6

650 25 3
                                    

"Papayat ako!"

Buti pa yung babae sa TV kaya niyang gawin yun. Nakaka-depress na talaga 'to! Bakit ba kasi ako pa ang napag-tripan nilang isali 'dun?! Anak ng Nutella oh! Mabilis kong kinuha ang remote at inilipat sa ibang channel. Tss.

"Basta sa akin si Patricia sa week ends"

Rinig ko din ang pag-uusap nila Tita Dina at Tito Greg sa may kusina. Pinag-uusapan nila kung kanino ako mag iistay. Dahil gusto daw ni Tito na mas makilala ako. Wala na akong magagawa dun.

Ayy pisti! Bakit dito na naman ako napunta sa Food Channel na ito?! Alam mo ba yung kailangan kong mag diet?! Makisama ka nga!

Pakuwari ko ay umabot na hanggang pluto ang nguso ko. Eh sa nakaka-inis naman talaga! Bakit ba kasi kailangan ko pang sumali dun? Bakit ako?! Kailangan ako?!

"Oh di ba sinabi mo na panget kami Patricia?! Edi ikaw ang sumali! Ganda mo kasi!"

Naalala ko yang line na yan sa utak ko. Paulit-ulit. Dinaig niya yung pagka-LSS ko sa Hello Kitty ni Avril. Napa-iling na lang ako. Sana makumbinsi ko sila Ma'am na wag ako. Madami namang iba dun. Ikaw kasi Patricia eh! Sinabihan mo pang panget sila Vannesa. Pero totoo naman. I just can't resist. Ang sarap ingudngod ng mukha niyang punong-puno ng kolorete sa inidoro. Haaays!

"Tara na Patricia" ngumiti si Tito Greg. Kinuha ko naman ang bagpack ko sa may baba ng sofa at tumayo. Lumabas na kami ng bahay. Ayun kasi ang napag-kasunduan nila. Kapag week-ends ay kila Tito Greg ako. Friday night ngayon kaya naman aalis muna ako sa munting bahay namin. "Ingat ka Tricia" sabay kaway ni Tita Dina. Ngumiti na lang ako ng bahagya.

Nakaramdam naman ako ng kaba. Paano kapag bigla akong sinugod ng asawa ni Tito? Tas bigla akong sasabunutan. O kaya naman itulak ako sa hagdan at mag-mukha akong lumpiang sariwa pagkatapos? "Patricia sakay ka na sa kotse." nagising naman ang diwa ko sa sinabi ni Tito. Pumasok na ako loob ng kotse. Sosyal kaya si Tito. May driver.

Kanina ko pa iniisip eh. Malaki kaya ang bahay ni Tito Greg? Saka, may mga anak ba siya? Kung oo, iniisip ko na ngayon na lelechonin nila ako. Palagay ko papatayin nila ako ng buhay. Ayy hindi. Patayin ako ng patay na. Double dead. Bocha.

Baliw ka talaga patricia!

-

Nakaramdam ako ng tapik sa balikat ko at napa-mulat naman ako. Tinanggal ko ang headphones ko at bumaba na sa kotse. Medyo malayo pala. Inaantok pa ako. Humikab muna ako at saka ko kinusot ang mata ko habang kapit si Piggy (stuff toy ko)  sa kaliwa kong kamay. Napamulat ng malaki ang mata ko. Totoo ba 'to? O baka naman nanaginip pa din ako?

Ang laki ng bahay-- este ng mansion ni Tito Greg. Ang ganda ganda! Pero syempre konting pakipot naman noh! Sabihin wala akong manners. "Sir, siya po ba?" tanong ng isang matandang lalaki. Sa palagay ko nasa 60's na siya. Ngumiti si tito Greg sa kaniya at sinabing "Shall we?" yaya nito. Pumasok na kami sa bahay. Nga-nga. Ang ganda ng mansion ni Tito Greg. Talagang mayaman siya at masasabi kong kaya niyang bumuhay ng baboy na kagaya ko. "Maganda ba?" tumawa pa ito ng bahagya. "Opo! Ang ganda po."

Pinagmasdan ko pa ang buong paligid. Ang ganda talaga dito. "Sige Thomas. Pwede mo na kaming iwan." utos ni Tito dun sa matandang lalake kanina. "Welcome sa bahay ko Patricia at sana maging masaya ka dito."

Ngumiti na lang ako kay Tito. Kating-kati na ang dila kong magtanong kung may asawa ba siya o kung may mga anak. Pero pinipigilan ko ang sarili ko. Sinundan ko lang si Tito kung saan siya pupunta. Nakakahiya naman kasi kung magtatanong pa ako. Tumigil si Tito sa paglalakad. At sa kabutihang palad, hindi tumama ang ilong ko sa balikat niya kagaya nung nangyari kay Tita. Throwback.

Napunta kami sa Garden. Ang ganda talaga dito. Kahit gabi na ay nakikita ko pa din ang mga magagandang bulaklak dito. May mga maliliit kasing spot light sa paligid ng garden kaya naman mamamangha ka talaga. Maya't-maya pa ay may dumating na maid. At talagang naka maid's uniform sila di kagaya ni Ate Choy. Nilapag niya ang isang slice ng cake at isang baso ng strawberry juice sa maliit na lamesita. "Sige patricia kumain ka muna." sabi ni Tito. Nung una ay nahihiya pa ako. Patikim-tikim, paunti-unti. Pero nung tumalikod na si Tito, ay nilakihan ko ang kuha ko. Ang sarap ng Vanilla Cake na ito. Saan ba 'to binili? Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ko nang maka-rinig ako ng impit na tawa. Nakita ko si Tito Greg at pinipigilan ang tawa niya doon sa isang sulok. Napa-peace sign na lang ako kahit alam kong ang amos-amos ng bibig ko.

-

Nasa-kwarto na ako at alas-nuebe na din ng gabi. Ngayon ko lang naisip, bakit sa tinagal ng panahon ngayon dumating 'to? Yung mga panahon naman dati na naghahanap ako ng sagot, wala akong makita. Pero ngayon na napanatag na ang loob ko saka naman dumating ang mga ganitong bagay. Simple lang naman buhay ko dati at hindi ganito ka-laki ang happenings. Yung tipong, araw-araw lang akong nasa park at kumakain ng dirty ice cream o kaya naman fishball. Pero ngayon, naging kakaiba ang lahat. Para akong nanunuod ng tele serye na bigla na lang magiging prinsesa ang dating baboy at mamahalin siya ng prince charming niya at titira sila sa bahay na puno ng pagkain. Haay. Anyare? Bigla na lang naging kakaiba ang lahat. Biglang nagbago ang ihip ng hangin.

Nakaramdam naman ako ng uhaw. Sana uhaw lang 'to at hindi gutom. Nakakahiya na dahil naka tatlong slice ako ng cake kanina. Bumaba na lang muna ako sa kusina at uminom muna ng tubig.

Isang hakbang, dalawa, tatlo. Ngayon ko lang na-realise na may isa pang tao sa hagdanan. Ngumiti ito sa akin at bumaba na siya ng tuluyan papunta sa kusina. Sino yun?! Halatang bagong gising si kuya. Magulo pa ang buhok pero gwapo. Ayts. Ang landi mo patricia! Bumalik ako sa loob ng kwarto at sa wakas. Dinalaw na din ako ng antok.

-

Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw na dumampi sa pisngi ko. Umaga na pala. Halos kumawala naman ang sarili kong kaluluwa dahil may tao pala sa kwarto ko. Phew. Maid lang pala.

"Ma'am, mag-ayos na daw po kayo sabi ni Sir, may ipapakilala daw po siya sa inyo." at nilapag niya ang isang dress sa may sofa sa kwarto. "Sige po ma'am" at lumabas na ito.

Nakaramdam naman ako ng kaba. Sino kaya iyon?

-

Matapos kong mag-ayos ay bumaba na ako. Ang panget ko sa dress. Mukha akong ewan. Di din ako sanay magsuot neto.

Sa garden ulit ako pinapunta ng Maid. At bumungad sa akin na may kausap si Tito Greg na lalaki. Teka, ito yung kuyang gwapo kagabi ah? Naka-business attire si Tito habang si kuyang gwapito ay naka t-shirt lang at shorts. Naka-harang si Tito sa mukha niya kaya di ko gaanong makita ang mukha ni Kuyang gwapito. Nagising naman ang diwa kon nung bigla akong tinawag ni Tito Greg. "Patricia Hija, ito nga pala si Kuya Vince mo. Panganay kong anak." ngumiti lang ako sa kanila. Nahihiya talaga ako. "Hello kuya Vince, ako po pala si Patricia."

Ngayon ko lang napansin na may parang kahawig si kuya Vince. Hindi ko lang maalala kung sino!

Author's Note

Hi! Hello! Hey! Yohoo big summer blowout! XD okay. Baliw na naman ako. I know.

Alam ko pong nagtataka kayo kung bakit nasa "Non-fiction" genre po ang story. Ganito po kasi, the facts and the ideas of the story is based from my real life experiences. Pero yung flow po niya na may kwento pa na walang magulang si pate achuchuchu is pure fiction. Kaya po nasa "others" yung isang genre niya.

Sana nagustuhan niyo ang update! ^_^

Ciao!

-Zelleyace

Confessions Of A Fat GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon