas ko di ko na naman nainom! 

"Ikaw bata ka, wag mo kong pinaglololoko. Gising ka pa ano?" at dahil sa sinabi ni ate Choy ay minulat ko na ang mga mata ko. Umiiling iling lang si ate Choy at naupo siya sa tabi ko.

"Ikaw talaga Pate, sa tinatagal tagal ng panahon di mo na ako maloloko. Nahahalata na kita. Di ka na kumakain sa oras at lagi kang tulala. Ano bang problema?"

Huminga muna ako ng malalim saka ko ikinwento kay Ate Choy. Nakikinig lang siya habang umiiyak na ako. Pero masarap pala sa pakiramdam na may tao na handang makinig at tumanggap sayo. Binigyan niya ako ng mga payo at niyakap niya ako bago matulog. Ngayon, alam ko na ang gagawin ko. Oo, makaksakit ako ng madaming tao pero sabi nga ni Ate Choy, gawin ko ang tama kahit pa ako masaktan sa mangyayari. Sana. Sana makaya ko lahat ng sasabihin at gagawin ko. I deserve this, pakana ko 'to eh.

Author's Note

So yeah. Sorry na guys at ngayon lang ako akapag update. Alam ko na ang panget panget po ng story ko at di ko naman kayo pinipilit na basahin 'to. Pero thank you po sa walang sawang sumusubaybay dito kahit once in a blue moon lang ako mag update. Thank you po. :)

Confessions Of A Fat GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon